Quantcast
Channel: Pinoy Weekly » Editor’s Picks
Viewing all 59 articles
Browse latest View live

Natatanging Progresibo ng 2013

$
0
0

np 2013Niyanig tayo ng samu’t saring pangyayari nitong nakaraang taon. May natural na mga kalamidad, pero mas marami ang gawa ng tao. O, mas tumpak, gawa ng mga namumuno. At ang mga mamamayan, ang iba’t ibang grupo at indibidwal, institusyon at personahe, rumesponde sa hamon. Noong 2013, masasabi nating sa kabila ng mga pagyanig, sa kabila ng ilang natural at maraming gawa-ng-tao na mga kalamidad, may Natatanging mga Progresibo na namuno sa pakikibaka ng mga mamamayan. Sa kanila ang pagkilalang ito, na ika-limang taon nang ginagawa ng Pinoy Weekly bawat katapusan ng taon (basahin ang pagkilala noong 2009, 2010, 2011 at 2012). Gayunman, habang kinikilala natin ang natatanging mga grupo, indibidwal, pagkilos o trend, taun-tao’y binabanggit din ng Pinoy Weekly na sa kahuli-hulihan, dapat kilalaning nasa malawak na bilang ng mga mamamayan ang pinakamataas na pagkilala. Sila ang siyang tunay na bayani ng kasaysayan, ang nagtutulak ng tunay na progresibong pagbabago sa bansa.

Natatanging Progresibong Kilos-Protesta

Dambuhalang protesta noong Hulyo 22, 2013, araw ng State of the Nation Address ni Aquino. (Darius Galang)

Dambuhalang protesta noong Hulyo 22, 2013, araw ng State of the Nation Address ni Aquino. (Darius Galang)

Naganap noong Hulyo 22, isa ito sa pinakamalaking kilos-protesta kontra sa kasalukuyang administrasyong Aquino. Ang protesta laban sa State of the Nation Address (SONA) ni Aquino rin, hanggang sa kasalukuyan, ang tinapatan ng pinakamabangis na pagsupil mula sa gobyerno. Ilang araw pa bago ang aktuwal na SONA ni Pangulong Aquino, pinalibutan na ng concertina wires ang kalsada ng Commonwealth. Umabot sa 6,000

Isa sa malubhang mga nasugatan, si Rudy del Rosario ng Selda. (Ilang-Ilang Quijano)

Isa sa malubhang mga nasugatan, si Rudy del Rosario ng Selda. (Ilang-Ilang Quijano)

pulis ang dineploy mula sa iba’t ibang probinsiya para lamang bantayan ang protesta. Pero natuloy ang protesta, dumagsa sa lansangan ang mga mamamayan. At habang nagaganap ang talumpati ni Aquino, at sa kabila ng paggiit ng mga demonstrador na makalapit, hindi pa nga sa Batasan Pambansa, kundi kahit sa Sandiganbayan man lang, pinagpapalo ng mga pulis ang mga taong nagpoprotesta. Marami ang sugatan. Pero hindi natapos ang protesta. Naipamalas ang kawalan ng pagbabago sa ilalim ni Aquino kumpara sa ibang mga pangulo: Mabangis din, pasista rin. Napasubalian ang lahat ng sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati. Noong araw na iyon, habang hinahambalos ng mga pulis ang mga mamamayan na nagpoprotesta, nasa kalsada ang tunay na estado ng bayan.

Samantala, natatanging progresibong pagkilos din ang naganap noong Agosto 26, ang tinaguriang Million People March sa Luneta na pinasimulan ng ilang netizens at nilahukan ng espontayong publiko at organisadong mga sektor. Puntirya ng Million People March ang pagpresyur sa administrasyong Aquino na ibasura ang sistema ng pork barrel sa bansa. Tinatayang aabot sa pagitan ng 80,000 hanggang 100,000, sa pinaka-peak nito, ang naturang protesta ang pinakamalaking direktang pagkilos kontra sa administrasyong Aquino — aminin man ng mga nagpapakilalang organisador nito o hindi. Sa kabila ng deklarasyon ni Aquino na ibabasura ng kanyang administrasyon ang pork barrel, nanatili ito sa 2014 National Budget. Kalauna’y nailantad ang mas malaki at mas masahol pang porma ng pork barrel: ang Disbursement Acceleration Program, na pondong nasa direktang kontrol ng Pangulo.

Napakalaking mass action din (bagamat di direktang protesta) ang ginawang Yolanda relief missions ng mga organisasyong masa sa ilalim ng Bayanihan Alay sa Sambayanan (Balsa) ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Tinatayang mahigit 10,000 relief packs ang naipamahagi ng mga organisasyong masa sa Samar at Leyte. Nakapaglunsad din sila ng psycho-social therapy sa mga bata at biktima ng kalamidad. Pero higit pa rito, direkta nilang nakausap ang mga biktima at nalaman ang saklaw ng “kriminal na kapabayaan” ng administrasyong Aquino sa mga mamamayang sinalanta ni Yolanda.

Million People March sa Luneta noong Agosto 26: Makasaysayan. (Photo courtesy: Paulo Alcazaren, LIPAD Photography)

Million People March sa Luneta noong Agosto 26: Makasaysayan. (Photo courtesy: Paulo Alcazaren, LIPAD Photography)

Honorable Mentions: Pagkilos ng mga manggagawa noong Mayo 1 at Nobyembre 30; Marso 8 protesta ng kababaihan sa kanilang araw; One Billion Rising na protesta kontra karahasan ng kababaihan sa porma ng sayaw.

Natatanging Progresibong Organisasyong Masa

Nanguna ang KMU sa mga lokal at pambansang laban ng mga manggagawa at mga mamamayan. (Pher Pasion/PW File Photo)

Nanguna ang KMU sa mga lokal at pambansang laban ng mga manggagawa at mga mamamayan. (Pher Pasion/PW File Photo)

Pinangunahan ng sentro ng militanteng unyonismo sa bansa, ang Kilusang Mayo Uno (KMU), ang maraming pagkilos at kampanya hinggil sa lokal at pambansang mga isyu. Malaking suporta ito sa lokal na mga laban ng mga unyon ng mga manggagawa.

Sa Pentagon Steel Corp., halimbawa, patuloy ang pagpoprotesta ng mga manggagawa dahil sa anila’y ilegal na pagtanggal sa mahigit 140 manggagawa, matapos magprotesta sila sa di-magandang pagtrato sa kanila ng manedsment at kalagayan sa loob ng pagawaan sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City. Nananatili hanggang ngayon ang piketlayn ng mga manggagawa, at di-natigil ang pandarahas sa kanila. Noong Hulyo, isang security guard ng Pentagon ang namatay matapos iutos ng manedsment ang pananagasa sa piketlayn ng mga manggagawa. Pinagbabato rin ang mga manggagawa ng bato at bote na may muriatic acid. Sa kabila nito, nanatili ang militansiya nila. Sa pangunguna ng unyon at ng KMU, kabilang ang mga manggagawa ng Pentagon sa mga martsa, protesta at pagtatanghal, hindi lamang para igiit ang karapatan nila sa manedsment ng Pentagon, kundi para ipaglaban ang pangkalahatang hiling ng kilusang paggawa, mula sa makabuluhang dagdag-sahod, pagbasura sa polisiya ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, pagtaas ng presyo ng langis, at iba pa. Samantala, suportado rin ng KMU ang iba pang lokal na laban ng mga manggagawa, tulad, halimbawa, ng matagumpay na welga ng mga manggagawa ng Coca-Cola na nagdulot sa total paralysis ng operasyon ng planta ng naturang multinational company sa Sta. Rosa, Laguna. Naghayag din ito ng suporta sa paglaban sa kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa ng malaking estasyon ng telebisyon (TV-5).

Si Elmer "Ka Bong" Labog, tagapangulo ng KMU, sa pagtitipon ng mga kaanak at tagasuporta ng nakawelgang mga manggagawa sa Pentagon noong Disyembre. (Efren Ricalde)

Si Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, sa pagtitipon ng mga kaanak at tagasuporta ng nakawelgang mga manggagawa sa Pentagon noong Disyembre. (Efren Ricalde)

Sa kabila nito, naging aktibo ang KMU sa pambansa at pampulitikang mga isyu. Sa kabila ng patuloy na pagtalikod ng kasalukuyang administrasyon sa panawagan para sa makabuluhang dagdag-sahod, ikinakampanya pa rin ng KMU ito sa pambansang saklaw. Aktibo rin ito sa paglalantad sa mga polisiyang kontra-paggawa at kontra-mamamayan ng administrasyong Aquino. Mula State of the Nation Address (SONA) ni Aquino, hanggang red letter days ng mga manggagawa na Mayo Uno at Nobyembre 30, at kahit sa panawagan para wakasan ang karahasan sa kababaihan at mga bata sa porma ng pagsayaw, nilahukan din ng KMU. Maingay itong nagprotesta kontra sa kutsabahan ng mga monopolyo ng langis para panatilihing mataas ang presyo nito. Nagsalita ito kontra sa mga demolisyon ng mga maralitang lungsod. At tumatak sa publiko ang pagbansag nito kay Aquino bilang “Pork Barrel King”, dahil sa patuloy na pagdepensa ni Aquino sa sistema ng lump sum appropriations ng gobyerno.

Honorable Mention: Gumuhit din sa publiko ang mga pahayag at protesta ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas kontra sa paggamit ng gobyerno sa pondo para sa mga magsasaka para sa pork barrel nito. Naging aktibo rin sila sa paggiit sa pamamahagi ng lupa sa Hacienda Luisita, gayundin sa paglaban sa pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 Natatanging Progresibong Lider-Masa

Renato Reyes Jr. ng Bayan. (Mula sa kanyang Facebook account)

Renato Reyes Jr. ng Bayan. (Mula sa kanyang Facebook account)

Bilang isa sa pangunahing mga lider-masa ng progresibong kilusan, kinatawan ni Renato Reyes Jr. ang mardyinalisadong mga sektor sa bansa. Mula noong panahon ng pagpapatalsik kay Joseph Estrada hanggang sa kasalukuyan, laman na ng mga balita si Reyes bilang artikulanteng tagapagsalita ng mga progresibo. Ngayong taon, muling pinangunahan ni Reyes, bilang pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), ang mga protesta at pagtitipon kontra sa pork barrel ni Pangulong Aquino. Sa pagbubuo ng #AbolishPork Barrel Movement at pakikipagkaisa sa iba pang pormasyon at personaheng kontra-pork, binigyan ni Reyes ng boses ang mayorya ng mga mamamayan na tutol sa pork barrel. Samantalang patuloy siyang sinasangguni ng mainstream media para sa pananaw at tindig ng progresibong kilusan hinggil sa mga isyung pambayan, aktibo rin si Reyes sa social media para magsalita hinggil sa mga isyu ring ito. Matapos ang paghagupit ng bagyong Yolanda, pinangunahan ng Bayanihan Alay sa Sambayanan, o Balsa, na binuo ng Bayan, ang relief efforts ng iba’t ibang progresibong grupo para tumungo sa Samar at Leyte. Maliban sa pamamahagi ng libu-libong relief goods at pagbigay ng suportang psycho-social sa mga biktima ng bagyo, nasaksihan din nina Reyes ang epekto ng anila’y “kriminal na pagpapabaya” ng administrasyong Aquino sa mga biktima ng bagyo. Sa huling bahagi ng Disyembre, muling nanguna ang Bayan at si Reyes sa pagpapasimula ng people’s initiative kontra sa pork barrel na unang iminungkahi ni dating Chief Justice Reynato Puno.

In Memoriam: Behn Cervantes

In Memoriam: Behn Cervantes

Honorable Mentions: Matapos ang tatlong termino sa Kamara bilang kinatawan ng Anakpawis Party-list, balik sa parlamento ng lansangan si Rafael Mariano Jr. Muli siyang nanguna sa mga kampanya ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas para sa tunay na reporma sa lupa, paglaban sa pangangamkam sa lupa, at iba pang isyu ng mga magsasaka, at pambansang mga isyu. Tumampok noong 2013 ang maraming isyung bumagabag sa mga maralitang lungsod tulad ng demolisyon. Nakilala rin sa publiko ang maraming lokal na mga lider-maralita na namuno rito. Si Estrelieta “Ka Inday” Bagasbas, na isa sa mga lider-maralita sa North Triangle, Quezon City, ang nagsilbing artikulanteng tagapagsalita ng mga maralita na tumututol sa demolisyon. Tumampok rin siya bilang boses ng maralita sa protestang Million People March sa Ayala noong Oktubre. Mayroon ding ibang lider-maralita, tulad ni Nancy Abarido ng Gabriela sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City na naging epektibong boses ng mga maralitang kababaihan. Marami pang katulad nila. Samantala, dahil sa pagkakasakit niya ngayong taon, mainam ding kilalanin ang mahabang paglilingkod sa progresibong kilusan, lalo na sa kilusan ng urban poor at kababaihan, ni Carmen “Nanay Mameng” Deunida. Huling nagsalita si Nanay Mameng sa protestang kontra-pork sa Luneta noong Setyembre 21.

IN MEMORIAM: Pinakamataas na pagpupugay naman ang ibinibigay natin kay Fr. Joe Dizon, beteranong aktibista, progresibong taong-simbahan at isa sa haligi ng progresibong kilusan. Binawian ng buhay si Fr. Dizon ngayong taon. Pero bago nito, muli pa niyang pinamunuan ang ilang pagtitipon at pagkilos kontra pork barrel. Pagkilala rin sa tinitingalang progresibong artista sa teatro, aktibista, at beterano ng Batas Militar na si Behn Cervantes, na pumanaw din ngayong taon.

In memoriam: Fr. Joe Dizon. (Macky Macaspac)

In memoriam: Fr. Joe Dizon. (Macky Macaspac)

Natatanging Progresibong Alyansa

Barikada ng mga biktima ng bagyong Pablo sa pangunguna ng Barug Katawhan sa Montevista National Highway sa Compostela Valley. (People's Lens)

Barikada ng mga biktima ng bagyong Pablo sa pangunguna ng Barug Katawhan sa Montevista National Highway sa Compostela Valley. (People’s Lens)

Alyansa, hindi ng sikat na mga personahe, kundi ng ordinaryong mga mamamayang naging biktima ng bagyong Pablo (na humahupit sa Mindanao noong Disyembre 2012) ang Barug Katawhan. Sa ilalim ng naturang alyansa, mabilis na naipagkaisa ang mga biktima mula sa iba’t ibang bahagi ng apektadong mga lugar sa Mindanao. Sa harap ng pagpapabaya ng gobyerno (kahit na maraming relief goods ang Department of Social Welfare and Development), pinili ng mga mamamayan sa ilalim ng Barug Katawhan na kumilos noong Enero 2013: Inokupa nila ang malawak na Montevista National Highway sa Compostela Valley para igiit sa gobyerno ang nararapat na tulong sa kanila. Napilitang mangako si DSWD Sec. Dinky Soliman ng 10,000 sako ng bigas na nasa pang-iingat nila — bagay na di natupad ng naturang ahensiya hanggang sa kasalukuyan. Pinangunahan din ng Barug Katawhan ang anila’y “kumpiskasyon” ng mga bigas na itinatago ng DSWD sa kabila ng matinding gutom ng mga biktima ni Pablo. Noong Marso 4, pinaslang ng pinaghihinalaang mga militar ang isa sa lokal na mga lider ng Barug Katawhan — si Kagawad Cristina Jose ng Baganga, Davao Oriental.

Malawak namang alyansa kontra pork barrel ang naitayo ng iba’t ibang pambansang progresibong grupo sa pangunguna ng Bayan sa anyo ng #AbolishPork Barrel Movement. Bagamat espontayong protesta kontra sa pork ang Million People March noong simula, naging susi ang #AbolishPork para gawing mas konsistent ang mga protesta at pagpresyur sa administrasyon para ibasura ang pork barrel. Natipon nito ang iba’t ibang personahe at organisasyon, pangunahin sa mga protesta sa Luneta (Sept. 13 Forward March at Sept. 21 Never Porkget). Nakiisa ito sa iba pang mga inisyatibo kontra sa pork, tulad ng protesta sa Ayala Avenue noong Oktubre. At nitong huli, pinangunahan ng #AbolishPork ang pagpapasimula ng people’s initiative para tuluyan nang mabasura ang anumang porma ng pork sa gobyerno.

Honorable Mentions: Malawak na pormasyon ng iba’t ibang grassroots organizations at personahe ang Task Force One Billion Rising. Samantala, naipagpatuloy naman sa taong 2013 ang paglaban sa Cybercrime Law na ayon sa mga kritiko’y lalabag sa pundemantal na mga karapatan ng mga mamamayan, lalo na mga gumagamit ng internet. Pinangunahan ang kampanyang ito ng malawak na alyansang #NotoCybercrimeLaw na nabuo pa noong 2012. May malaking potensiyal naman ang Tindog Network (Pinasimulan ng Bayan-NCR) para tipunin ang lahat ng naging biktima ng bagyong Yolanda para igiit sa pabayang gobyerno ang kanilang kahilingan at karapatan.

Natatanging Progresibong Desisyon, Polisiya o Rekomendasyon (sa loob) ng Gobyerno

Lokal na protesta sa Quezon City kontra sa dagdag-singil sa kuryente ng Meralco. (Macky Macaspac)

Lokal na protesta sa Quezon City kontra sa dagdag-singil sa kuryente ng Meralco. (Macky Macaspac)

Inisyal na tagumpay ng malawak na kampanya kontra pork barrel ang pagdeklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) at bahagi ng Presidential Social Fund. Pero, tulad ng sabi ni Kabataan Rep. Terry Ridon, dulo ng iceberg pa lamang ito. Positibong hakbang ang isinagawa ng Korte Suprema, pero kailangang ipagpatuloy ang laban sa lansangan, sa korte, at maging sa people’s initiative. Samantala, nitong bago mag-Pasko, kinatigan din ng Korte Suprema ang progresibong mga mambabatas ng Makabayan sa paglabas ng temporary restraining order o TRO laban sa implementasyon ng Manila Electric Co. (Meralco) ng dagdag-singil sa kuryente. Malaking tagumpay ito na pinasimulan din ng mga protesta kontra sa mataas-na-ngang-paniningil ng kuryente ng Meralco at panukalang pagtaas ng PhP 4.15 per kilowatt hour na singil nito sa mga konsiyumer ng kuryente. Sa kabila nito, sinabi ng Makabayan na panimulang tagumpay pa lamang ito, hangga’t hindi permanenteng napipigilan ang pagpataw na matataas na singil sa mga yutilidad na matagal nang isinuko ng gobyerno sa pribadong mga kompanya.

Natatanging Progresibong Opisyal (o institusyon sa loob) ng Gobyerno

Dahil sa mga desisyong nabanggit sa itaas, kinikilala ngayon ang Korte Suprema bilang natatanging institusyon sa loob ng gobyerno na gumawa ng progresibong mga hakbang na kapapakinabangan ng maraming mamamayan.

Si Naderev Sano, sa isang COP 19 debfriefing sa Quezon City na pinangunahan ng Ibon International. (Photo courtesy: Ibon International)

Si Naderev Sano, sa isang COP 19 debfriefing sa Quezon City na pinangunahan ng Ibon International. (Photo courtesy: Ibon International)

Pero aaminin namin: nahirapan kami sa Pinoy Weekly na makakita ng progresibong opisyal na naging tampok ngayong taon. Isa sa iilang opisyal si Naderev Sano, ang komisyoner ng Climate Change Commission ng administrasyong Aquino, na nakilala sa mundo matapos muli siyang emosyonal na magtalumpati sa 19th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP 19), o UN Climate Summit, sa Warsaw, Poland noong Nobyembre. Kabibisita lang sa Central Visayas ng bagyong Yolanda, ang pinakamalakas na bagyo na nag-landfall sa bansa. Di-bababa sa 4,000 ang nasawi. Sa naturang pagtitipon sa Warsaw, binibyang boses ni Sano ang hinagpis ng mga Pilipino matapos ang hagupit ni Yolanda, at ang pangangailangang panagutan ng industriyalisadong mga bansa ang paninira sa kalikasan na dinulot ng kanilang mga industriya at panghihimasok sa mahihirap na mga bansa. Sa Warsaw, nagdeklara siya ng hunger strike habang nagaganap ang COP 19. Samantala, may balitang hindi natuwa ang mga superyor niya sa administrasyong Aquino sa paninindigang ginawa niya sa COP 19.

Natatanging Progresibong Mambabatas

Sa taong 2013, lalong nalantad sa publiko ang reaksiyonaryong katangian ng Kongreso: mayorya sa mga mambabatas, kapwa sa Mababa at Mataas na Kapulungan, ang tutol sa pagbasura ng pork barrel na bahagi na ng patronage politics sa bansa. Ngayong taon, katulad ng nakaraang mga taon, pinangunahan ng progresibong mga mambabatas mula sa Makabayan ang pagpapahayag ng maka-mamamayang mga posisyon sa loob ng Kongreso. Isa sila sa pinakaunang tumindig kontra sa pork barrel bago pa man ang SONA ni Aquino noong Hulyo. Pinangunahan din ng Makabayan, na siya namang pinangunahan ng artikulanteng kinatawan ng Bayan Muna na si Neri Colmenares, ang pagkuwestiyon sa legalidad ng pagpataw ng mataas na dagdag-singil sa kuryente ng Meralco. Sa pagbukas ng Kongreso noong Hulyo, pinangunahan din nila ang pagsumite ng panukalang mga batas na tumutugon sa demokratikong mga panawagan ng mga mamamayan, tulad ng tunay na repormang agraryo, makabuluhang dagdag-sahod, at iba pa.

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, sa piket sa harap ng Batasan Pambansa ng mga maralita at health workers noong budget deliberations. (Pher Pasion)

Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, sa piket sa harap ng Batasan Pambansa ng mga maralita at health workers noong budget deliberations. (Pher Pasion)

Miyembro ng Makabayan Bloc sa Kamara sina Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, Gabriela Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi de Jesus, Anakpawis Rep. Fernando Hicap, ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Kabataan Rep. Terry Ridon.

Natatanging Progresibong Panukalang Batas

Kabilang sa progresibong mga panukalang batas ang House Bill 343 ng Makabayan na naglalayong magbigay ng exemption sa pagpataw ng Value-Added Tax o VAT sa kuryente, tubig at langis. Pahayag ng Makabayan, immediate relief sa kahirapan at walang habas na pagtaas ng presyo ng batayang mga bilihin ang pagtanggal ng VAT sa naturang mga yutilidad. Maituturing ding panukalang batas ang isinusulong na People’s Initiative kontra sa pork barrel. Tulad ng sinabi ni dating Chief Justice Reynato Puno, sa panahong hindi nagagawa ng mga mambabatas ang tungkulin nitong magmungkahi ng batas na kapapakinabangan ng sambayanan, tungkulin na ng publiko na magpanukala nito.

Natatanging Progresibong Institusyon

Isa sa electoral alerts na inilabas ng AES Watch noong nakaraang eleksiyon.

Sa panahong hindi maaasahan ang gobyerno na magbigay ng kahit pinaka-batayang mga serbisyo, maraming institusyong labas sa gobyerno na naglilingkod. Nitong nakaraang taon, panahon ng mid-term elections, naglingkod ang Automated Elections Watch (AES Watch) para isiwalat ang isang kontrobersiyal na punto na hindi kinokober o sinasabi sa media: Ang bulnerabilidad ng automated elections sa dayaan at kawalan ng transparency para masigurong hindi nga dinaya ang nakaraang eleksiyon.Mula sa walang sapat na independiyenteng pagsuri sa source codes na ginagamit sa PCOS machines, hanggang sa mga ulat ng palpak na makina at anomaly sa mga botohan at dayaan, hanggang sa makalumang porma ng dayaan tulad ng intimidasyon sa mga botante at pagbili ng boto — naging pinaka-maingay ang AES Watch sa pagsisiwalat nito. At hindi lamang conspiracy theories ang pinalulutang nila; mga eksperto sa information technology, matematika/estadistika at iba pang siyensiya ang mga miyembro ng AES Watch. Napamalas nilang may posibilidad (o, mas angkop pa nga, probabilidad) ng dayaan noong nakaraang halalan.

Natatanging Progresibong Midya

newdtlogo1Sa larangan ng progresibong midya, isa sa mga tumampok sa taong 2013 ang online news site na Davao Today, na nakabase sa Davao City at pangunahing nagkokober ng mga mga isyung pambayan sa Mindanao. Mahusay na kinober ng Davao Today ang mga isyung bumagabag sa Mindanao nitong nakaraang taon mula sa perspektiba ng mardyinalisadong mga sektor, mula sa militarisasyon sa Davao Oriental, Surigao del Sur at iba pang probinsiya, hanggang sa labanan ng MNLF at mga tropa ng gobyerno sa Zamboanga, at epekto ng mga ito sa ordinaryong mga sibilyan. Samantala, kinikilala rin ng Pinoy Weekly ang pioneering work ng PinoyMedia eskinitaCenter (na siyang publisher din ng Pinoy Weekly) sa paglabas ng web series na Eskinita, na tumatalakay ng tampok na mga isyu at katulad ang porma sa public affairs shows sa mainstream o dominant na mga estasyon ng telebisyon. Bagamat pangunahing ibinobrodkas sa internet, nakakuha ng malaking odyens ang Eskinita sa mga komunidad ng maralita at screenings ng mga organisasyon ng iba’t ibang sektor. (Sa nakaraang apat na pagkilala ng Natatanging Progresibo, naging polisiya ng Pinoy Weekly ang hindi isama ang sarili at ang PMC sa mga nominado. Pero pinili naming gawing exemption ang Eskinita ngayong taon.) Panoorin ang tatlong unang episode ng Eskinita sa Youtube channel ng PMC.

Natatanging Progresibong Pagtatanghal

Maghimagsik!, ng Bonfacio 150 Committee at Kilusang Mayo Uno. (Macky Macaspac)

Maghimagsik!, ng Bonfacio 150 Committee at Kilusang Mayo Uno. (Macky Macaspac)

Kulminasyon ng maraming buwan ng kampanya para sa pagpapalaganap ng diwa at mensahe ni Gat Andres Bonifacio sa kanyang ika-150 taong kapanganakan ang pagtatanghal na Maghimagsik! ng Bonifacio 150 Committee at KMU noong Disyembre 7 sa UP Theater, Quezon City. Dinirehe ni Bonifacio Ilagan mula sa iskrip nina Kerima Tariman at Ericson Acosta, kakaiba ito sa maraming iba pang pagtatanghal na gumugunita kay Bonifacio ngayong taon. Malinaw na ipinakita ng Maghimagsik! ang direktang ugnay ng lumang tipo ng pakikibaka ni Bonifacio sa bagong tipo ng rebolusyonaryong pakikibaka ngayon. Kaiba rin ang naturang pagtatanghal sa paglahok ng iba’t ibang sektor bilang tagapagtanghal — mga miyembro ng iba’t ibang sektor, mga manggagawa at miyembro ng iba’t ibang unyon.

Honorable Mentions: Ginanap sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas noong Pebrero 14 ang One Billion Rising, isang koordinadong kampanya kontra sa karahasan sa kababaihan na pinangunahan ng Gabriela at New Voice Company at isa ring pandaigdigang kampanya. Sa Morato Avenue, Quezon City, naganap ang pangunahing “rising” na nilahukan ng iba’t ibang personahe sa showbiz, teatro at progresibong kilusan. Mainam na kilalanin din ang pagtatanghal ng Lean ng UP Repertory Company sa UP Diliman na batay sa musical na sinulat ni Gary Granada. Ang naturang musical ay batay sa buhay at pakikibaka ng tanyag na lider-kabataan at lider-progresibo na si Lean Alejandro, na pinaslang ng pinaghihinalaang mga militar noong 1987. Itinanghal naman ng Dulaang UP ang “Teatro Porvenir: Ang Katangi-tanging Kasaysayan nina Andres Bonifacio, Macario Sakay, at Aurelio Tolentino sa Entablado” na isinulat ni Tim Dacanay at idinirehe ni Alexander Cortez.

1174876_631977793502820_1009806604_nNatatanging Progresibong Pelikula

Walang duda na natatanging progresibong pelikula nitong nakaraang taon ang The Guerrilla is a Poet na dinirehe nina Sari Dalena at Kiri Dalena. Mahusay ang pagkadirihe at sinematograpiya nito, habang may malinaw na simpatiya sa sabdyek ng pelikula. Nabigyan ng aura ng authenticity at relevance sa kasalukuyan ang pelikula sa paggamit ng mga panayam kina Jose Maria Sison, Juliet de Lima, at Bernabe Buscayno. Hindi tayo magdududang dakila ang ginawa nila, dakila ang ipinaglaban (at ipinaglalaban pa rin) nila, at may dahilan tayo para umasa sa mas malayang bukas.

Honorable Mentions: Simpatetiko at emosyonal ang pelikulang Burgos na dinirehe ni Joel Lamangan batay sa iskrip ni Ricky Lee, hinggil sa paghahanap ni Edith Burgos sa anak niyang si Jonas, na dinukot ng militar. Entertaining dahil sa paggamit ng pormang action flick ang pelikulang On the Job na dinirehe ni Erik Matti, pero may progresibong kritika ito sa pulitikang Pilipino. Gayundin ang pelikulang Metro Manila ni Sean Ellis, na bagamat noong simula’y maaaring maakusahang isa na namang poverty porn ay naipakita naman ang simpatiya sa pobreng magsasakang karakter. Mahusay ang pagganap ni Angeli Bayani bilang dakila at marangal na domestic helper at yaya sa Singapore sa pelikulang Ilo Ilo, na dinirehe ng Singaporean filmmaker na si Anthony Chen.

Katrina Stuart Santiago

Katrina Stuart Santiago

Natatanging Progresibong Blogger

Marami ang sumusubaybay sa mga sulatin ni Katrina Stuart Santiago – sa kanyang mga rebyu at sulatin sa GMA News, sa bagong kolum niya sa Manila Times, at sa kanyang personal na blog na Radikalchick.com. Pero natatangi si Santiago sa maraming sikat na bloggers at manunulat sa online media sa kanyang progresibong tindig sa maraming usapin, mula sa mga isyu ng kababaihan hanggang sa pambansang pampulitikang isyu tulad ng pork barrel, mga kontrobersiyang kinasasangkutan ni Aquino, trahedyang dala ng Yolanda, at iba pa. Nakisimpatya siya sa mga maralitang tagalungsod na dinedemolis — isang tindig na di-popular sa marami sa middle class na natatangay ng propaganda ng gobyerno hinggil sa kanila. Mas kilala si Santiago bilang cultural writer. Pero sa online media, isa siya sa pinaka-artikulante at malupit na kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

Honorable Mention: Matapos ang dalawang termino niya bilang kongresista ng Kabataan Party-list, lider-masa muli si Raymond “Mong” Palatino ng organisasyong masa, ngayon naman ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) – National Capital Region. Pero walang patid pa rin ang kanyang pagsusulat sa kanyang blog. Masipag at mahusay magsulat si Palatino, at sumasaklaw sa maraming pambansa at kahit pandaigdigang mga isyu. Siyempre, progresibo ang tindig niya. Simple, madaling maintindihan, pero seryoso at pormal. Samantala, mistulang mainit na tinapay na parating masarap kainin kapag mainit pa ang mga sulatin ni Tonyo Cruz sa kanyang blog. Napapanahon ang mga sulatin niya, at nagtutulak ng mga pagsusuri at paninindigan sa mga isyu na kagaganap pa lamang. Basahin, halimbawa, ang napapanahon niyang interbensiyon sa “hijackers” ng kilusang abolish pork barrel.

maitaNatatanging Progresibong Libro

Mahalaga sa mga progresibo ang pagpasa ng kaalaman at karanasan ng mga nauuna sa atin tungo sa mga mas nakababata. Kaya naman pana-panahon ang paglabas ng mga libro ngayon na nagkukuwento ng karanasan ng naunang mga progresibo. Isa na rito ang librong Maita: Remembering Ka Dolor. Inedit ng mga kakontemporaryo ni Maita Gomez sa kilusang progresibo at kababaihan na sina Judy Taguiwalo at Elisa Tita Lubi, compilation ito ng mga sulatin hinggil sa isa sa pinaka-kilalang lider-progresibo ng nakaraang mga henerasyon. Kakaiba ang landas na tinahak ni Gomez mula buhay alta-sociedad tungo sa pagiging gerilya at aktibista. Bawat sanaysay sa libro’y mapupulutan ng aral hinggil sa buhay niya. Pero sa lahat, tumampok ang mahusay at sinserong parangal kay Gomez ng anak niyang si Michael Beltran, na isa na ring aktibista ngayon. Samantala, tour de force naman na maituturing ang inilabas na libro ng Congress of Teachers/Educators for Nationalism and Democracy (CONTEND-UP), na Salita ng Sandata, koleksiyon ng mga sanaysay hinggil kay Andres Bonifacio at ang pagpapatuloy ng kanyang pakikibaka sa kasalukuyan. Inedit ito nina Bienvenido Lumbera, Rolando B. Tolentino, Judy Taguiwalo, Gonzalo Campoamor II at Gerry Lanuza.

Honorable Mentions: Nilabas din nitong Oktubre ang inaabangang salin ni Prop. Ramon “Bomen” Guillermo sa libro ng kritiko at pilosopong Aleman na si Walter Benjamin, ang Hinggil sa Konsepto ng Kasaysayan. Naglabas naman ng Mga Tula ang ama niya at isa sa pinakamahusay na makata at kritiko ng kilusang progresibo, si Gelacio Guillermo. Bagamat nasa piitan, nakapaglabas ng makabuluhang koleksiyon ng mga tula si Randy Vegas na pinamagatang Antolohiya: Makabayang Lingkod at iba pang mga Tula. Organisador si Vegas sa hanay ng mga kawani ng gobyerno na ilegal na nakapiit hanggang sa kasalukuyan kasama si Raul Camposano. Mabilis namang nakapaglabas ng antolohiya na pinamagatang Surgeshinggil sa kalamidad na Yolanda ang progresibong manunulat at publisher na si Joel Garduce, kasama ang kapwa publisher na si Rosana B. Golez.

1482840_10151742782271010_1542570662_nNatatanging Progresibong Sining-Biswal

Kaalinsabay ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio ang maraming sining-biswal — pinta, mural, lilok, installation, mixed media – na pumaksa sa unang dakilang lider ng rebolusyong Pilipino. Marami rito ang ineksibit sa Cultural Center of the Philippines at University of the Philippines-Diliman. Mayroon ding nag-eksibit sa Manila City Hall, iba’t ibang eskuwelahan at komunidad. Ang kanilang likha ang natatanging progresibong sining-biswal sa 2013 — ang iba’t ibang hugis ni Bonifacio na nagpapakita ng iisang diwang palaban at makabayan. 

People's Global Camp kontra sa WTO, sa Bali, Indonesia. (Boy Bagwis)

People’s Global Camp kontra sa WTO, sa Bali, Indonesia. (Boy Bagwis)

Natatanging Progresibong Pandaigdigang Pagtitipon

Hindi naganap sa Pilipinas, kundi sa nalalapit na bansang Indonesia, sa isla ng Bali, ang ika-siyam na ministerial meeting ng isa sa mga pangunahing instrumento ng neoliberal (imperyalista) na mga polisiyang pang-ekonomiya sa mundo, ang World Trade Organization (WTO). Dito rin ginanap ang alternatibong pandaigdigang pagtitipon na nagpapakita ng tunay na paghihirap ng, at pagsasamantala sa, mga mahihirap na mamamayan ng daigdig sa ilalim ng rehimen ng imperyalistang globalisasyon. Tinaguriang People’s Global Camp, ang naturang pagtitipon ay inisponsor ng Indonesian People’s Alliance (IPA). Pero maraming progresibong Pilipino ang dumalo. Kasama na rito ang mga lider-masa na sina Vencer Crisostomo, Elmer “Bong” Labog, Rafael Mariano, George San Mateo, Roman Polintan, Liza Maza, Joms Salvador, Rep. Emmi de Jesus, at iba pang kinatawan ng iba’t ibang organisasyong masa. Tumampok ang naturang pagtitipon bilang counterpoint ng ministerial meeting ng WTO. Naging lunsaran din ito ng mapapangahas na mga protesta, sa harap ng convention center kung saan naganap ang opisyal na pulong, at kahit sa loob mismo. Samantala, isang malaking pandaigdigang pagtitipon para sa karapatang pantao sa Pilipinas ang naganap na International Conference for Human Rights and Peace in the Philippines (ICHRP) noong Hulyo. Dinaluhan ng mahigit 200 human rights advocates mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo, tinalakay sa naturang kumperensiya ang lumalalang sitwasyon ng karapatang pantao sa bansa, dayundin ang mga polisiyang neo-liberal na lalong nagpapahirap at nagsasamantala sa mayorya ng mga mamamayang Pilipino.

Si Mae Paner, a.k.a. Juana Change, na nakasuot ng kostyum na Darna, sa isang kilos-protesta sa harap ng Senado. (Pher Pasion)

Si Mae Paner, a.k.a. Juana Change, na nakasuot ng kostyum na Darna, sa isang kilos-protesta sa harap ng Senado. (Pher Pasion)

Natatanging Progresibong Artista

Bagamat maraming progresibong artista ngayon, nakalaan ang kategoryang ito sa mga alagad ng sining na naging bahagi ng mainstream media o ng kulturang popular, pero piniling makibahagi o makianib sa mga pakikibakang masa. Tulad noong nakaraang taon, muling kinikilala natin ang paglahok ni Monique Wilson sa maraming isyung pambayan, mula sa paglaban sa karahasan sa kababaihan sa One Billion Rising hanggang sa pagtindig laban sa imperyalistang globalisasyon sa People’s Global Camp vs. WTO. Naging aktibo rin si Wilson sa pakikibakang kontra-pork barrel. Sa pakikibaka ring ito nakasama ng mga progresibo si Mae Paner, a.k.a. Juana Change. Naging malaking bahagi si Paner ng kilusang kontra-pork, at nanghimok pa ng maraming ibang artista para lumahok sa mga pagkilos hinggil sa isyu. Kasama si Paner sa maraming martsa-protesta. Pero memorable ang naging emosyonal na talumpati niya (“pipitpitin ko ang bayag mo!”) sa Million People March sa Ayala Avenue, Makati City hinggil sa bigong mga pangako ni Pangulong Aquino. Mainam ring kilalanin ang pakikilahok ni Monet Silvestre, na nakilala bilang bahagi ng sikat na singing group na Tuxs pero ngayo’y isa sa pinaka-aktibong personahe sa kilusang kontra-pork. Sa huli, mainam na kilalanin rin ang pakikilahok ni Darryl Shy sa kilusang kontra-pork barrel. Lumahok at nagtanghal si Shy sa mga programa sa Luneta at Mendiola sa kabila ng pagiging busy niya bilang popular na contestant sa The Voice of the Philippines sa ABS-CBN-2.

Honorable Mentions: Mga artista at musikerong miyembro ng Artista Kontra Kurapsyon o Akksyon. Maraming musikero at artista ang natipon ng Akksyon para sa konsiyerto nito noong Setyembre 13, at sa iba pa nitong mga aktibidad.

Natatanging Progresibong Agaw-Eksena

Meme na kumalat sa social media matapos harangin ng Immigration si Thomas van Beersum.

Meme na kumalat sa social media matapos harangin ng Bureau of Immigration sa NAIA si Thomas van Beersum.

Dutch na aktibista si Thomas van Beersum, at aktibong miyembro ng solidarity movement para sa Pilipinas sa kanilang bansa. Bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino, tumungo sa Pilipinas si Van Beersum para sa isang exposure trip dito. Naging bahagi rin siya ng International Conference for Human Rights and Peace in the Philippines (ICHRP). Dahil sa kanyang mga nasaksihan at narinig, mas lalong tumibay ang paninindigan niyang makiisa sa pakikibaka rito. Noong protesta kontra sa SONA, tiniyak ni Van Beersum na makarating sa harap ng protesta. Dito niya naranasan ang mismong pandarahas ng mga pulis. Sa pagitan ng dispersal, nakuhanan siya ng litrato at bidyo ng mga mamamahayag na kinagagalitan ang isang pulis. Napaiyak ang pulis na ito. Nang kumalat sa mainstream media at naging viral sa social media ang mga imahe, naging sabdyek si Van Beersum ng matinding paninira at bullying. Nang paalis na siya sa Pilipinas, hinarang siya sa airport ng Bureau of Immigration — para raw ideport. Sa kabila nito, patuloy na nagpapahayag si Van Beersum ng pakikiisa sa pakikibakang Pilipino. Isa siyang magandang halimbawa ng international solidarity sa pagitan ng aping mga mamamayan ng daigdig.

Honorable Mentions: Lightning rally ng mga kabataang aktibista kontra sa presidential pork sa 2014 badyet. Lightning rally ng kababaihan ng Gabriela sa harap ng Gate 7 ng Malakanyang noong Marso 7, bisperas ng International Women’s Day, para iprotesta ang pagpapabaya umano ng gobyerno sa mga Pilipino na nadamay sa marahas na crackdown sa Sabah, Malaysia noong panahong iyon.


10 istoryang pinalampas ng midya noong 2013

$
0
0

Nitong nakaraang taon, tila mas sumikat ang katawagang “yellow media”  sa media organizations na kadalasang paborable kay Pangulong Aquino at sa kanyang administrasyon ang coverage. Ayon sa mga kritiko nito, lalong nalantad ang kanilang bias pabor sa administrasyon matapos salantahin ang bansa ng bagyong Yolanda—international media pa ang pinakamaingay na naglantad sa anila’y pagpapabaya ng administrasyon sa mga mamamayang nangangailangan ng kagyat na rescue at relief ilang araw matapos ang bagyo.

Pero sa palagay natin, hindi lamang “dilaw” ang dominanteng midya. Likas dito ang tinatawag sa mga pag-aaral sa pamamahayag na “establishment bias” o bias pabor sa mga namumuno at sa namamayaning sistema. Kung kaya, mas pinahahalagahan nito ang punto-de-bista ng gobyerno sa mga isyung pambayan, at may angking kawalan-ng-tiwala ito sa mga kumokontra sa gobyerno.

 Taun-taon mula 2009, tinutukoy ng Pinoy Weekly ang sampung pinakamalalaking istorya na sadyang di-kinober ng dominant media, o kaya naman di binigyan ng palagay nami’y sapat na panahon at espasyo para ipaliwanag ang mga isyung pumapalibot sa istoryang ito. Ito ang mga istorya ng mga mamamayan, ang kanilang mga paghihirap at paglaban. Ang aming pangarap, ngayong 2014 o sa malapit na hinaharap, mabibigyan na ng sapat na espasyo ang mga istoryang ganito. Nangangarap tayo ng isang midya na bibigyan ng sapat na puwang at prayoridad ang boses ng mardiyalisadong mga mamamayan.

(Basahin ang 10 istoryang pinalampas ng midya noong 2009, 2010, 2011 at 2012)

Ang sampu, walang partikular na pagkakasunud-sunod:

 

Pandarahas at pagkait ng lupa sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita

Paggiit ng karapatan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita, sa kabila ng panunupil na inisponsor ng pamilyang Cojuangco-Aquino. (Kontribusyon)

Paggiit ng karapatan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita, sa kabila ng panunupil na inisponsor ng pamilyang Cojuangco-Aquino. (Kontribusyon)

Isa sa pinakamalaki at dramatikong istorya ng tunggalian–sa pagitan ng asenderong Cojuangco-Aquino sa isang banda, at ng masang magsasaka sa kabila–ang pakikibaka para sa repormang agraryo sa Hacienda Luisita. Ngunit simula nang pinal na magdesisyon ang Korte Suprema na ipamahagi ang lupa, tila ibinaon na rin ang isyu, na para bang basta’t nagtagumpay ang laban sa larangang legal ay nagtagumpay na rin ito sa aktuwal. Kabaligtaran, siyempre, ang nangyayari. Lubhang nakakabahala ang mga kaganapan sa asyenda ngayong taon, na madalas hindi ibinabalita.

Kung pagbabatayan lamang ang mga press release ng Department of Agrarian Reform (DAR)–at maraming midya ang gumagawa nito–mabilis ang maayos ang pamamahagi ng lupa, kulminasyon ng deka-dekada nang pangarap ng mga magsasaka. Pero kung pagbabatayan ang ulat ng mga magsasaka at sitwasyon sa lugar, malinaw na ginagawa ng mga Cojuangco-Aquino ang lahat para manatiling kanila ang asyenda.

At nag-uumapaw naman ang suporta ng gobyernong Aquino sa angkan ng Pangulo. Narito ang pangunguna mismo ni Peping Cojuangco sa sarbey ng DAR na nag-e-exempt ng malawak na lupain, pag-raffle ng mga lupain at di-pagkilala ng DAR sa mga lupang binubungkal ng mga magsasaka, pagbabakod ng Tarlac Development Corp. (Tadeco) ng mga Cojuangco sa daan-daang ektarya sa Brgy. Cutcut at Balete, at pagdeploy ng militar at pulisya (na todo-armado at lulan ng mga tangke) sa loob ng asyenda.

Sa pagdaan ng taon, umigting ang pandarahas. Binugbog hanggang sa mamatay sa loob ng kanyang tahanan ang magsasakang si Dennis dela Cruz, matapos siyang bantaan dahil ayaw niyang lisanin ang lupang inaangkin ng Tadeco. Sa isang fact-finding mission, inaresto si Anakpawis Rep. Fernando Hicap at sampung iba pa. Bago lamang sumapit ang Pasko, binuldoser ang tanim ng mga magsasaka at pilit silang pinalayas. Sa pinakahuling ulat, nag-iikot ang mga lalaking naka-motor sa mga barangay, binabantaan ang mga magsasaka.

Punto-de-bista ng maralitang lungsod sa ‘paglilinis’ ng mga estero

Piket-diyalogo ng mga residente ng Brgy. Bagong Silangan at San Roque Quezon City Hall noong Hulyo. (Gregorio Dantes Jr./PW File Photo)

Piket-diyalogo ng mga residente ng Brgy. Bagong Silangan at San Roque Quezon City Hall noong Hulyo. (Gregorio Dantes Jr./PW File Photo)

Nang ideklara ni Pangulong Aquino na libu-libong maralitang pamilya ang kailangang lisanin ang mga tabing-estero dahil umano’y binabarahan nila ang daluyan ng tubig at nagiging sanhi ng pagbaha sa Kamaynilaan, maraming panggitna at nakatataas na uri (middle and upper class) ang natuwa, kabilang na rito ang midya na naging pabaya sa pag-uulat ng punto-de-bista naman ng mga maralita, o di kaya’y naging antagonisto pa sa punto-de-bistang ito.

Maraming katotohanan ang nasakripisyo sa makitid at di-siyentipikong pananaw ng gobyerno na nag-a-absuwelto sa sarili niyang pananagutan sa tumitinding pagbaha. Ayon sa mga eksperto, kadalasan ang pagbaha ay street level flooding na mula sa palyadong drainage systems at hindi mula sa mga estero. At marami pang ibang salik sa pagbaha na piniling huwag harapin ng gobyerno–gaya ng pagtatayo ng malalaking establisimyento sa mga daluyan ng tubig, land reclamation, at pagkalbo ng kagubatan–dahil negosyo ang tatamaan.

Sinasabing isang enggrandeng plano ng gobyernong Aquino ang pagpapalayas sa mga maralita para mailibre ang lupa para sa mga mamumuhunan sa ilalim ng mga Public-Private Partnership, o di kaya’y ilagay ang mga maralita sa pabahay sa malalayong lugar na walang trabaho dahil negosyo ito ng mga debeloper na konektado sa Malakanyang. Anu’t anuman, hindi muna itinuloy ng gobyerno ang malawakang pagpapalayas nang biglang pumutok ang pork barrel scam. Gayunpaman may mga ipinatupad pa ring demolisyon na nilabanan naman ng mga maralitang residente. Makatuwiran silang nanawagan hindi lamang ng pabahay, kundi ng trabaho. Ngunit marami sa midya ang piniling hindi makita ang katuwirang ito, piniling hindi makita ang dustang kalagayan sa mga relokasyon, lalo pa ang totoong mga sanhi hindi lamang ng pagbaha, kundi ng karalitaan sa kalunsuran.

Welga at paglaban ng mga manggagawa

Paggiit ng mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. sa kanilang mga karapatan. (Macky Macaspac)

Paggiit ng mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. sa kanilang mga karapatan. (Macky Macaspac)

Isang araw noong Abril 2013 nalaman na lang ng mga manggagawa ng Pentagon Steel Corp. sa Brgy. Apolonio Samson, Quezon City na tanggal na sa trabaho ang mahigit 140 sa kanilang mga miyembro ng unyon. Malaking kompanya sa isang batayang industriya ng bakal ang Pentagon. Nagtirik ng welga ang mga manggagawa. Pero hindi sila masyado pinansin ng mainstream media. Maraming beses silang tinangkang buwagin—kakutsaba pa ang lokal na pulisya. Sinuportahan sila ng progresibong mga organisasyon, kabilang ang mga manggagawa sa iba pang unyon. Noong Hulyo, isang security guard ang namatay matapos tangkaing sagasaan ng trak ng manedsment ang piketlayn ng mga manggagawa. Pinagbabato sila ng bato at bote ng asido ng mga tauhan ng manedsment. Pero di natinag, hanggang ngayon, ang nagwewelgang mga manggagawa.

“Krisis naming manggagawa, happiness ng Coke!” ang dala namang plakard ng mahigit 200 manggagawa ng Coca-Cola Bottlers Phils. na miyembro ng Unyon ng Manggagawang Driver, Forklift Operator, at Picker (UMDFP) sa Sta. Rosa, Laguna—ang pinakamalaking planta ng pinakasikat sa Asya na soft drink sa buong mundo. Nagwelga sila matapos ang patuloy na pagtanggi ng manedsment na kilalanin ang kanilang mga karapatan, kabilang ang karapatang mag-unyon. Halos 100 porsiyento ang paralysis ng welga sa operasyon ng planta. Tatlong araw lang matapos ang welga, nakipag-usap na ang manedsment, at nangakong tutupdin ang hiling nila, kabilagn ang pagregularisa ng mg amanggagawa at pagkilala ng kanilang unyon. Pero walang malaking coverage ito sa mainstream media. Hindi nakapagtataka, dahil Coke ang isa sa pinakamalaking advertiser nila.

Samantala, mismong midya naman, o mga manggagawa nila, ang nagpoprotesta ngayon sa pangatlong pinakamalaking estasyon ng telebisyon (TV-5). Tulad ng hinaing ng iba pang mga manggagawa sa iba ring estasyon ng TV, ipinoprotesta nila ang pagmamantine ng polisiya ng kontraktuwalisasyon na umiipit sa maraming karapatan at benepisyo nila. Tulad ng inaasahan, hindi rin nakober ang mga protestang ito—sa mismong estasyon man nila o kahit sa iba (na nagpapatupad din ng kontraktuwalisasyon sa sarili nilang mga manggagawa).

Rotational access ng mga tropang US sa Pilipinas: ang nilulutong kasunduan

Pangulong Aquino at US Pres. Barack Obama. (Malacanang Photo)

Pangulong Aquino at US Pres. Barack Obama. (Malacanang Photo)

Sinasabing mas matindi pa sa panunumbalik ng mga baseng militar ng US sa bansa ang pagbubukas ng Pilipinas sa rotational access ng mga tropang Amerikano. Ang rotational access ay isang kasunduan na hinataw noong 2013 sa mga pag-uusap sa pagitan ng gobyernong Aquino at Obama sa Washington at Maynila. Sikreto sa kalakhan ang mga negosasyon. Pero batay sa mga pahayag ng gobyerno, magbibigay ang rotational access ng kalayaan sa militar ng US na gamitin ang ating mga daungan at paliparan, magtayo ng mga imprastruktura, magtambak ng mga kagamitang militar, at maglagi ang mga tropang Amerikano, saanmang lugar sa bansa. Kumpara sa Visiting Forces Agreement at kahit sa US Bases Treaty, di hamak na mas malawak na kapangyarihan ang ibibigay ng rotational access agreement sa militar ng US para gawing lunsaran ang bansa ng iba’t iba nitong mga aktibidad sang-ayon sa pagpoposisyon ng sarili bilang superpower sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.

Bumisita kay Pangulong Aquino sina US Defense Secretary Chuck Hagel US State Secretary John Kerry para siguruhin ang pag-usad ng mga negosasyon (dapat darating din mismo si US Pres. Barack Obama, hindi lamang natuloy dahil sa US government shutdown). Ngunit mismong matataas na opisyal ng gobyernong Aquino na ang nangunguna sa pagsisiguro sa publiko na makabubuti para sa bansa ang kasunduan–dahil umano sa banta ng Tsina, dahil sa tulong ng mga tropang Amerikano sa panahon ng sakuna.

Kakaunti ang mga ulat sa midya na nagpapalalim sa totoong adyenda ng US sa bansa at kung bakit anti-mamamayan ang kanilang presensiya. Ang mahalagang usapin ng soberanya ng bansa ay naisasantabi sa pag-uulat hinggil sa sigalot sa Tsina at ‘pagtulong’ ng mga tropang Amerikano. Ang pagsagasa at pagwasak ng USS Guardian sa Tubbataha Reef noong Enero–na wala ni singkong kompensasyon at pag-amin ng kamalian–ay mabilis ding natabunan.

Bagong kasunduan sa WTO at epekto nito sa Pilipinas

Rafael Mariano ng KMP sa People's Global Camp sa Bali, Indonesia. (Boy Bagwis)

Rafael Mariano ng KMP sa People’s Global Camp sa Bali, Indonesia. (Boy Bagwis)

Pinoy Weekly lang ang midya na nakabase sa Pilipinas na nagkober sa mismong 9th Ministerial Meeting ng World Trade Organization (WTO MC9) sa Bali, Indonesia. Kahit malapit lang sa Pilipinas ang venue, walang ni isa sa mainstream media sa Pilipinas ang nagkober sa pulong ng isa sa pinaka-epektibong instrumento ng industriyalisadong mga bansa para makontrol at makopo ang merkado ng mahihirap (“developing” ang tawag nila) na bansa tulad ng Pilipinas.

Isa sa pangunahing napagkasunduan sa WTO MC9, sa ilalim ng tinaguriang “Bali Package”, ang kasunduan hinggil sa trade facilitation. Dito, inoobliga ang lahat ng bansa ng WTO na gawing istandard ang mga patakaran, batas, buwis, pasilidad, atbp. sa pagpasok ng imports mula sa ibang bansa. At dahil developed countries, pangunahin ang US at European Union, ang dominante sa pag-aangkat ng kanilang mga produkto, pabor sa kanila ang kasunduang ito. Pinatatatag lamang ng kasunduan ang neoliberal na mga polisiya na nagpapanatili sa dominasyon ng US, EU at iba pang industriyalisadong bansa sa maliliit at mahihirap na mga bansa tulad ng Pilipinas.

Samantala, isang alternatibong pagtitipon ang isinagawa rin sa Bali kasabay ng WTO MC9. Naganap ang isang People’s Global Camp (PGC) na inorganisa ng Indonesian People’s Alliance (IPA) at dinaluhan ng iba’t ibang delegado mula sa ibang bansa kabilang ang Pilipinas. Layon ng PGC na pasubalian ang propagandang ipinapakalat ng WTO, at kondenahin ito bilang instrument ng imperyalismo sa daigdig.

Adyenda sa ‘pagtulong’ ng tropang US matapos ang Bagyong Yolanda

Tropang Kano sa Tacloban matapos ang bagyong Yolanda. (Pher Pasion)

Tropang Kano sa Tacloban matapos ang bagyong Yolanda. (Pher Pasion)

Dahil sa kadusta-dustang kalagayang iniwan ng gobyernong Aquino ang mga biktima ng Bagyong Yolanda, naging oportunidad ang kalamidad para sa napakalaking deployment ng mga tropang Amerikano sa Leyte at Samar na may mukhang humanitarian. Siyempre pa’t mainit silang sinalubong ng mga mamamayang pinabayaan ng sariling gobyerno. Ngunit nasa lugar pa rin, at napakahalaga, ng pagtatanong at pag-uusisa sa kondukta ng US doon. May ilang ulat na ang US ang nagpatakbo ng control tower na paliparan ng Tacloban, at na kontrolado rin nila ang command center sa Cebu ng lahat ng internasyunal na puwersang tumulong sa rescue at relief.

Lalo na ngayon at sinisimulan na ang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar, mahalagang makita kung anong klaseng presensiya ang itinatayo roon ng mga tropang Amerikano. Ngunit wala nang nangangahas mag-alam at magtanong man lang, matapos tayo bahain ng sangkatutak na mga imahe ng ‘pagsagip’ ng mga sundalong US sa mga biktima. Kakaunti rin sa midya ang nagpunto sa napakahalagang estratehikong interes sa likod ng misyong humanitarian ng US: ang kanilang pagpihit sa Asya-Pasipiko bilang erya ng dominasyong pang-militar at pang-ekonomiya. Siyempre at nagamit na ng mga opisyal ng gobyerno ang pagtulong ng mga tropang Amerikano sa mga biktima ng Bagyong Yolanda para ipakita sa publiko na mahalaga ang kasunduan sa rotational access.

Kung tutuusin, napakaraming tropa at puwersa mula sa ibang bansa ang tumulong, at nakarating sana ang lahat ng tulong nang maayos at maagap kung naging sinsero at seryoso ang sarili nating gobyerno. Hindi na kakailanganin ang mala-okupasyon ng US na naganap–at patuloy na nagaganap–sa Kabisayaan, sa ngalan ng kalamidad.

Makailang beses na itong naganap sa ibang bansa, gaya ng earthquake sa Haiti at tsunami sa Timog Silangang Asya, na naging dahilan ng pagdating at pananatili ng militar ng US, at ng kasunod nitong pagbukas ng mga nasalantang lugar sa mga negosyong US (na lalong di-naiuulat). Halimbawa, ipapagamit ng kompanyang Monsanto sa mga magsasaka sa Leyte at Samar ang GMO na mga binhi para tulungan silang makabangon. Ang totoo, hindi ito aktong humanitarian kundi pagbubukas ng merkado.

Pagsasapribado sa Philippine Orthopedic Center

Mga maralitang pasyente sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City. (KR Guda/PW File Photo)

Mga maralitang pasyente sa Philippine Orthopedic Center sa Quezon City. (KR Guda/PW File Photo)

Noong Nobyembre, habang abala ang bansa sa paglilikom ng relief goods para sa milyun-milyong mamamayang Pilipino na nasalanta ng bagyong Yolanda, tahimik na inaprubahan ng National Economic Development Authority (NEDA) ng administrasyong Aquino ang kontrata sa Megawide Construction Corp. para “imodernisa” ang Philippine Orthopedic Center (POC) sa Quezon City. Ang POC ang tanging pampublikong orthopedic center sa bansa, na naglilingkod pangunahin sa maralitang mga pasyente.

Itinuturing na priority project ng administrasyong Aquino sa ilalim ng programang Public-Private Partnership (PPP) ang “modernisasyon” ng POC.

Ipinoprotesta ng iba’t ibang sektor, kabilang ang organisadong hanay ng mga maralitang lungsod sa ilalim ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), at mga kawani ng ospital at health workers sa ilalim ng Health Alliance for Democracy (HEAD), gayundin ang mismong mga kawani ng POC, ang anila’y mistulang pagsasapribado sa naturang ospital.

May mahabang karanasan ang mga kawani ng gobyerno sa pagsasapribado, tulad ng pagsasapribado ng industriya ng kuryente at tubig noong nakaraang dalawang dekada. Kasama ng pagsasapribado ang malawakang tanggalan sa mga kawani. Pero higit pa rito, kasabay ng pagsasapribado ng POC ang pagturing sa serbisyong pangkalusugan bilang negosyo—na siyang magaganap sa ilalim ng pribadong pagpapatakbo.

Sistematikong pandaraya ng eleksiyong 2013

Mga palpak na PCOS machines noong eleksiyong 2013. (Macky Macaspac)

Mga palpak na PCOS machines noong eleksiyong 2013. (Macky Macaspac)

Mas malala at sistematiko ang pandaraya sa ikalawang sabak ng bansa sa automated elections. Ito ang katotohanang pilit pinagtakpan ng gobyerno, at sa isang banda, maging ng midya, lalo na nang matapos na ang ‘demokratikong ehersisyo’ na ito at naideklara na ang mga panalo (na karamiha’y mga alyado ni Pangulong Aquino).

Lubhang nabahala ang mga eksperto at watchdog sa mga naulit at nadagdagan pang kapalpakan ng Commission on Elections (Comelec), na nagbunga ng kawalan ng integridad sa lahat ng aspeto ng halalan, mula sa paghahanda, hanggang sa pagboto at pagbibilang. Gaya noong 2010, hindi isinabak sa totoong indipendyenteng rebyu ang source code (ang koda na nagtatakda ng resulta ng halalan at magsisigurong malinis ito), bagkus ay pakitang-tao lamang na isinapubliko ilang araw bago ang eleksiyon. Kaya naman isang nakakabahalang pattern ang lumabas sa mga resulta ng halalan ng senador sa halos lahat ng presinto–ang 60-30-10 na pabor sa mga alyado ni Aquino. Isa itong statistical improbability, ayon sa mga eksperto.

Hindi na ito inimbestigahan pa ng malaliman, at sa kalakhan ay naisantabi bilang isang conspiracy theory. Nang magsagwa ng pagdinig ang Senado hinggil sa dayaang ito, at kahit nang magsampa sa Court of Appeals ng writ of habeas data ang mga electoral watchdog, halos wala nang midya ang pumansin. Batay sa kanilang masusing pag-aaral na inilabas noong Nobyembre, kinumpirma ng AES Watch ang “sistematikong dayaan” na “mas malala pa” kaysa noong 2010. Ngunit malamang ay uungkatin na lamang muli ng midya ang katotohanang ito pagdating ng eleksiyong 2016.

Militarisasyon sa kanayunan, laganap na paglabag sa karapatang pantao sa bansa

Mga sibilyang bakwit ng Compostela Valley. (Kilab Multimedia)

Mga sibilyang bakwit ng Compostela Valley. (Kilab Multimedia)

Lalong bumangis ang programang kontra-insurhensiya sa bansa. Mas matitindi, mas laganap at mas masaklaw ang presensiya ng militar sa maraming sibilyang komunidad sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas. Sa Nueva Vizcaya kung saan may malalaking kompanya ng mina ang may operasyon, matindi ang paglaban ng mga mamamayan. Tinatapatan ito ng matinding presensiya ng mga militar, sa ngalan ng Oplan Bayanihan–ang programang kontra insurhensiya ng administrasyong Aquino.

Sa Timog Katagalugan, iniulat ng mga grupong pangkarapatang pantao na mahigit 130 na ang kaso ng paglabag sa karapatang pantao (noon pang Hulyo) magmula nang magdeploy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ng walong batalyon sa Timog Quezon at Bondoc Peninsula.

Sa mga probinsiya naman ng Albay, Sorsogon, Camarines Sur at Camarines Norte sa rehiyong Bikol, di bababa sa 40 sibilyan ang pinaslang mula nang maupo sa Pangulong Aquino sa puwesto, ayon kay Vince Casilihan ng Karapatan-Bicol. Matindi rin ang presensiya ng militar sa mga komunidad na pinagbibintangan nitong sumusuporta raw sa mga rebelde.

Matindi rin ang mga paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao. Sa Compostela Valley noong Oktubre, halos 500 Lumad ang sapilitang napalikas sa kanilang mga komunidad dahil sa banta ng mga elemento ng 15th Infantry Battalion ng Philippine Army. Ayon sa mga lider-katutubo sa lugar, nandoon ang mga militar para protektahan ang operasyon ng malaking kompanya ng mina na Agusan Petroleum and Minerals Corp. Sa Misamis Oriental naman, iniulat ng Rural Missionaries of the Philippines (RMP) ang pagpatay sa dalawang lider-komunidad sa Brgy. Bagocpoc, Opol dahil sa pagtutol ng nila sa mga plantasyong palm oil at mina sa lugar. Nito lamang Disyembre, pinatay si Nickson Tungao sa isang marahas na demolisyon ng kanilang mga bahay sa Calangahan, Lugait, Misamis Oriental. Pinaslang naman ang isang lider ng tribong Mansaka na si Pedro Tinga sa Maco, Compostela Valley noong Disyembre 6, apat na araw bago ang Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao.

Iniulat ng Karapatan na sa ilalim ng administrasyong Aquino (noong Disyembre), umabot na sa 152 ang extra-judicial killings at 168 ang tangkang pagpatay sa mga sibilyan, aktibista at lider. Umabot naman sa 18 ang sapilitang pagkawala, 358 ang ilegal na inaresto at ikinulong.

Samantala, lumalala rin ang kalagayan ng political prisoners, na dapat sana’y palayain na ng administrasyong Aquino. Marami sa kanila, kinasuhan ng gawa-gawang mga kaso. Sa kabila gn bisa ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (Jasig), nakakulong pa rin ang maraming konsultant at miyembro ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Ang isa pa sa kanila, si Eduardo Sarmiento, ay hinatulan ng 20 hanggang 40 taon ng pagkakakulong—isang malinaw na paglabag sa Jasig. Pinalaya nitong Enero 2013 ang aktibistang manunulat at artista na si Ericson Acosta, pero ipiniit naman sa gawa-gawang akusasyon na rebelde siya ang makabayang siyentista at kolumnista ng Pinoy Weekly na si Prop. Kim Gargar.

Hindi gaanong naiuulat sa mainstream media, ang mga kasong ito. Hindi napatampok sa madla ang pangkalahatang klima ng kawalan ng respeto sa karapatang pantao sa bansa at ang tinaguriang klima ng impunity o kawalan ng pananagutan. 

Istranded na mga Pilipino sa ibayong dagat 

Solidarity campout ng mga kaanak ng mga istranded na Pilipino sa Saudi, sa harap ng Department of Foreign Affairs sa Manila noong Mayo. (KR Guda)

Solidarity campout ng mga kaanak ng mga istranded na Pilipino sa Saudi, sa harap ng Department of Foreign Affairs sa Manila noong Mayo. (KR Guda)

Buong taon noong 2013, kinalampag ng mga Pilipino sa Jeddah at Riyadh, Saudi Arabia ang mga konsulado ng Pilipinas para igiit ang mabilis na pagpapauwi sa kanila bago tuluyang maging biktima sila ng crackdown ng gobyernong Saudi.

Noong Nobyembre, patuloy ang pagpunta ng libu-libong istranded na mga Pilipino sa tent city sa Jeddah matapos mapalayas sila ng mga employer nila habang nagpapatuloy ang crackdown ng di-dokumentadong mga migrante. Target din ng naturang crackdown ang mga migrante na nagtatrabaho sa mga employer na kaiba sa nakalagay sa kanilang sponsorship visas, ayon sa Migrante International.

Minamaliit ng gobyerno ang problema, sa kabila ng tumitinding krisis ng mga Pilipino sa Saudi. Inirereklamo rin ng mga migranteng Pilipino na kahit iyung mga shelter na tumatanggap lamang ng halos 200 katao, pinarerenta o pinababayaran pa sa kanila, sabi pa ng Migrante.

Sa maraming diyalogo ng Migrante at mga OFW, mismong mga opisyal pa umano ng gobyerno ang nangunguna sa pagdedepensa at pagdadahilan ng gobyernong Saudi. Hinihiling ng Migrante sa Department of Foreign Affairs (DFA) na magsumite na ng diplomatic protest para maihayag ang mensahe sa gobyernong Saudi na di ito payag sa mga paglabag sa karapatang patnao ng mga Pilipino kahit pa undocumented o walang sapat na dokumento sila.

Maaalalang ganito rin ang naging tugon ng administrasyong Aquino sa krisis sa Sabah, Malaysia: gobyerno pa mismo ang nagpahayag ng pagpayag sa mga mapanupil na aksiyon ng gobyerno ng Malaysia kontra sa mga Pilipino roon.

 

Honorable mentions: Human trafficking ng Filipino teachers sa US; pagtaas ng mga ulat ng kaso ng karahasan sa kababaihan at bata, lalo na ng mga militar, pulis at “persons of authority”; koneksiyon nina Noynoy Aquino at Janet Lim-Napoles; mababang sahod ng mga manggagawa sa ilalim ng administrasyong Aquino; nakaambang pagsasapribado ng mga serbisyo ng gobyerno at tanggapan tulad ng telecommunications agencies at local water cooperatives; relief efforts ng mga organisasyong masa matapos ang bagyong Yolanda, at marami pang iba…

Mamamayan ang ‘may-ari’: Paglaban ng mga Albayano vs pagsasapribado ng kuryente

$
0
0
Mga konsiyumer sa Aleco compound (kasama si Vince Casilihan at Dante Jimenez ng VACC): determinadong itigil ang turnover ng Aleco sa San Miguel Corp. (Arkibong Bayan)

Mga konsiyumer sa Aleco compound (kasama si Vince Casilihan at Dante Jimenez ng VACC): determinadong itigil ang turnover ng Aleco sa San Miguel Corp. (Arkibong Bayan)

Inokupa kamakailan ng mahigit 100 konsiyumer ng kuryente sa probinsiya ng Albay ang compound ng Albay Electric Cooperative (Aleco). Ang kanilang pakay: pigilan ang turnover ng operasyon ng Aleco sa San Miguel Corp., dambuhalang kompanya na mas sikat sa mga produktong alak pero isa sa mga kompanyang pinakamalaki ang kita sa pagsasapribado ng industriya ng kuryente sa Pilipinas.

Tutol ang naturang mga konsiyumer at grupo sa ilalim ng Aleco Multisectoral Stakeholders Organization (AMSSO) sa pagsasapribado ng serbisyo ng kuryente.

Nitong Enero 7 nakatakdang tuluyang ipasa ng manedsment ng Aleco ang operasyon ng kooperatiba sa San Miguel Power Holdings Corp. sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC). Pero Enero 6 pa lamang, simulan nang okupahin ng mga konsiyumer ang compound. Anila, tiyak na magdudulot ng tanggalan sa mga empleyado at pagtaas ng singil sa kuryente ang takeover ng SMC.

Fr. Alex Bercasio, isa sa mga nanguna sa mga konsiyumer na nagprotesta sa turnover ng Aleco sa San Miguel Corp. (Arkibong Bayan)

Fr. Alex Bercasio, isa sa mga nanguna sa mga konsiyumer na nagprotesta sa turnover ng Aleco sa San Miguel Corp. (Arkibong Bayan)

Kumprontasyon sa Aleco

Kasama ng mga konsiyumer sa okupasyon ang mga empleyado ng Aleco na tatlong buwan nang nakawelga matapos ang anila’y kuwestiyonableng referendum sa 9,000 kabahayan na pumapayag umano sa Public Sector Participation (PSP) sa operasyon ng naturang kooperatiba ng kuryente noong Setyembre 14.

Nagdeploy ng mga pulis ang lokal na pamahalaan sa compound noong Enero 6 para pigilan ang okupasyon ng mga konsiyumer at empleyado. Noong Enero 7, nagpapunta pa ang lokal na Philippine National Police (PNP) ng bomb squad nito.

Ayon kay Vince Casilihan, isa sa mga tagapagsalita ng AMSSO, may mga konsiyumer at tagasuporta nila ang nasaktan nang tangkaing paalisin ng mga pulis na may truncheons ang mga nagpoprotestang konsiyumer. Kabilang sa mga nasaktan ang mga nakikipagnegosasyon sa ngalan ng AMSSO na sina Fr. Alex Bercasio, Tessa Lopez ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Bicol at Madonna Gay Escio, abogado at vice-president for Luzon ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Nasaktan din si Pastor Dan Balucio ng United Church of Christ in the Philippines o UCCP at Bayan-Bicol nang puwersahang isara ng mga guwardiya at pulis ang gate ng Aleco.

“Mga guwardiya at pulis ang nag-provoke sa mga nagrali. We are just invoking as the rightful owner of Aleco,” sabi pa ni Casilihan.

Kinumpirma ni Albay Gov. Joey Salceda ang naturang komprontasyon ng mga konsiyumer at pulis. Pero sa mga pahayag niya sa midya, minaliit niya ang naturang pagtigil sa turnover sa Aleco. Sinabi naman ni Energy Sec. Carlos Jericho Petilla na nag-usap na ang lokal na pamahalaan at mga pinuno sa rehiyon ng PNP para “maayos” ang sitwasyon.

Pero iginiit ng AMSSO na karapatan nila ang pigilan ang turnover. Anila, kung maisasapribado ang Aleco ay tiyak ang tanggalan ng mga empleyado at tataas ang singil sa kuryente sa Albay. Hindi rin umano dumaan sa tamang proseso ang pagsasapribado nito.

Para bigyang katwiran ang pribatisasyon

Sinabi ni Casilihan na kinukuwestiyon nila ang batayan ng pagpasok ng San Miguel sa operasyon ng Aleco.

Noong Hulyo 31, pinutulan ng kuryente ng National Grid Corp. (NGCP), na siyang namamahala sa transmission system ng kuryente sa bansa, ang Aleco dahil sa mga utang nito na PhP 1 Bilyon sa power generators at mahigit PhP 3-B sa NGCP, Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (Psalm) at National Electrification Administration (NEA). Mga konsiyumer ng kuryente sa Albay ang nagdusa sa kawalan ng kuryente.

Pinresyur ng NGCP at Department of Energy ng administrasyong Aquino na “solusyonan” ang problemang pampinansiya nito. Aktibong iminungkahi ng NEA ang pagsasapribado sa Aleco, o pagpasok sa isang PSP. Naibalik lamang ang kuryente sa Albay matapos magbayad ang Aleco ng inisyal na PhP 19 Milyon at magbuo ng isang plano para mabayaran ang mga utang.

Ayon sa AMSSO, talamak sa Aleco manedsment ang korupsiyon at matagal nang di napangangasiwaan nang maayos ang pinansiya nito.

Sa isang komentaryo na sinulat ni Casilihan sa Bicol Todayisang online news site sa rehiyong Bikol, sinabi niyang may magandang rekord-piskal at maituturing na epektibong electricity distribution facility ang Aleco mula 1972 hanggang 1994. Pero nang mapasailalim ito ng pangangasiwa ng NEA at maipagkaisa ang operasyon ng Aleco I, II, at III, lumaki ang mga pagkakautang nito.

Ikinumpara ni Casilihan ang Aleco sa buong industriya ng kuryante sa bansa. Isinapribado ang industriyang ito sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (Epira) noong 2001. Dating monopolisado ng National Power Corp. (Napocor) na pag-aari ng gobyerno ang industriya ng kuryente. Pero malaki ang pagkakautang ng Napocor, at ito ang ginawang katwiran ng administrasyong Arroyo para sa isabatas ang Epira.

Nang maipatupad ang Epira, “(a)bout fifty two percent (52%) of the power industry (were) controlled by three(3) big private corporations – San Miguel Corporation(SMC), the Aboitiz, and the Lopezes,” sabi ni Casilihan. Matapos ang 10 taon ng implementasyon ng Epira, halos hindi lumiit ang utang ng Napocor: mula US$ 16.4-B, naging US$ 15.8-B pa ito noong 2010. Samantala, Pilipinas na ang may pinakamahal na kuryente sa buong Asya, at pangatlo sa buong mundo.

Inaasahang ganito rin ang mangyayari sa serbisyo ng kuryente sa Albay sa pagsasapribado ng Aleco.

Kuwestiyonableng referendum?

Kung kaya nagmungkahi ang AMSSO:  kasama sa itinutulak nilang pagtugon sa problemang piskal ng Aleco ang Cooperative-to-Cooperative (C2C) Partnership Plan, na isang praktika ng pagtutulungan sa pagitan ng mga kooperatiba, para masolusyonan ang problemang piskal ng Aleco na sanhi umano ng power outages sa probinsiya at idinadahilan ng manedsment para ipasok ang SMC.

Sa ilalim ng C2C, makikipagsosyo ang Aleco sa Benguet Electric Cooperative (Beneco) para maiahon ang operasyon ng nauna. Hindi kikita ang Beneco sa naturang kasunduan–gagawin nila ito para matulungan ang isang kapwa kooperatiba.

Pero ang itinutulak ng manedsment ng Aleco, ang PSP (katawagang nangangahulugan din ng pagsasapribado) . Sa PSP, inaasahang kikita ang SMC mula sa pagsasaayos ng operasyon ng Aleco. Inaasahang kabilang sa “pagsasaayos” ang pagtaas ng singil sa mga konsiyumer ng kuryente sa Albay. Nito lamang Disyembre, humiling na umano ng pagtaas sa singil ng kuryente ang manedsment ng Aleco kahit walang konsultasyon sa mga konsiyumer.

Sa General Assembly ng Aleco noong Nobyembre 30, 2011, ibasura nito ang opisyong PSP. Pero ipinilit ito ng manedsment sa pamamagitan ng isang “espesyal na General Assembly” noong Marso 24, 2012. Naitulak ang pagsasagawa ng isang referendum noong Setyembre 14, 2013.

Ayon sa AMSSO, bukod sa walang legal na batayan ang referendum, kuwestiyonable rin umano ang prosesong dinaanan nito.

Anila, ang ipinrisintang panukala para sa PSP ay “mistulang kinopya” sa C2C. Ayon sa opisyal na pahayag n AMSSO, parang pinalitan lang umano ang “Beneco” ng SMC sa naturang panukala, para maging kaakit-akit sa mga boboto sa referendum. At sa mismong botohan noong Setyembre 14, umabot lang sa 4.8 porsiyento ng mga miyembro-konsiyumer ang dumating para bumoto. Samantala, ang legal requirement para sa anumang korporasyon ay 5 porsiyento.

Itinatanggi ng manedsment ng Aleco, pero iginigiit ng AMSSO na nagkaroon ng “malawakang pagbili ng boto”.

There was massive vote-buying amounting to P20, P50 and P150 perpetrated by pro-PSP politicians specially among the members of barangay power associations (BAPA). Pro-PSP voters were hauled. Voting centers were relocated to necessitate travel by member-consumers. Aleco funds, barangay vehicles and other government resources were used in favor of PSP,” pahayag pa ng AMSSO.

Ang resulta ng kuwestiyonableng “referendum”: 5,500 sa 9,000 botante ang pumabor sa PSP. Ilang araw lamang matapos ng referendum, noong Setyembre 18, naglabas ang Board of Directors ng Aleco ng notice ng paggawad ng concession sa SMC para sa operasyon ng Aleco.

Ginamit ng Aleco manedsment ang buong puwersa ng gobyerno para tangkaing supilin ang protesta ng mga konsiyumer. (Arkibong Bayan)

Ginamit ng Aleco manedsment ang buong puwersa ng gobyerno para tangkaing supilin ang protesta ng mga konsiyumer. (Arkibong Bayan)

Mamamayan ang ‘may-ari’

Iginigiit ng AMSSO na mayorya ng mga konsiyumer-miyembro ay di-pabor sa pagpasok ng pribadong interes. Lalong tututulan nila ito kung malalamang sa kasaysayan ng pagsasapribado ng serbisyo ng kuryente sa bansa–halimbawa, ang operasyon ng dambuhalang pribadong kompanya na Manila Electric Company (Meralco) sa Kamaynilaan–di tumaas kundi lalong nagmahal ang presyo ng kuryente sa pagtagal ng panahon.

Pag-aari rin ng SMC ang halos 22 porsiyento ng Meralco.

(Basahin ang balita hinggil sa mga protesta kontra labis na paniningil ng Meralco.)

Samantala, kahit ang Concession Agreement sa pagitan ng San Miguel at Aleco, sinisikreto pa umano ng manedsment sa mga konsiyumer-miyembro. Ani Casilihan, hanggang noong Enero 7, hindi pa nila nasisilayan ang aktuwal na pinirmahang kasunduan ng dalawang panig.

“Sa ganitong kalagayan, wala nang maaasahan pa ang mga Albayano kundi ang kanilang sariling lakas upang pigilan ang 25 hanggang 50 taong pananamantala ng San Miguel Corporation (25-50 years ang concession ng SMC sa Aleco)…Kaming mga konsiyumer ay binabawi ang Aleco,” pahayag ng AMSSO, nang kanilang okupahin ang Aleco compound.

Anila, mga mamamayang tagakonsumo ng kuryente ang may-ari ng Aleco, kung kaya sila rin ang dapat masunod kung papaano maibabangon ang kanilang kooperatiba.

 

BASAHIN: Sidebar | Aleco at ang industriya ng kuryente sa Albay

 

Tanaw sa 2014: Ekonomiyang ampaw, diskuntentong aapaw

$
0
0
Ang kapalpakan ng administrasyong Aquino sa pagharap sa Bagyong Yolanda ay dagok sa kanyang popularidad. Ngunit ang pagbuhos ng ayuda ay maaari ring magpagana ng bangkaroteng ekonomiya sa 2014.

Ang kapalpakan ng administrasyong Aquino sa pagharap sa Bagyong Yolanda ay dagok sa kanyang popularidad. Ngunit ang pagbuhos ng ayuda ay maaaring magpagana ng bangkaroteng ekonomiya sa 2014, ayon sa Ibon Foundation. (PW File Photo)

“Ampaw,” o walang totoong ganansya para sa ordinaryong mamamayan ang ‘paglago’ umano ng ekonomiya noong 2013. Kaya ngayong 2014, dapat asahan ang mas matinding diskuntento sa administrasyong Aquino.

Ito ang tanaw ng think tank na Ibon Foundation, matapos suriin ang kalagayang pampulitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas noong nakaraang taon. Ayon sa Ibon, noong 2013, lumalim ang krisis sa ekonomiya at tuluyang naglaho ang “ilusyon” na may makabuluhang pagbabago sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Totoong lagay ng ekonomiya

Sa isang economic and political briefing sa Quezon City kamakailan, inilahad ng Ibon ang tindi at lawak ng krisis sa ekonomiya na lalong nagpapahirap sa karamihan, at nagpapayaman naman sa iilan:

  • Kahirapang pinagtatakpan

Pilit itinatago ng gobyerno ang napakalaking bilang ng mahihirap na Pilipino. Umano’y makailang beses nang binago ng National Statistics Coordination Board o NSCB ang kanilang pamantayan ng “mahirap”. Tinatayang 19 milyong mahihirap ang tinanggal sa opisyal na talaan ng mahihirap dahil sa mga pagbabagong ito.

Ngayon, tinataguriang “mahirap” lamang ang isang Pilipino kapag nabubuhay sa halagang P52 kada araw. Sa tantiya ng gobyerno, nasa 23.7 milyon ang bilang nito. Pero kung sa pamantayan na “mahirap” na nabubuhay sa halagang P125 kada araw, aabot sa 66 milyong Pilipino ang naghihirap, ayon sa Ibon.

  • Lumalagong kita ng malalaking kompanya, mayayamang pamilya

Kasabay ng malawak na kahirapan ang paglago ng kita o net income ng Top 1000 Corporations sa bansa. Lumago nang 24.5 porsiyento (katumbas ng P212.8 Bilyon) ang kanilang kita noong 2012 kumpara sa nakaraang taon. Tatlong beses itong mas malaki kaysa sa paglago ng Gross Domestic Product (GDP).

Lumago rin ang kita o net worth ng 40 Richest Filipinos nang halos apat na beses, o katumbas ng $16.8 B, mula noong 2009. Ito ang mga pamilya Sy, Tan, Razon, Gokongwei, Ayala, Aboitiz, Consunji, Ty, Cojuangco (kinabibilangan ni Pangulong Aquino), Zobel, Lopez, Araneta, Yuchengco, at iba pa, na may-ari ng iilang kompanyang nagdodomina sa pangunahing mga sektor ng ekonomiya.

  • ‘Paglago’ ng ekonomiya: mababaw, ampaw

Ipinagmamalaki ng administrasyong Aquino ang 7.4 porsiyentong growth rate ng GDP o paglago ng ekonomiya ng bansa noong unang tatlong kuwarto ng 2013: isa raw ito sa pinakamabilis sa buong mundo.

Ngunit ayon sa Ibon, kalakhan ng paglago ay nagmula sa sektor ng real estate at construction, na kakaunti ang nalilikhang trabaho at hindi pinalalago ang iba pang sektor ng ekonomiya. Malaking bahagi naman ng paglago sa sektor ng pagmamanupaktura ay may kinalaman pa rin sa real estate at construction.

Samantala, nananatiling napakababa ng paglago ng sektor ng agrikultura (1.1 porsiyento).

Ang paglago ng real estate at construction ay bunga ng pagbagsak ng interest rates ng mga bangko, ayon sa Ibon. Dahil sa kagustuhan ng mga kapitalistang bansa na paganahin ang kanilang ekonomiya at maibsan ang krisis, ipinatupad nila ang polisiyang tinatawag na quantitative easing at naglagak ng $3.5 Trilyon sa mga bangko at iba pang pampinansiyang institusyon simula noong 2008. Dahil dito, bumagsak ang interest rates sa 0.27 porsiyento noong 2013, mula 5.3 porsiyento noong 2007.

Ngunit pansamantala at mababaw umano ang ‘paglago’ sa ekonomiya na itinulak ng mababang interest rates at pangungutang sa bangko ng maliit na bahagi lamang ng lipunan.

Halimbawa, ang demand sa real estate at construction ay kalakhang nagmumula sa mga business process outsourcing at may-kayang Overseas Filipino Workers (OFWs) lamang. (Tinatayang bababa rin ang demand na ito kapag tumaas na ang interest rates.) Hindi ito nakabatay sa istableng lokal na demand at produksiyon.

Gayundin, napakaliit ng nalilikhang trabaho sa real estate at construction (ang real estate, 0.5 porsiyento lamang ng kabuuang pag-eempleyo at ang construction, 6.2 porsiyento). Nakakonsentra lamang din ito sa National Capital Region, at Calabarzon.

Sa kalakhan, nananatiling atrasado ang agrikultura at industriya ng bansa dahil sa pagsunod sa dispalinghadong mga economic roadmap ng administrasyong Aquino. Ayon sa Ibon, ang mga roadmap na ito ay hindi nagmumula sa isang estratehikong plano para sa pambansang industriyalisasyon at pag-unlad, kundi sa “kagustuhan ng mga negosyo, kabilang ang dayuhang negosyo, na palakihin ang kanilang produksiyon at kita.”

Halimbawa, sa dayuhang mga kompanyang transnasyunal (TNC) napupunta ang 65 porsiyento ng kita sa sektor ng pagmamanupaktura.

Ang mga kompanyang TNC–bukod sa hindi nag-aambag sa pag-unlad ng lokal na industriya, at nagpapababa sa halaga ng mga produktong lokal dahil pinapaloob lamang ang mga ito sa pandaigdigang supply chain–ay may tendensiya ring mag-empleyo ng pinakakaunting manggagawa sa pinakamababang sahod.

  • Kawalang trabaho, mababang sahod

Ipinunto ng Ibon na ang diumano’y ‘paglago’ ng ekonomiya ay hindi lumikha ng mga trabaho. Noong 2013, nasa 0.8 porsiyento lamang ang paglago ng empleyo, o katumbas ng 317,000 trabaho.

Nasa all-time high naman ang unemployment rate o kawalan ng trabaho sa 10.6 porsiyento, o katumbas ng 4.5 milyon, batay sa tantiya ng Ibon. Ang sariling tantiya ng gobyerno–na mas mababa dahil sa gamit na depinisyon ng ‘may trabaho’–ay nasa 7.1 porsiyento o 2.9 milyon. Pero anumang estadistika ang gamitin, ayon sa Ibon, isa ito sa pinakamalalang antas ng kawalang-trabaho sa Asya at maging sa mundo.

Samantala, hindi pa umaabot sa kalahati ng family living wage (o sahod na kinakailangan para mabuhay ang isang pamilya) ang minimum na sahod na natatanggap ng isang manggagawa sa National Capital Region. At dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, halos pareho lang o lumiit pa ang totoong halaga ng sahod mula 2010 hanggang 2013. Totoo ito para sa 79 porsiyento ng mga manggagawa, ayon sa Ibon.

  • Mataas na presyo ng bilhin

Kinatampukan ang 2013 ng pagtaas sa presyo ng bigas at langis at singil sa tubig at kuryente, na bunga ng pribatisado at deregularisadong industriya ng batayang mga serbisyo at yutilidad.

Mula sa P30 kada kilo noong 2012, tumaas ang presyo ng bigas sa P36 kada kilo noong 2013, samantalang tumaas naman ng 10 hanggang 30 porsiyento ang presyo ng maraming gulay.

Noong nakaraang taon, tumaas nang 26 na beses ang presyo ng gasolina habang nag-rollback naman ng 14 na beses. Kaya mula sa P39.50 – P42.45 kada litro noong 2012, tumaas ito sa P49.15 – P55.30 noong 2013. Tumaas din ang presyo ng LPG. Mula P670 -P814 kada 11kg na tangke, naging P842 – P965 ito.

Nakabinbin naman dahil sa oposisyon ng iba’t ibang grupo ang malakihang mga pagtaas sa singil ng kuryente, tubig, at MRT/LRT.

“Ang pinakamalaking kabiguan ng administrasyong Aquino ay ang paggamit nito sa kapangyarihan ng estado para itaguyod ang pribadong tubo ng mga dayuhang kompanya at lokal na oligarkiya, habang iniiwasan ang redistristribusyon (ng yaman) para sa kapakanan ng naghihirap na mayorya,” ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon.

Dagdag pa niya, sinusuportahan ang mga polisiya ni Aquino ng internasyunal na mga pampinansyang institusyon, dayuhang kapitalista, malaking bahagi ng lokal na oligarkiya, gobyerno ng US at iba pang makakapangyarihang bansa.

Aabangan sa 2014

Ngunit dahil sa lalim ng mga problemang sosyo-ekonomiko, umano’y laging hinog ang mga kondisyon sa diskuntento at paglaban ng mahihirap na mamamayan, na batid ang papalala nilang sitwasyon. “Maging ang mga nasa panggitna at nakatataas na uri, kinukuwestiyon na rin ang kakayahan, pagdedesisyon, at sinseridad ni Aquino,” ayon kay Africa.

Umano’y pinakamatinding yumanig sa popularidad ni Aquino ang usapin ng korupsiyon sa pork barrel, kabilang ang sariling Disbursement Acceleration Program o DAP, at ang kapalpakan nito sa pagharap sa Bagyong Yolanda.

Sa 2014, inaasahan ng Ibon na tutumal ang ‘paglago’ ng ekonomiya (na nagsimula na noong huling kuwarto ng 2013), dahil sa unti-unting pagtaas ng interest rates at pagbaba ng growth rate ng OFW remittances. Posible lamang umanong pansamantalang buhayin ang ekonomiya ng pagpasok ng tinatayang P361 Bilyon mula sa rekonstruksiyon at rehabilitasyon sa mga eryang sinalanta ng Bagyong Yolanda.

Sa huling dalawang taon ng administrasyong Aquino, susubukan din nitong bawiin ang nawalang suporta ng publiko sa pamamagitan ng “pakitang-tao” na pagtugis sa korapt na mga kalaban sa oposisyon, ayon sa Ibon. Umano’y magdudulot ito ng mas maigting na tunggalian ng mga paksyong elite na nagpoposisyon na rin ng kani-kanilang kandidato para sa 2016 presidential elections.

Sa gitna ng lahat ng ito, iigting ang paghahanap ng mga mamamayan–lalo na sa kanayunan–ng radikal na pagbabago sa bansa. Sa monitoring ng Ibon, tumaas ang bilang ng mga engkuwentro sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at New People’s Army (NPA) sa 372 noong 2013, mula 323 noong 2012, ayon. Sa mga engkuwentrong ito, tumaas ang bilang ng mga kaswalti ng gobyerno habang bumaba naman ang sa mga rebeldeng NPA.

Susubukan umanong pahupain ni Pangulong Aquino ang tumitinding diskuntento sa pamamagitan ng dole-outs at propaganda na bubuti rin ang sitwasyon ng mahihirap.

“Totoong hindi kayang solusyunan sa loob ng tatlo o kahit anim na taon na presidential term ang matatagal nang problema ng bansa. Ngunit ang pagpapatuloy (ni Aquino) sa mga polisiyang napatunayan nang bigo at dispalinghado ay magpapalala lamang sa mga problemang ito,” ayon kay Africa.

Ang totoong solusyon umano sa krisis pang-ekonomiya ay ang pagtaas ng lokal na demand sa pamamagitan ng tunay na repormang agraryo at pagtaas ng sahod. Gayundin ang pagtaas ng lokal na produksiyon sa pamamagitan ng suporta at proteksiyon sa lokal na produksiyon, sa halip na pag-akit sa dayuhang kapital na pinagkakakitaan lamang ang murang paggawa, natural na rekurso, at merkado ng Pilipinas.

Ngunit sa halip na humakbang papalayo sa luma at di-demokratikong mga polisiya, kabaligtaran ang ginagawa ni Aquino, ayon sa Ibon. Delikado at nag-iimbita umano ng pag-aalsa ang tinatahak na daan ng administrasyon.

Again and again, farmers defy land grabbing in Hacienda Luisita

$
0
0
Only low-level officials of Department of Agrarian Reform faced angry Luisita farmers in a dialogue last Jan 21. (Ilang-Ilang Quijano)

Only low-level officials of Department of Agrarian Reform faced angry Luisita farmers in a dialogue last Jan 21. (Ilang-Ilang Quijano)

The land had just yielded a bountiful rice harvest and farmers in Brgy. Cutcut were just about ready to sow mongo seeds to rejuvenate the land and prepare it for the next planting season. But on the morning of January 16, farmers woke up to find that a hut, a security outpost of the Cojuangco-owned Tarlac Development Corporation (Tadeco), has been erected right smack in the middle of their fields.

In minutes, the farmers mobilized themselves. Despite threats by the armed guards manning it, they were able to dismantle the outpost.

The next day, the farmers saw that the hut they dismantled was standing once more. This time, there were more Tadeco guards around, who threatened to call for military and police back up. But before the state’s security forces came, some members of the media came. This paved the way for negotiations, ending with both parties finally agreeing to  a status quo or to leave things as they are (“walang galawan”).

The next day, the hut was gone. “I don’t know what happened to it,” 59-year old farmer Rudy Corpuz said, chuckling.

But the tension in Hacienda Luisita is just beginning to escalate, the farmers believe, as the family of President Aquino step up efforts to maintain control over the vast estate.

Confrontations between farmers and armed guards and goons of Tadeco since last year has resulted in the bulldozing of lands, filing of trumped-up charges and arrest of farmers and their supporters, and the killing of one farmer.

Meanwhile, Department of Agrarian Reform’s (DAR) land distribution process–marked by the controversial “tambiolo” or raffling of lots–has been accompanied by the heavy deployment of police ang military forces.

Pong Sibayan, acting chairperson of Ambala (Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita), fears that the tension may escalate into an incident similar to the 2004 massacre of striking hacienda workers. “The people are terrified,” she said.

Still, more than 400 farmers have refused to give their lands back to their landlords under what they claim as the “sham” land distribution under the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Under the watchful eyes and guns of private guards and state forces controlled by the most powerful man in the country, they continue tilling their lands collectively and demand for free land distribution.

‘Reconcentration’ of lands to Cojuangcos

In a letter given recently to farmworker beneficiaries, the DAR threatened to disqualify by February 15 those who still refuse to sign an Application to Purchase and Farmer’s Undertaking (APFU). “The failure to abide by this deadline means giving up your right as a beneficiary of CARP in Hacienda Luisita,” the letter said.

Farmers find this ‘deadline’ unconscionable.

Florida Sibayan, acting chairperson of Ambala, shows a picture of her father who died of sickness shortly teargas inhaled during the 2004 massacre worsened his asthma. (Ilang-Ilang Quijano0

Florida Sibayan, acting chairperson of Ambala, shows a picture of her father who died of sickness shortly teargas inhaled during the 2004 massacre worsened his asthma. (Ilang-Ilang Quijano0

In a dialogue with low-ranking DAR officials last January 17 (farmers complain that not even a department undersecretary faced them), the farmers said that they refused to sign the APFU because the document refused to recognize collective land ownership–even if such is an option under the law–and tied them to the payment of monthly amortization, which if unpaid for three years would mean land forfeiture.

“In truth, we have paid for this land many times over with our sweat and blood. It is already ours. Also, we are still waiting for the P1.33 Billion that the management of Hacienda Luisita still owes us–that amount alone should be enough to pay the government,” said Sibayan.

The P1.33-B owed to farmers from the sale of land for the Subic-Clark-Tarlac Expressway is just one of the many other contentious issues of the Supreme Court decision on Hacienda Luisita that remains unresolved because of what the farmers alleged is a “collusion” between the Cojuangcos and the executive department.

Meanwhile, even as the DAR has claimed successful distribution of Certificate of Land Ownership Awards (CLOA), farmers say that only xerox copies of CLOAs were given out. These also had little bearing, since the farm lots awarded to them by the DAR through the raffle were far from their homes or fields they were currently tilling.

“Many farmers in our barangay were given lots in far-away barangays Pando and Mabilog. A one-way tricyle ride would cost them P100. Also, most cannot afford to re-invest in irrigation, as the government has given us no support. So what happens is that many have no choice but to rent out their lands instead,” said Raymundo Alcaide, a farmer from Brgy. Balete who were among those who refused to participate in the raffling of lots.

Lands in the hacienda are rented out for as low as P7,000 per year. Meanwhile, other farmers have given up their lands as collateral, for “loans” that reach up to P100,000.

Ambala says that sugarcane growers who are “dummies” of the Cojuangcos now control many of these lands rented out or given up as collateral by farmworker beneficiaries, paving the way for the re-concentration of land to their old landlords. This is exactly what the DAR and President Aquino has set out to achieve, the group says.

Alcaide is one of many Ambala members who instead participate in the “bungkalan” or collective tilling that farmers have set up since 2005, a year after the infamous massacre. A few days before Christmas last year, he once again got a taste of the kind of violence that the Cojuangcos were capable of, when his hut and fields were bulldozed by Tadeco guards.

Farmers tried to stop the bulldozing of their fields last December. (Contributed Photo/Ambala)

Farmers tried to stop the bulldozing of their fields last December. (Contributed Photo/Ambala)

“They flattened everything to the ground, my rice plants and root crops. They didn’t leave anything. Even my animals were gone,” he said.

Of the farmers who immediately rushed to defend their fields, eight were arrested.

Price of resistance

The farmers believe that the almost 400 hectares now being claimed by Tadeco in the villages of Balete, Cutcut, and Mapalacsiao is of special interest to the Cojuangcos. These lands nearest Tarlac City proper is part of what is believed to be a land use plan to turn Hacienda Luisita into an industrial, residential, and commercial zone.

These are 268 hectares in Brgy. Balete, 104 hectares in Brgy. Cutcut, and several more hectares in Brgy. Mapalacsiao. Tadeco claims that these lands have been reclassified for non-agricultural uses, and are not covered by the SC decision.

Farmers who have tilled the lands say otherwise. “I have been been a farm worker here since I was 17 years old. My parents have been working the land even before that,” the 60-year old Alcaide said.

According to Ambala, Tadeco is exploiting a loophole in the SC decision, which only covered 4,915 hectares of the more than 6,000-hectare hacienda. The coverage was further reduced to 4,099 hectares after the DAR survey excluded roads, bridges, canals, and other areas that farmers believe to be of commercial value.

After all the exclusions, each farmer beneficiary is now only allotted 0.66 hectares of land, which farmers say will easily revert back to the Cojuangcos if the “sham” land distribution proceeds unchallenged.

But challenging landlords and their alleged “cohorts” in the Aquino administration has a steep price.

Colleagues show a photo of slain farmer Dennis de la Cruz (middle). (Ilang-Ilang Quijano)

Colleagues show a photo of slain farmer Dennis de la Cruz (middle). (Ilang-Ilang Quijano)

Last November 1, 28 year-old farmer Dennis de la Cruz was killed after a night of standing watch over the “bungkalan.” At 6 a.m., he was found dead by the road in Brgy. Balete, beside an electric post that fell during the storm Santi. He was stabbed on his side with an icepick.

Sibayan, who saw the body, said that it was obviously foul play related to their continuing struggle for land.

Previously, de la Cruz was being pressured by Tadeco guards to abandon his fields, which he made abundant last year with rice and vegetables such as eggplant, okra, tomatoes, bitter gourd, and string beans.

Such incidents of harassment and outright violence have stricken terror into the hearts of the farmers. “Now, I don’t go out at night. I never sleep at my own house anymore,” said Sibayan, who recalled receiving house visits by armed men when she started becoming an outspoken leader.

Sibayan is a survivor of the 2004 Hacienda Luisita massacre. A bullet grazed her back after she saved a fellow worker who was being beaten and dragged away by military men.

When the “bungkalan” started, Sibayan was elated that she and her fellow farmers were finally able to till their own land. For her, it was way better than receiving P9.50 per day as a hacienda worker. Her family didn’t run out of rice to eat, and she was able to sell vegetables at least twice a week.

But she realized that their struggle was not over; it was just beginning. “If we don’t remain vigilant, our gains will be lost. We have sacrificed too much to let that happen. We will continue to fight,” she said.

On the 27th anniversary of the Mendiola Massacre, farmers call for the ouster of the 'landlord president' BS Aquino. (Ilang-Ilang Quijano)

On the 27th anniversary of the Mendiola Massacre, farmers call for the ouster of the ‘landlord president’ BS Aquino. (Ilang-Ilang Quijano)

Taas-singil ng Meralco, produkto ng kutsabahan ng mga kompanya’t ahensiya sa kuryente

$
0
0
Meralco: Nakikipagkutsabahan sa ibang kompanya at ahensiya ng gobyerno para itaas ang singil sa kuryente, ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. <strong>Mula sa Meralco website</strong>

Meralco: Nakikipagkutsabahan sa ibang kompanya at ahensiya ng gobyerno para itaas ang singil sa kuryente, ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares. Mula sa Meralco website

Huli sa mismo nilang mga pahayag sa publiko: Nagkukustabahan ang Manila Electric Co. (Meralco) at mga ahensiya at korporasyon ng gobyerno na may kinalaman sa serbisyo ng kuryente para ipataw sa mga k0nsiyumer ang P4.15 na taas-singil sa kuryente–ang pinakamataas na taas-singil sa kuryente sa kasaysayan.

Ito ang sabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, matapos ang mga pagdinig sa Kamara at Senado hinggil sa kuwestiy0nableng taas-singil sa kuryente ng Meralco.

“Lumalabas ngayon na nag-ambag ang DOE (Department of Energy), Psalm (Power Sector Assets and Liabilities Management Corp.), NGCP (National Grid Corp. of the Philippines), Meralco at ERC (Energy Regulatory Commission) para sa pinakamataas na P4.15 taas-singil sa kuryente na ipapasa sa mga konsiyumer at magbibigay ng super-kita sa ilang (power) generation companies o Gencos,” sabi ni Colmenares. “May malakas na mga indikasyon na nagkutsabahan ang mga institusyon at korporasyong ito para pagkakitaan ang industriya ng kuryente.”

Kutsabahan, buking sa hearings

Sinabi ni Colmenares na patunay ng kutsabahan ang sagutan nina Emmanuel Ledesma Jr., presidente ng Pslam, at Rey Espinosa, general counsel ng Meralco, sa Senado kamakailan.

Sa naturang pagdinig sa Senado, tinanong ni Ledesma si Espinosa kung bakit sinabihan ng Meralco ang power producer na Thermal Mobile Inc. na mag-bid sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa napakataas na halagang P62/kWh noong nangailangan ng kuryente ang Meralco matapos magsagawa ng shutdown ang Malampaya Natural Gas Plant dahil sa maintenance noong Nobyembre at Disyembre 2013.

Sinabi ni Espinosa na hiniling nila sa Thermal Mobile Inc. na mag-bid nang ganun kamahal sa WESM para walang ibang bumili ng kuryenteng ito at sila lang ang makakakuha ng naturang suplay ng kuryente. Pero ang presyong ito na P62/kWh ang nanatiling presyo sa WESM kaya sa ganitong presyo binili ng Meralco ang kuryente.

Isinisisi rin ni Espinosa sa Psalm ang pag-bid ng Malaya thermal plant sa ilalim nito na P45/kWh. “Kaya lang hindi kayo nag-dispatch. So dahil hindi kayo nag-dispatch, tinamaan yong P62,” sabi ni Espinosa. Ang ibig sabihin nito, nag-bid ang Malaya sa WESM pero wala ito sa grid ng NGCP, kung kaya wala namang kakayahan talagang magsuplay ng kuryente.

Para sa mga kritiko nito, maiuugat sa Epira at neoliberal na mga polisiya na pagsasapribado sa mga batayang serbisyo ang pinagmumulan ng pagmahal ng bayarin sa kuryente. <strong>Macky Macaspac</strong>

Para sa mga kritiko nito, maiuugat sa Epira at neoliberal na mga polisiya na pagsasapribado sa mga batayang serbisyo ang pinagmumulan ng pagmahal ng bayarin sa kuryente. Macky Macaspac

Inamin ni Ledesma na dalawang taon nang wala sa grid ang Malaya. Inutusan umano sila ng Department of Finance na ayusin ang pinansiya ng naturang planta ng kuryente para maibenta ito sa pribadong mga kompanya. Kung magpoprodyus pa umano sila ng kuryente, baka mabaon lang sa utang ang naturang planta at mahihirapan nang maibenta ito sa pribadong sektor.

Ang sabi naman ng Meralco, “nagkamali” lang umano sila sa paghimok sa Thermal Mobile na mag-bid nang mataas.

Paliwanag ni Colmenares, patunay ang mga pahayag ng mga opisyal ng nabanggit na pribado at pampublikong mga kompanya ng kuryente na nagkukutasabahan sila para manipulahin ang presyo ng kuryente sa mga panahong gusto nila.

Epira, pahirap sa konsiyumer

Ang WESM ay mekanismo sa Republic Act 9136 o Electric Power Industry Reform Act of 2001 (Epira) para raw masiguro ang pinakamababang presyo ng kuryente–bagamat kabaliktaran ang nangyayari ngayon.

Sa Epira, sa mga panahong kulang ang suplay ng kuryente na pangangailangan ng mga konsiyumer (tulad ng pag-shutdown ng Malampaya noong Nobyembre at Disyembre 2013), kailangang mag-bid at magbenta ang lahat ng power producers sa WESM sa mga power distributor tulad ng Meralco. Ito ang tinatawag na “must-offer rule” sa Epira.

Tinutukoy ng Philippine Electricity Market Corp. (PEMC) ang pinakamababang mga bid ng power producers hanggang makumpleto na ang kailangang suplay. Ang pinakamataas na bid sa nakumpletong suplay na ito ang magtatakda ng presyo na babayaran ng power distributors tulad ng Meralco.

Ayon kay Colmenares, may average na P6 hanggang P8/kWh ang normal na presyo sa WESM. Halos 10 beses na mas mataas ang bid ng Thermal Mobile na P62/kWh na naging presyo ng suplay ng kuryente noon. Nais ngayong ipasa ng Meralco sa mga konsiyumer ang labis na mahal na suplay na ito ng kuryente sa pamamagitan ng P4.15/kWh.

“Lahat sila (mga kompanya at ahensiya ng kuryente), may papel sa pag-set-up ng merkado na nagresulta sa pinakamataas na taas-singil sa kuryente. Ang pagtuturuan nila sa Senado ang pinakamalakas na ebidensiya ngayon, lalo na ang sagutan at sisihan sa pagitan ng Psalm at Meralco. Habang mas marami ang ebidensiya na pumapasok, dapat na mas marami ang mananagot sa iskemang ito para itaas ang singil sa kuryente,” paliwanag ni Colmenares.

Tinatakan ng mga demonstrador ang kanilang mga bill sa Meralco ng "paid under protest". Sinimulan na ng Meralco ang pagpataw ng P4.15/kWh na taas-singil sa kuryente noong Disyembre, bago naglabas ng temporary restraining order kontra rito ang Korte Suprema. <strong>Macky Macaspac</strong>

Tinatakan ng mga demonstrador ang kanilang mga bill sa Meralco ng “paid under protest”. Sinimulan na ng Meralco ang pagpataw ng P4.15/kWh na taas-singil sa kuryente noong Disyembre, bago naglabas ng temporary restraining order kontra rito ang Korte Suprema. Macky Macaspac

Patuloy na protesta

Nagprotesta ang iba’t ibang militanteng grupo sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa harap ng Korte Suprema noong Enero 21, kasabay ng pagdinig ng korte hinggil sa legal na pagkuwestiyon sa P4.15 na taas-singil sa kuryente.

Hinimok ng Bayan ang Korte Suprema na pinal na desisyunang huwag nang ipataw sa mga konsiyumer ang naturang taas-singil.

“Hanggang ngayon, walang cap (o limitasyon) sa awtomatikong pagpasa ng singil ng generation companies. Dumating tayo sa punto na kayang diktahan ng maliit na bilang ng generators ang presyo ng elektrisidad,” paliwanag ni Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bayan.

Sinabi pa ni Reyes na humigit-kumulang 70 porsiyento ng 3.4/kWh na increase ay dahil sa aksiyon ng iilang tagasuplay ng kuryente sa spot market na nagsusuplay lang ng 11.5 porsiyento ng kuryenteng kailangan ng Meralco.

“Dapat ibasura na ang polisiyang awtomatikong pagpasa (ng singil sa konsiyumer). Hindi dapat hayaan ang power generators at distributors na makalusot sa abuso sa merkado at pagkamal ng malaking kita. Dapat ring ibasura ang Epira,” ani Reyes.

Historic ‘surge’: Storm survivors demand justice, relief and rehabilitation

$
0
0
Around 12,000 survivors of typhoon Yolanda gathered at Eastern Visayas State University as they readied for a march around Tacloban, demanding justice, relief, and rehabilitation. Macky Macaspac

Around 12,000 survivors of typhoon Yolanda gathered at Eastern Visayas State University as they readied for a march around Tacloban, demanding justice, relief, and rehabilitation. Macky Macaspac

Almost three months after typhoon Yolanda (international name: Haiyan) hit the country, thousands of survivors “surged” through the streets of Tacloban City in the biggest protest that Eastern Visayas has seen in decades.

Hailing from remote barrios to coastal villages, an estimated 12,000 people marched around the devastated city last January 25 to seek justice for the Aquino administration’s “criminal negligence” and to lay down demands to the government for their relief and rehabilitation.

Homeless, hungry, and without livelihood, the survivors led by a newly-formed alliance People Surge (Alliance for the Victims of Typhoon Yolanda) are seeking for P40,000 financial relief for each family, housing, jobs and livelihood assistance, price controls, speedy rehabilitation of hospitals and schools, and restoration of water and electricity.

‘Proof of discontent’

The survivors mostly came from Tacloban and Ormoc City, Tanauan, Palo, and Carigara in Leyte; and Basey, Calbiga, Pinabacdao, Hinabangan, and Sta. Rita in Samar. Most of them were farmers and fisher folk who traveled or walked for hours.

Estelita Ragmac, 64, said that her family fled to Manila in December because relief came only twice in her village Bulaw in Basey, Samar. They came back a week ago to try to start anew. “It has been difficult. We still have no crops, nothing to eat. I came to this protest to ask for the government’s help,” she said.

Photo by Macky Macaspac

Photo by Macky Macaspac

People Surge assailed President Aquino’s slow-to-non-existent relief and rehabilitation efforts, corruption of aid, and the implementation of “pro-big business” policies such as the No-Build Zone.

“The massive number of people (who marched) is proof of their intense discontent over Aquino’s criminal negligence and utter incompetence in looking after the welfare of its people,” said Sr. Edita Eslopor, OSB, chairperson of People Surge.

Latest estimates from the National Disaster and Risk Reduction Management Council (NDRRMC) reveal Yolanda’s damages in infrastructure amounted to P18.3 Billion, and damages in agriculture amounted to P18.4-B in affected areas.

The official NDRRMC death toll is currently at 6,201, though thousands remain missing and more bodies are being collected each day.

No homes, livelihoods

Storm survivors say that relief mostly comes from international organizations and private institutions.

Photo by Macky Macaspac

Photo by Macky Macaspac

“Before the storm hit, President Aquino promised that the government was prepared, but relief was slow, inadequate, and disorganized. He must be held liable for his negligence,” said Dr. Efleda Bautista, a retired teacher and executive vice-chairperson of People Surge.

Peasant groups who joined the alliance say that relief does not come at all for farmers in far-flung areas that are equally devastated.

“Even before Yolanda, majority of landless farmers in Leyte and Samar are already poor. But our situation worsened after the storm,” said Nestor Lebico, secretary-general of the peasant group Sagupa-Sinirangang Bisaya.

Gorgonio Advincula of New San Agustin, Basey, Samar said that the storm washed out his home, crops, carabao, and fishing boat. “With no coconut trees and rice to depend on, we have nothing to eat,” he said.

Another farmer, Lilio Obira, said, “We received relief goods only once. We have no shelter from the heat and cold. My children right now are just staying under a tree.”

Despite the extensive damage to agriculture, farmers have not received any livelihood assistance, according to Sagupa.

While the Department of Agriculture gave out seeds in some areas, “farmers couldn’t plant these seeds because they were high-yielding varieties and needed costly farm inputs,” Lebico revealed.

For the protest, the survivors in coastal areas of Tacloban City carried placards made out of rice sacks that read “No-Build Zone, Anti-People”. They are opposed  to the government’s prohibition of the construction of homes within 40 meters of the shoreline.

Photo by Macky Macaspac

Survivors march around the city to protest the administration’s “criminal negligence”. Macky Macaspac

Marco Ragrag of Brgy. 37 said that they are now being prevented to return along the shoreline. Most of them live either in makeshift tents along the sidewalks or in jeepney terminals. “We need a decent place to stay and construction materials for a home,” he said.

Joel Reyes, a member of Alyansa han mga Biktima han Bagyo Yolanda ha Tacloban or Alliance of Typhoon Yolanda Victims in Tacloban (ABBAT), said that they have nowhere else to go. “Most of us make a living as fishermen. Why doesn’t the government build a strong seawall to protect us, or devise an evacuation system instead?” he said.

Many lost their boats and fishing equipment, and could hardly survive, Reyes added.

He further complained that prices have been skyrocketing in Tacloban. “The prices were low only in the beginning. Now, one kilo of rice can cost up to P70,” he said.

Most residents of Tacloban City are now without jobs, as most establishments remain closed and electricity and water services have yet to be restored to the entire city.

“Without the government providing housing and livelihood, the ‘No-Build Zone’ only serves the interests of big businesses who are interested in land grabbing,” said Paul Isalona, chairperson of Bayan-Tacloban.

He said that the victims, and not big businesses, should be at the core of the relief, rehabilitation and reconstruction efforts of the government.

People Surge protest ends in downtown Tacloban. Macky Macaspac

People Surge protest ends in downtown Tacloban. Macky Macaspac

Other demands

Meanwhile, Bautista said that President Aquino should heed the survivors’ demand–or else face calls for his ouster. “This protest belies the recent SWS survey that rated the Aquino administration ‘very good’ in delivering relief and rehabilitation for typhoon victims,” he said.

Before the protest, the survivors gathered at the Eastern Visayas State University for the People Surge assembly. The alliance is composed of survivors as well as volunteers from the religious sector, academe, professionals, lawyers, and small entrepreneurs.

Among those who attended the assembly were progressive lawmakers Carlos Zarate of Bayan Muna and Fernando Hicap of Anakpawis, Renato Reyes of Bagong Alyansang Makabayan, and Dr. Delen de la Paz of Council for Health and Development.

“People Surge believes that natural disasters may be inevitable, but people’s lives can be spared and massive damage may be prevented or minimized if the government takes adequate preparedness and prompt action in the face of natural calamities,” the alliance said.

Other demands include a one-year tax moratorium to help local businesses and small entrepreneurs and public consultations in crafting rehabilitation and reconstruction plans to ensure that victims, “not the big businesses and landlords,” are at the core of such plans.

The alliance is also pushing for long-term demands. These include a review of environmentally-destructive policies such as mining and laws on disaster risk preparedness and response, as well as genuine agrarian reform and a national industrialization program “as a key solution to mass poverty and its consequent people’s vulnerability to disasters and climate change impacts.”

Report by Ilang-Ilang Quijano and Macky Macaspac

More photos:

Urban poor of Tacloban protesting the 'No-Build Zone'. Ilang-Ilang Quijano

Urban poor of Tacloban protesting the ‘No-Build Zone’. Ilang-Ilang Quijano

Survivors, including senior citizens, hold hands in unity as they march around Tacloban. Ilang-Ilang Quijano

Survivors, including senior citizens, hold hands in unity as they march around Tacloban. Ilang-Ilang Quijano

 

A survivor calling for immediate relief. Macky Macaspac

A survivor calling for immediate relief. Macky Macaspac

Survivors want to hold the Aquino administration liable for 'criminal negligence.' Ilang-Ilang Quijano

Survivors want to hold the Aquino administration liable for ‘criminal negligence.’ Ilang-Ilang Quijano

 

A SM mall is being constructed a few meters away from the shoreline in downtown Tacloban, while this protester holds a placard demanding for social services. Ilang-Ilang Quijano

A SM mall is being constructed a few meters away from the shoreline in downtown Tacloban, while this protester holds a placard demanding for social services. Ilang-Ilang Quijano

Pagbangon at paglaban ng mga biktima ni Yolanda

$
0
0
Pagbabahagi ng biktima ng bagyong Yolanda sa kaniyang naging karanasan sa sakuna. <strong>Pher Pasion</strong>

Pagbabahagi ng biktima ng bagyong Yolanda sa kaniyang naging karanasan sa sakuna. Pher Pasion

Sariwa pa sa alaala ni Anna Patricia Monteroso, 23, ng Sta. Rita, Samar ang takot sa bagsik ng bagyong Yolanda nang kanyang ibahagi ang karanasan niya mahigit dalawang buwan na ang nakararaan. Hindi rin niya malaman kung paano magsisimula at bubuhayin ang pamilya matapos wasakin ng bagyo ang kanilang kabuhayan.

“Walang dumating na relief goods kahit isa. Nakakalungkot na imbes na magtulungan nagtaasan pa ang presyo ng bigas. Isang kilo P60, eh wala kaming pera. Ang bumuhay lang sa amin yung tanim naming saging at kamote sa loob ng isang lingo,” ayon kay Anna.

Dagdag ni Anna, kahit humingi na ng tulong ang kanilang barangay pero wala pa rin silang nakukuhang relief goods mula sa gobyerno.

At hanggang ngayon, wala pa rin silang nakukuhang anumang tulong mula sa gobyerno. Hirap din ang asawa na makapasok sa trabaho sa Maynila (kung saan sila naroon ngayon) para bumuhay sa kanilang pamilya.

Ilan lamang si Anna sa mga biktima na nagbahagi ng kani-kanilang karanasan sa ginanap na pagtitipon ng mga biktima, kaanak, kaibigan, at taga-suporta ng bagyong Yolanda na tinawag na Day of Solidarity sa pangunguna ng Tindog People’s Network (Tindog) at Task Force on Urban Conscientization (TFUC) sa Lungsod ng Quezon.

Administrasyong Aquino, hindi handa at naging pabaya

Sa nasabing pagtitipon, ibinahagi ng mga biktima ang anila’y mabagal, kung mayroon man, na pagdating ng tulong mula sa administrasyong Aquino sa kabila ng sinasabi nitong kahandaan bago dumating ang bagyo.

Bago dumating ang bagyo, inanunsiyo mismo ni Pangulong Aquino na handa ang pamahalaan sa pagdating ni Yolanda. Mayroong 32 na eroplano at helicopters daw mula sa (Phillipine) Air Force at nasa 20 navy ships mula sa Philippine Navy ang nakaposisyon sa Cebu, Bikol, Cavite, at Zamboanga City. Nakahanda rin daw ang relief goods sa maraming lugar na tatamaan ng bagyo.

Pero iba ang naging mukha ng kahandaang sinasabi ng Malakanyang, ayon kay Bro. Philip Michael Benavide, Nicodamus, kasapi ng TFUC.

Pag-aalay ng kandila para sa mga nasawi sa bagyong Yolanda. <strong>Pher Pasion</strong>

Pag-aalay ng kandila para sa mga nasawi sa bagyong Yolanda. Pher Pasion

“Bagamat nagpakalat ng impormasyon ang gobyerno sa internet, nagkulang pa rin ito ng paliwanag sa kung gaano kalaki ang magiging epekto ng bagyo. Hindi nga alam ng mga tao kung ano ang storm surge,” ayon kay Benavide.

Sa presentasyon ni Benavide, wala raw isinagawang search-and-rescue operations ang gobyerno sa krusyal na mga araw matapos ang bagyo. Inabot pa ng anim na araw nang magsabi ang administrasyong Aquino na mayroon na silang adjusted disaster management plan.

“Inabot pa nang mahigit isang linggo para magkaroon ng ‘workable system’ ng pamimigay ng relief goods. Pero sa loob lamang ito at karatig lugar ng Tacloban. Mas magiging mahirap pa ito kung hindi tumulong ang mga pribado at dayuhan,” ayon kay Benavide.

Pero ayon sa mga biktima, sadyang kulang pa rin umanoa ng nakuhang tulong mula sa gobyerno. “Nung magdala sila ng relief goods sa amin 40 bags lang. Eh nasa 600 katao meron sa lugar namin,” sabi ni Anna.

Ayon naman kay Joven Pagupay, 27, taga-Eastern Samar, hindi niya masisi ang mga taong ‘nag-looting’ umano dahil sa desperasyon na nais may makain.

“Nakakadurog ng puso na makita mo na ganoon. Nakakaawa ‘yung negosyante na tinutukan para mapasok ‘yung tindahan nila, pero nakakaawa rin ‘yung mga taong hindi pa kumakain nang ilang araw,” ani Pagupay.

Maliban sa problema sa pamimigay ng relief goods at hindi kaagad makolektang mga bangkay, naging isyu rin ang turuan o paninisi ni Pangulong Aquino sa lokal na gobyerno dahil sa kawalan nito ng kahandaan sa pagdating ng bagyo.

Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang nangangailangan ng tulong at serbisyo-medikal. Marami pa rin ang mga nagugutom at walang hanapbuhay sa mga nakaligtas sa bagyon, ayon kay Benavide.

Marami sa kanila, balisa pa rin dahil sa kalamidad, at hindi alam kung papaano makakabangon–lalo pa’t wala silang maramdamang tulong mula sa gobyerno.

“Hindi namin alam kung paano kami magsisimula. Wala kaming trabaho, yung asawa ko mahigit 50-taon na kaya walang tumatanggap sa kanya. Hindi namin alam kung paano namin bubuhayin ang tatlong anak namin. Kailangan namin ng trabaho o ikabubuhay,” ayon kay Lilia Singh, 44, taga-Magallanes, Tacloban City,

Pansamantalang nakatira si Lilia at ang pamilya niya sa Bgy. Corazon de Jesus, San Juan City. Nangangamba raw sila dahil di nila kakilala ang kanilang mga kapitbahay. Lugar din ito ng nakaraang marahas na demolisyon, kung kaya natatakot din sina Lilia na pati sila’y saplitang palayasin dito ng gobyerno.

Nakarating sina Lilia sa Maynila sakay ng eroplanong C130 matapos dalawang araw na pumila sa airport ng Tacloban na pawang biskwit lang ang kinakain.

Umaapela ng tulong ang mga biktima ng bagyong Yolanda mula sa gobyerno. <strong>Pher Pasion</strong>

Umaapela ng tulong ang mga biktima ng bagyong Yolanda mula sa gobyerno. Pher Pasion

Korupsiyon, kakulangan ng tulong

Para kay Mark Lui Aquino, convener ng Tindog Network, di-makatao ang pagtrato ng administrasyong Aquino sa mga biktima ng kalamidad.

Aniya, ano pa nga ba’t pati ang mga ahensiya ng gobyerno na may kontrol sa pasilidad na para sa mga biktima ay nasasangkot sa mga isyu ng korupsiyon. Tampok na rito ang balitang overpriced at subs-standard ang ipinatyo ng gobyerno na bunkhouses para sa mga biktima.

Samantala, itinuturing din ni Aquino na di-makatao ang pagtrato ng administrasyon sa mga nasawi: mahigit dalawang buwan na ang nakalilipas pero hindi pa rin naililibing ang marami sa mga bangkay ng nasawing mga biktima.

Ganito raw itrato ng administrasyong Aquino ang mga biktima: Biniktima na nga ng bagyo, ninanakawan pa ng mga tulong na para dapat sa kanila, ayon kay Mark.

Ayon naman sa TFUC, ang matagal na kahirapan sa rehiyon mismo na dahilan ng mga maling patakaran ng gobyerno ang lalong nagpapahirap sa kalagayan ng mga biktima.

Atrasado umano ang agrikultural na sektor na pangunahing ikinabubuhay ng mga nasalanata. Isinisisi rin nila ang kahirapan sa pangkapaligirang mga patakaran gaya ng pagmimina na sumisira sa kalikasan sa ngalan ng tubo na pinahihintulutan ng gobyerno.

Administrasyong Aquino, panagutin

Sinabi ng TFUC dapat na managot ang administrasyong Aquino sa kapabayaan nito sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Itinuturo nila ang kakulangan ng kahandaan ng gobyerno bago dumating ang bagyo at ang mabagal na pagresponde ng tulong para sa mga biktima. Gayundin ang pamumulitika at korupsiyon sa oras kung kailan higit na kinakailangan ang tulong na lalong nagpapalala sa sakit at paghihirap ng mga biktima.

Noynoy Aquino, kailangan umanong managot sa kapabayaan nito ayon sa mga biktima. <strong>Pher Pasion</strong>

Noynoy Aquino, kailangan umanong managot sa kapabayaan nito ayon sa mga biktima. Pher Pasion

“Bagamat totoo na ang pagpasa ng paninisi at turuan ay maaari lamang makadagdag sa pinsala at makapagpabagal ng proseso (ng pagtulong), hindi dapat natin lituhin ang ating mga sarili kung ano ang tama. Sinasabihan tayo na gawin kung ano ang makatarungan,” sabi ng TFUC.

Ang kapabayaang ito ng administrasyong Aquino ang sinasabing krimen, ayon sa TFUC at sa Tindog.

“Ang kawalan ng kahandaan ng pamahalaang Aquino bago dumating ang bagyo at ang hindi agarang pagresponde sa mga biktima para sa relief and rescue ay ang disaster na ginawa ng rehimen na lalong nagpalala at nagpahirap sa mga biktima ng bagyo,” ayon kay Benavide.

Ayon pa kay Benavide, imbes na pagbibigay ng relief operations sa mga biktimang nagugutom ang ginawa ng mga sundalo, mas magpapanatili pa ng peace and order ang inuna kesa sa kumakalam na sikmura ng mga mamamayan.

Pagbangon at paglaban

Para sa Tindog, may kailangang managot at habulin mula sa pamahalaang Aquino sa naging kapabayaan nito. Naririyan pa rin daw ang mga isyu ng korupsiyon at pagtatakip nito sa pananagutan at iyon ang hindi nila papayagang mangyari.

“Hindi natin hahayaan na patuloy pa tayong biktimahin ng pamahalaang ito ni Aquino. Makikiisa tayo sa lahat ng biktima para manawagan ng katarungan at igiit ang mga karapatan natin mula sa gobyerno para sa ating mga nakaligtas at para sa mga nasawi,” ani Mark.

Ilan sa mga panawagan ng Tindog ang pagkakaroon ng P40,000 subsidyo para sa naging mga biktima, kabuhayan para sa mga nasalanta, bigyan ng disenteng libingan ang mga nasalanta, at tiyaking sapat ang batayang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Mahigit dalawang buwan na matapos manalasa ang bagyong Yolanda mula noong Nobyembre 8, pero tila hindi pa rin natatapos ang pinsalang dulot nito sa mga biktima— buhay man o patay. Pero para sa mga nakaligtas, hindi sila papayag na manatiling biktima na lamang.

Update sa istorya:  Kinober ng Pinoy Weekly ang aksiyong protesta ng mahigit 10,000 biktima ni Yolanda sa Tacloban City, Leyte noong Enero 25. Antabayanan ang istorya nina Ilang-Ilang Quijano at Macky Macaspac hinggil dito.


Mga estudyante ng Earist, ‘pinag-iinitan’ ng admin dahil sa paggiit nila ng karapatan

$
0
0
Protesta sa Earist noong Nobyembre 26. <strong>Kontribusyon/Earist Technozette</strong>

Protesta sa Earist noong Nobyembre 26. Kontribusyon/Earist Technozette

Nanganganib ngayong mapatalsik mula sa Eulogio “Amang” Rodriquez Institute of Science and Technology (Earist) ang limang lider mag-aaral at masuspinde ang 15 na iba pa na nanguna sa mga serye ng protesta laban sa P1,000 development fee na ilegal umanong sinisingil sa mga estudyante.

Kabilang sina Philip Bautista (presidente), Teddy James Angeles (bise-presidente) at Alyssa Mae Baliguat (treasurer) ng Institute Student Government, Jaime Pilipiña Jr. (vice chairperson ng Katipunan ng mga Mag-aaral at Organisasyon o Kamao) at si Ram Carlo Bautista (over-all chairman ng College of Business Administration Student Council) sa mga nahaharap sa dismissal.

Nahaharap naman sa limang araw na suspensiyon at warning for dismissal ang 15 iba pang mag-aaral.

Ayon kay Bautista, binasahan sila ng dekano ng Office of the Students Affairs noong Enero 17 ng draft letter na nagsasaad ng dismissal nila at suspensiyon iba pa–dahil may nilabag umano sila sa student handbook.

Pero nanindigan sina Bautista na lehitimo at karapatan nila ang kanilang mga isinagawang pagkilos laban sa nasabing ilegal na bayarin.

Pinag-initan ng admin

Malaki naman ang paniniwala ng mga mag-aaral na pinag-iinitan sila ng administrasyon ng Earist. Isiniwalat kasi nila ang anila’y “ilegal” na pangungulekta ang development fee na sinisingil sa mag mag-aaral sa mga nasa first at second year.

Sa naging kilos-protesta noong Nobyembre 26 na nilahukan ng may 5,000 mag-aaral na nagwalk-out mula sa kanilang mga klase, inihayag ng mga lider-estudyante na patuloy pa rin ang pangungulekta ng development fee.

Protesta sa Earist noong Nobyembre 26. <strong>Kontribusyon/Earist Technozette</strong>

Protesta sa Earist noong Nobyembre 26. Kontribusyon/Earist Technozette

Taliwas daw ito sa naging kasunduan ng administrasyon at mga lider-mag-aaral na wala na dapat sisingilin ang admin na development fee mula sa mga mag-aaral. Pero pinalitan lamang daw ng admin ang pangalan ng development fee na naging ‘construction of new building fee’ nitong 2nd semester ng 2013-2014, ayon kay Pilipiña sa panayam ng Pinoy Weekly.

“Nagpasa na kami noon pa ng chronology of events sa admin at sa CHED (Commission on Higher Education) tungkol sa development fee kasama na ang minutes of meeting na nagsasaad na dapat wala nang development fee (na kinokolekta) para sa taong 2013-2014. Pero naniningil pa rin sila, pinalitan lang ang pangalan,” ayon kay Pilipiña.

Dagdag ni Pilipiña, apat na ang kanilang natanggap na explanatory letters mula sa admin para kanilang ipaliwanag ang mga isinagawang protesta.

“Hindi namin kailangang ipaliwanag sa written form ang karapatan naming magprotesta at tuligsain ang alam naming mali na ginagawang pangungulekta ng admin sa mga estudyante,” ayon kay Bautista.

Una nilang natanggap ang naturang explanatory letter matapos ang malaking walk-out ng mga mag-aaral noong Nobyembre 26. Nitong  Enero 22 naman nila natanggap ang ika-apat. Nakasaad dito na binibigyan sila ng 72 oras para sagutin. Kung hindi sila makakasagot, maaaring matuloy na ang dismissal at suspensiyon nila, ani Pilipiña.

Sinabi naman ni Bautista na noong Nob. 17 raw nang makakuha sila ng mga dokumento na nagpapatunay na nariyan pa rin ang development fee. Noong Nob. 19, hindi dininig ang kanilang mosyon para maibasura ito, kaya humantong sila sa pagkilos noong November 26.

Malinaw na represyon

Binatikos naman ng militanteng grupo ng kabataan na Anakbayan ang administrasyong ng Earist sa panunupil umano sa 20 mag-aaral at patuloy na represyon sa loob ng kampus nito.

Protesta sa Earist noong Nobyembre 26. <strong>Kontribusyon/Earist Technozette</strong>

Protesta sa Earist noong Nobyembre 26. Kontribusyon/Earist Technozette

“Kinokondena namin ang maramihang pagpapaalis ng mga mag-aaral sa eskuwelahan bilang akto ng pampulitikang panunupil sa kampus…Hindi katanggap-tanggap na sa lahat ng mga eskuwelahan, isang state university ang tatapak sa batayang karapatan ng mga mag-aaral sa kanilang kalayaang magpahayag at magpayapang magtipon,” sabi ni Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Para kay Bautista, maling desisyon ang ipinakita ng administrasyon sa mga mag-aaral na gipitin sila; mas lalo lamang umanong ipinakikita nito sa mga estudyante ang kanilang desperasyon.

“Sa apat na taon ko po sa Earist, maraming protesta na ang naganap dito. Pero ngayon, sa tingin namin natakot ang admin sa dami ng nakilahok sa estudyante. Sa palagay namin, desperadong hakbang ito ng admin,” sabi pa ni Bautista.

Dagdag pa niya, hindi papayag ang mga estudyante na ang lehitimong pakikipaglaban nila laban sa development fee ang magpapaalis sa kanila sa Earist.

“Hindi kami private school para kunin sa mga mag-aaral ang pagpapatayo ng anumang gusali. Tungkulin ng Earist na pag-aralin ang pinakamahihirap na mag-aaral at dapat samahan kami ng admin na manawagan nang mas mataas na badyet para sa edukasyon,” ayon kay Bautista.

Lumapit na ang nasabing mag-aaral sa Kabataan Party-list para matulungan sila sa kanilang laban. Nakatakda na umanong makipagharap si Kabataan Rep. Terry Ridon sa administrasyon ng Earist tungkol dito, ayon kay Bautista.

Sinikap kunin ng Pinoy Weekly ang panig ng mga administrador ng Earist. Pero hanggang sa pagkakasulat ng artikulo, hindi nila pinauunlakan ang mga tawag sa telepono ng manunulat.

Orly Castillo: Mga alaala ng Sigwa ng Unang Kuwarto

$
0
0
Ka Orly Castillo, beterano ng Sigwa ng Unang Kuwarto. <strong>Gio Felicia</strong>

Ka Orly Castillo, beterano ng Sigwa ng Unang Kuwarto. Gio Felicia

Tuwing Enero 30, ginugunita ng maraming aktibista ang First Quarter Storm, o ang Sigwa ng Unang Kuwarto ng Dekada ‘70, ang panahong bumulwak ang militansiya at pakikibaka ng kabataan para sa pambansang demokrasya. Makikita sa mga larawan noon na libu-libo ang lumalabas sa lansangan para tuligsain ang naghaharing sistemang malakolonyal at malapiyudal.

Iniluwal ng dekadang ito ang mga tulad nina Lorena Barros, Emmanuel Lacaba at marami pang ibang naging kilala at martir sa kanilang masidhing paglahok at pag-ambag sa kilusan para sa pagpapalaya ng bayan. Marami sa kanila ang nagtungo rin sa kanayunan para lumahok sa armadong pakikibaka. May pumanaw matapos ipataw ni Ferdinand Marcos ang martial law; marami rin ang mga nahuli, tinortyur at ikinulong. Subalit marami pa rin ang walang sawang kumikilos kahit apat na dekada na ang nakararaan para magsilbi sa bayan.

Isa rito si Orlando “Ka Orly” Castillo. Isang kilalang pintor noong kanyang kabataan, si Ka Orly sa edad 67 ay mahigpit na yumayakap pa rin sa mga alaala at aral ng Dekada ‘70 habang patuloy na kumikilos sa hanay ng mga manggagawa. Walang pagdududang ang kanyang natitirang lakas ay nakatuon pa din sa pagsisilbi sa bayan. Sambit nga ni Ka Orly, Naririto tayo to serve the people… para sa akin ito ang esensiya ng Sigwa ng Unang Kuwarto.”

Buhay-pamilya

Ipinanganak si Ka Orly noong Disyembre 31, 1947 sa Camalanuga, Cagayan Valley. Tubong Cagayan ang kanyang inang si Luz Garduque Castillo na nagmula sa mayamang pamilya at nakapagtapos ng kolehiyo bilang guro. Mula naman sa Batangas ang kanyang amang si Florencio Castillo at nakapagtapos sa University of Manila. Gaya ng kanyang ina, guro ang ama niya na naging prinsipal sa nasabing paaralan, at kinalauna’y nagtapos din ng abogasya.

Noong mag-asawa, ipinagpatuloy ng kanyang ina ang pag-aaral at nakamit ang masters degree sa University of Southern California. Nagpasyang magtayo ang mag-asawa ng paaralan sa Cagayan.

Malaki ang pagpapahalaga ng mga magulang ni Ka Orly sa pag-aaral at ito rin ang ipinatimo sa kanilang mga anak. Pangatlo sa apat na magkakapatid si Ka Orly. Ang lahat ay doktor maliban sa kanya dahil Fine Arts ang kanyang kurso. Ikinagalit ng kanyang ama na hindi sumunod si Ka Orly sa yapak niya bilang abogado.

Lumaki si Ka Orly nang sanay mag-isa, malayo sa pamilya at kayang magpasya sa kung anumang naising gawin. Kuwento niya, “Malaki ang inaasahan sa akin ng aking tatay. Pero mas liberal ang aking ina. Hindi siya nanghihimasok at iginagalang niya ang aking mga desisyon kaya lumaki kaming magkakapatid na kayang magsarili.”

Dahil lumaki sa komunidad ng Maynila malapit sa Ramon Magsaysay, Espana Avenue, bantad sa kanya ang samu’t saring eksena at buhay ng mga maralitang tagalungsod. Madalas siyang nasa labas ng bahay at nakikipagkuwentuhan sa kabataan at matatanda.

Pero kahit maykaya, ninais pa rin niyang tustusan ang sariling pangangailangan. Kaya pinasok niya ang pagiging shine boy at pagtitinda ng komiks sa Maynila. Sampung taong gulang pa lang nagtitinda na siya ng komiks malapit sa Mapua Institute at nakikipag-swap sa mga manininda mula sa FEATI University. Aniya, “Komiks ng Superman at Tagalog Klasiks ang binebenta at pinapaupa naming mga manininda kaya uso din noon ang ‘swapping’– nagpapalitan kami ng mga komiks na madalas hanapin ng aming mga kostumer.”

Nakaranas din siya ng panghaharas mula sa mga kapulisan at, sa katapangang taglay, nakikipagtakbuhan at kanyang natatakasan ang mga pulis na nanggigipit sa kaniya.

Bata pa lang ay marunong na siyang manindigan, mangatwiran at magtanggol ng sarili. Aniya, “Naaalala ko noon madalas kong nakakaaway ang aking tiyuhin na isang gobernador sa Cagayan, na laging may sinasabing hindi maganda sa akin. Gaya nang malaman niya na naglilinis ako ng sapatos. Nilalait niya ito at sinasabing dapat nag-aaral daw ako. Nang kumuha naman ako ng kursong Fine Arts bakit daw hindi doktor o abogasya. Sa tuwing may eksena kami tulad nito hindi ko ito pinapalagpas.”

Likhang sining ni Orly Castillo <strong>Kuha ni Gio Felicia</strong>

Likhang sining ni Orly Castillo Kuha ni Gio Felicia

Buhay-estudyante

Sa University of Santo Tomas (UST) kumuha ng Fine Arts si Ka Orly, at edad 23 nang mahagip ng Sigwa ng Unang Kuwarto. Nakakuha siya ng pinakamaraming awards sa mga kompetisyong kanyang nilahukan. Dahil dito, naging kilala siya sa loob ng kampus.

Nagsimulang maugnayan si Ka Orly ng mga aktibista sa UST noong panahon ng kampanyang Filipinization sa kampus (mga paring Kastila pa ang nagpapatakbo ng UST noon). Nagkataon din na ang College of Fine Arts ay walang sariling representasyon sa student council at isinasanib lamang sa council ng College of Architecture.

Kahit nag-iisa, nag-room-to-room si Ka Orly at hinimok ang mga kapwa mag-aaral na iboykot ang eleksiyon sa kampus. Nagulat si Ka Orly nang sumama ang marami sa kanila. “Nagtayo kami ng bagong council at nanawagan ng referendum; umabot sa 2,500 ang bilang ng mga estudyante sa ilalim ng Architecture at Fine Arts na lumabas, umikot sa buong kampus, at nagrali sa harap mismo ng estatwa ni St. Thomas Aquinas at sa unang pagkakataon nagparada at nagsunog ng effigy,” aniya.

Di nagtagal, ibinoto si Ka Orly ng mga kaeskuwela na maging presidente ng student council ng College of Fine Arts.

Ang pinakamalawak na alyansa noon sa UST ay Sandigan Party na nagsusulong ng pambansa-demokatikong pakikibaka sa loob ng kampus. “Nakaranas ako ng pananakot mula sa mga pari ng UST dahil ako raw ay nanggugulo,“ kuwento ni Ka Orly.

Pero iba naman ang turing sa kanya ng mga guro. “Kilala ko ang lahat halos ng guro at may malapot na relasyon ako sa kanila. At dahil naoorganisa ang hanay ng kaguruan, sila na mismo ang nagsasabing huwag na kaming pumasok, basta magsumite kami ng aming class cards, rekisitos sa kurso at tiyak pasado na,” kuwento pa ni Ka Orly. Mataas ang tingin nila sa mga aktibista, at kahit mga lumpen ay iginagalang sila. Sabi nga ng isang bagong laya noon,” patotoo ni Ka Orly, “ako, isa lang ang pinatay ko, pero kayo ang kalaban niyo buong gobyerno.”

Bago pa man mag-martial law, kalagitnaan ng ikaapat na taon sa kolehiyo, napatalsik si Ka Orly sa UST. Inalok pa siya ng pamunuan o regent ng UST ng kung anu-ano, at ipinatawag ang kanyang mga magulang, para kumbinsihing talikuran ang aktibismo. Kasama pa sana siya sa listahan ng Benavidez Award, na pinakamataas na parangal na binibigay ng UST dahil sa galing niya sa pagpipinta. Pero binarahan na siya ng dekano noon, ang dating Supreme Court Justice Andres Narvasa.

Ani Ka Orly, “Siyempre, nagalit ang tatay ko na natanggal ako. Pero kahit siya, hindi mapipigilan ang aking pagiging aktibista. Samantala, walang angas naman ang aking ina; kung ano ang gusto ng kanyang mga anak, walang problema.” Nang huminto siya ng pag-aaral, napilitan siyang ibenta ang kanyang mga obra, at patuloy na naglikha para may panustos sa pagkilos niya at may pambayad sa mga bahay-pulungan nila.

Buhay-aktibista

Masasabing mahusay at malaki ang naitulong kay Ka Orly ng kapwa mag-aaral na si Ber Silva, na kasapi ng Kabataang Makabayan (KM). Pinatay si Ber noong martial law–katulad din ng maraming na-salvage (kolokyal na termino sa extra-judicial killing –ed.) dahil pinagkamalang subersibo.  “Natagpuan ang kanyang katawan,” ani Ka Orly, “sa Montalban na may tama ng baril sa ulo.” Dinikitan ni Ber si Ka Orly at inimbita sa KM tsapter ng UST.

Patuloy ni Ka Orly, “Ang unang rali na nilahukan ko, naganap sa Plaza Miranda. Ngunit hindi ito tulad ng kasalukuyang panahon na ang mga aktibista ay dumidiretso na sa assembly points. Noon, iniikutan pa muna (namin) ang mga komunidad na inoorganisa (nila) dala ang karitong nakakarga ang loud speaker. Pagpito ay maglalabasan ang masa at titipon kung saan nakatirik ang bandilang pula.” Masa rin noon ang nagtitiyak na may makakain ang mga aktibista, sabi pa niya.

Unang sumikad ang pakikibaka sa di-matatawarang ambag ng mga Iskolar ng Bayan mula sa University of the Philippines. Gayunman, nakakapagtipon ng libu-libong mamamayan noon, hindi lamang kabataan.

Ipinaliwanag ni Ka Orly na tinawag nilang Unang Distrito ang UP, Kamias at Delta, at ang tipunan ng mga demonstrador ay Welcome Rotonda. Kapag nagmartsa na, nahihigop na nito ang mga estudyante mula UST, FEU, UE, at iba pa. Isa sa napakalaking bulto ang galing Ikatlong Distrito (Caloocan, Malabon at Navotas) na sabayang nagmamartsa patungong Plaza Miranda para tagpuin ang iba pang galing sa malalayong lugar. “Salubungan ang nangyayari,” sabi ni Ka Orly, “at makikitang kumakanta ang lahat habang nagmamartsa.”

Aniya, hindi rin uso ang salitang “deployment” noon para lumubog sa masa. Natural na gawain na iyon ng mga aktibista para mapanday sa pakikibaka. Ipinagmamalaki ni Ka Orly na “lahat ng kasapi ng KM ay nakalubog sa masa – sa mga maralitang tagalunsod at maging sa mga pabrika kapiling ang mga manggagawa. Noon, lahat ng kabataan, lider ka man o hindi, ay nakalubog sa masa.”

Nag-organisa rin si Ka Orly sa komunidad. “Sa Laong Laan ako unang lumubog– may 1,000 maralita sa lugar,” sabi ni Ka Orly. “Ito yung malapit sa ngayo’y Dangwa Bus Station. Ang mga aktibista sa lugar na ito ay nakatira sa komunidad at nagbabahay-bahay sa paligid ng komunidad. Ang lugar na inoorganisa ay yung malapit lamang sa iyong tinitirhan, at mismo sa kalsada nagdadaos ng mga pag-aaral. Maglalabas ng silya ang mga kabataan at maglalapitan ang mga taga-komunidad, ipapaliwanag ang programa ng Pambansa Demokratikong Kilusan, na makakamit lamang kung isusulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan o DRB.”

Kapag natapos ang pag-aaral sa aklat na Lipunan at Rebolusyong Pilipino (LRP) ni Amado Guerrero na pangalan noon sa pakikibaka ni Jose Ma. Sison, ani Ka Orly, kinabukasan lang kailangan na nilang magturo. Sinasanay din ang bawat propagandista na magtungo sa Quiapo at makipagdebate sa mga relihiyoso sa kalsada upang masanay sa pakikipagtunggali.

“Lahat ng lider noon ay ganap na agitator, matatalinghaga kung magsalita,” napapangiti si Ka Orly.  “Ang bubong na sementado sa may Quiapo ay nagsilbing entablado ng lahat ng nais magtalumpati.”

Ngunit hindi lamang sila nagrarali o nagbibigay ng pag-aaral. Sa pakikipamuhay sa masa naranasan din nina Ka Orly na “gumawa ng kubeta, magturo ng hygiene, maglinis ng kanal, mag-acupuncture para manggamot ng maysakit.”

Isa sa mga likhang-sining ni Ka Orly. <strong>Kuha ni Gio Felicia</strong>

Isa sa mga likhang-sining ni Ka Orly. Kuha ni Gio Felicia

Naaalala pa ni Ka Orly na ang buong Maynila noon ay mapulang mapula sa mga nakapintang islogan na “Isulong ang Pambansa Demokratikong Rebolusyon!” May malakas na kilusang propaganda na umaabot sa 100,000 demonstrador ang sumasama. Tantiya niya, may 1,000 noong  dekada ‘70 ang nagtutungo sa kanayunan ng halos anim na buwan, kinalaunan pati nga ang mga beauty queen na sina Nelia Sancho at Maita Gomez. Binanggit niya rin ang kaeskuwelang si Dante na engineering student na nag-NPA at gumawa ng mga kagamitang panggera, at sa kanayunan na namatay.

Pinakamasayang alaala para kay Ka Orly ang sigla at determinasyon ng mga aktibista. “Sagana sa propaganda noon. Laganap ang Taliba ng Bayan na nilalabas ng KM Manila-Rizal, ibinebenta ito ng 50 sentimos, maging ang Kamao na isang magasing pangkultura. Kahit Ang Bayan na diyaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas ay pinamamahagi sa Plaza Miranda, gayundin ang Kalayaan na pambansang pahayagan ng KM na nilalabas kada linggo para sa chapters nito at para abutin ang masa.”

Mahigpit din ang tangan sa LRP at Red Book ni Mao, at sanay ang mga aktibista sa self study. Sa katunayan, naglalaan ng sariling pambili ang mga aktibista ng kanilang mga kopya nito sa Popular Bookstore. Nag-uumpisa ang pag-aaral sa LRP at kahit bagong kasapi pa lang ng KM ay isinasalang na kaagad sa pagtalakay nito para sa mga nais mulatin at organisahin. Mataas ang pagpapahalaga sa propaganda at edukasyon, at nagluwal pa ang Unang Sigwa ng mga mahuhusay at matatapang na lider tulad nila Lorena Barros, Voltaire Garcia, at iba pa.

Dumami pa lalo ang lumahok sa pambansa demokratikong kilusan sa lungsod nang makuha ang komunidad ng Tondo, patuloy ni Ka Orly. Sa malalaking rali, 30 porsiyento ang mula sa mga komunidad at 70 porsiyento ang mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan, at kasama rin dito ang mga manggagawa. Lumakas ang strike movement sa loob ng paaralan at mga pabrika.

Mahigpit din ang disiplina ng lahat ng mga kasapi ng KM, pagdidiin ni Ka Orly. Lingguhan ang punahan o CSC (criticism and self criticism) na nakabatay sa ibinigay na gawain at ang salalalayan nito ay ang pagsasabuhay ng “Serve the People”. Noo’y kinakampanya rin ang pagpapagupit ng mahahabang buhok ng mga lalaki (dahil nauso noon ang hippie look) na masagwang tingnan at pinupuna ng mga nakamamasid. “Kinakailangang gawin yun dahil pinapanatili natin ang prestihiyo ng kilusan,” paliwanag ni Ka Orly.

Mariing sinabi ni Ka Orly na napakahalaga ng solidong pag-oorganisa. Hindi dapat matali sa ‘sweep organizing’. “Kaya libu-libo ang lumalabas noon sa mga rali dahil umiikot kami sa mismong erya na aming nilulubugan at pinapaliwanag namin ang kahalagahan at laman ng pambansa demokratikong pakikibaka, ang esensiya ng pagrerebolusyon, at ipinapaunawa ang programang tutugon sa kahilingan ng mga mamamayan at ng buong bayan. Hayagan noong pinag-uusapan ang demokratikong rebolusyon ng bayan. Pagkatapos, maglalabasan ang daan-daang tao at tutungo sa assembly point na kadalasan ay sa Plaza Miranda, at umaabot na sa libu-libo ang kabuuang bilang. Marami rito ang sumasama lamang para makinig,” paliwanag niya.

Pero minsa’y nababansagan din si Ka Orly na “hard core,” o ng pagmamalabis dahil na rin siguro sa katapangan at pagiging maggiit. “Ang lagi ko namang tinutungtungan ay pagmamahal sa bayan at paglilingkod sa sambayanan,” sabi pa niya. Ilang beses na rin siyang napasama sa mga demonstrasyong dinadahas at binabaril pero mapalad na hindi tinamaan ng bala. Sa kabila nito, determinado pa rin siyang makibaka at maglingkod sa masa.

Nang ipataw ang martial law, nakulong din si Ka Orly nang anim na buwan. Subalit naging daan iyon upang magbago ng pakikitungo sa kanya ang ama at maintindihan siya. Huwag ka na lang pahuhuli sa susunod, ang sabi ng ama.

Lumipas pa ang mga panahon at marami pang pinagdaanang mga hirap at pagsubok si Ka Orly. Pero hindi nagbago ang kanyang paninindigan.

Payo nga niya sa mga kabataang aktibista: “Sa pagsulong ng ating pakikibaka, napakahalaga na bumalik sa kasaysayan. Kunin ang mga aral, at dahil mayaman tayo sa karanasan, hindi na bago ang tinatahak natin ngayon. Huwag maging tamad sa pag-aaral at sa pagsasapraktika. Higit sa lahat, lumubog sa masa at tunay na sila ay paglingkuran. Sapagkat ang pandayan ng komitment ay ang pagsisilbi sa masa.”

Video | 78 Days After Haiyan: Anger Rises

$
0
0

Almost three months after Typhoon Haiyan (Yolanda) struck, much of Leyte and Samar still lie in ruins. People are homeless, hungry, and without livelihood. Last January 25, around 12,000 storm survivors descended from remote villages and coastal towns to stage a protest march around Tacloban City, united in anger at the Aquino government’s negligence and ‘anti-people’ policies that show lack of genuine relief, rehabilitation and reconstruction.

Cinematography and editing: King Catoy and Ilang-Ilang Quijano
Music: RJ Mabilin
Opening and Closing credits music: Susie Ibarra

Patuloy na pagtaas ng matrikula, tinalakay sa Kongreso

$
0
0
Committee on Higher and Technical Education habang tinatalakay ang usapin ng dagdag bayarin sa mga pamantasan. <strong>Pher Pasion</strong>

Committee on Higher and Technical Education habang tinatalakay ang usapin ng dagdag bayarin sa mga pamantasan. Pher Pasion

Dahil walang ibang maaasahan na magmamana at magpapatuloy ng lipunan kundi ang kabataan, walang dahilan ang gobyerno para hindi masiguro na mabigyan ng karapatan ang mga mamamayan ng kalidad at abot-kayang edukasyon.

Pero sinabi ng mga kritiko ng gobyerno sa sektor ng edukasyon, sa halip na makapasok ang kabataan sa mga pamantasan para magkaroon ng kalidad na edukasyon, tila lalo lamang silang naitutulak palayo dito. Taun-taon  kasi ang pagtataas ng mga bayarin sa mga pamantasan–kapwa sa pribado at pampublikong mga pamantasan.

Sa Consultative Forum On Students’ Rights and Regulation of Tuition and Other Fees sa Kamara kamakailan, dinala ng iba’t ibang grupo ng estudyante ang hinaing na ito kontra sa gobyerno.

Pinangunahan ang nasabing pagtitipon ng Kabataan Party-list, National Union of Students of the Philippines (NUSP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), at iba pang organisasyon ng kabataan na nilahukan ng  iba’t ibang pribado at pampublikong pamantasan.

Di-abot kaya

Base sa datos ng NUSP na isinumite sa Committee on Higher and Technical Education (CHTE) ng Kongreso, mula taong 2001 ay nasa P439.59 lamang ang average na binabayarang matrikula sa National Capital Region at P257.41 naman sa pambansang saklaw.

Sa taong 2012, nasa P536.31 na ang sa NCR at P1,078.60 naman ang sa pambansang saklaw pagdating sa average ng matrikula.

Noong nakaraang taon, nasa 354 higher education institutions (HEIs) ang inaprubahan ng CHED para magtaas ng matrikula. Sa taong ito, nangangamba ang NUSP na muling maulit ang pagtataas ng matrikula dahil sa kakulangan ng CHED na pigilan ang mga ito.

Ilan sa mga pamantasan na inaasahang magtataas ng matrikula ngayong taon base sa datos ng NUSP: ang Central Mindanao University (40%), University of St. Louis Tuguegarao (15%), Ateneo de Naga University (5%), De La Salle University (5%), University of the East (3.5%), Far Eastern University (5.6%), University of Sto. Tomas (7-8%), National University (2.6-10% para sa mga freshman), at Caraga State University (3-10%).

Dahil dito, nangangamba ang mga lider-estudyante na maraming mag-aaral sa pribadong mga pamantasan ang magsilipat sa pampublikong mga pamantasan.

Pero ayon sa NUSP, nagtataas din ang state universities and colleges (SUCs) ng matrikula at mga bayarin dulot ng mababa at di-sapat na pondong ibinibigay dito ng administrasyong Aquino. Sistematikong tinatalikuran ni Aquino ang tungkuling pondohan ng gobyerno ang tertiary education, kung pagbabatayan ang mismong programa nito na Roadmap to Higher Education and Reforms (Rpher).

Ayon sa Kabataan, nasa 26 ang tinatayang SUCs na makakaranas ng kaltas sa badyet sa susunod na taon. Pito sa mga makakaltasang ito ay mula sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda. Kabilang sa makakaltasan ang Leyte Normal University, Eastern Visayas State University, Naval State University, Mindanao State University, at University of the Philippines System.

Bukod pa sa matrikula, problema rin ng mga mag-aaral sa parehong pampubliko at pribadong eskuwelahan ang mataas na miscellaneous fees. Pakiramdam ng mga estudyante, ayon sa Kabataan, pinipiga lamang sa kanila ang mga bayaring ito, lalo pa’t kadalasa’y di nila maintindihan at hindi nila maramdaman kung saan napupunta ang mga sinisingil.

Kabilang na rito ang tinatawag nilang redundant fees gaya ng may athletic fee na may PE (physical education) fee, sports development fee pa. Mayroon ding energy fee at air-con fee.

Nasa exorbitant fees naman ang sinasabi nila na malayung-malayo sa aktwal na presyo gaya ng ID na nasa P200 lamang ang market price pero nasa P1,000 ang nagiging singil sa mga mag-aaral.

Dubious fees naman iyung di-maipaliwanag kung saan napupunta ang sinisingil, gaya ng donation fee, spiritual fee, power plant development fee, security fee, development fee, at organization fee.

Dagdag pa umano sa mga pasanin ng mga mag-aaral ang mga polisiya gaya ng “No permit. No exam policy” at “No promissory note policy.

Kumplikasyon ng CMO 3

Ayon kay Isabel Ilayo, opisyal ng CHED na siyang sumagot sa mga paratang ng mga mag-aaral sa Kongreso, may katotohanan ang mga pagtaas na nasabi ng mga mag-aaral pero dumaan umano ang mga ito sa konsultasyon at rekisitos na nakasaad ayon sa CHED Memorandum No. 3-2012.

Dr. Isabel Ilayo ng Ched habang sinasagot ang mga tanong sa Kongresp. <strong>Kontribusyon.NUSP photo</strong>

Dr. Isabel Ilayo ng Ched habang sinasagot ang mga tanong sa Kongreso. Kontribusyon/NUSP photo

Paliwanag pa ng CHED na kasama ang NUSP sa pagbubuo ng CMO 3 na siyang sinusunod ngayon ng mga pamantasan kaugnay ng pagtatas ng matrikula.

Pero giit ng NUSP, bogus ang mga konsultasyon sa mga pamantasan dahil napakaluwag ng Ched pagdating sa pagtatas ng matrikula dahil na rin mismo sa CMO 3, kaya may reserbasyon na sila dito noong una pa.

Tinanong naman ni Rep. Lawrence Lemuel Fortun kung may mekanismo ba ang CHED para malaman kung tama ba ang mga impormasyon na binibigay sa kanila (ng mga administrador ng pamantasan) para magtaas ng matrikula base sa CMO 3.

Sagot ni Ilayo, sa ibang grupo pa nila ito ipinapatingin kung tama ang mga dokumento na ibinibigay sa kanila dahil sa kakulangan umano nila ng tao sa nasabing komisyon. Kaya sinabi niya sa mga mag-aaral na tulungan sila at iulat ang mga pamantasan na lumalabag dito.

Pero ayon kay Sheryl Alapad ng NUSP, nagsumite sila ng reklamo noong 2013 sa CHED base sa nakasaad sa CMO 3 pero nawala umano ito ng nasabing komisyon. Napag-usapan na rin mismo ito kasama ang Ched sa kanilang naunang dialogo pero hindi pa rin umano umaaksyon ang CHED.

“Ang haba ng panahon bago umaksyon ang CHED sa mga reklamo ng mga mag-aaral base na rin sa proseso kaya inaabutan ito ng pasukan. Kaya mahirap nang maibalik sa mga mag-aaral kapag nasingil na sa kanila ang mga bayaring ito sa bagal ng aksyon ng CHED,” ayon kay Alapad.

Ayon kay Rep. Roman Romula, chairman ng CHTE, mahihirapan na magtiwala ang mga mag-aaral sa proseso ng CMO 3 dahil isang taon ang lumipas at walang naging konkretong aksyon ang CHED tungkol dito.

Tinanong naman ni Kabataan Rep. Terry Ridon sa CHED kung pinapayagan ba nila ang pagtataas ng matrikula sa mga pamantasan base sa procedure o compliance ng mga pamantasan (sa sinasaad ng CMO 3) o base sa determinasyon ng pagiging resonable ng pagtataas.

Pero tulad ng mga naunang sagot, pawang general statements at malalabo ang karamihan sa naging sagot ng Ched na ikinadismaya ng mga mag-aaral.

“Ang naririnig namin ngayon ay pawang mga recycled answers. Inako na nga ng mga mag-aaral ang pagbabantay sa tuition increases na dapat CHED ang gumagawa. Mahirap iyon para sa amin na nag-aaral na kami, nagbabantay pa kami ng bayarin. Kaya ang gusto sana namin ngayon ay concrete answers (mula sa kanila) para malaman namin kung may aasahan pa ba kami sa CHED (o wala na),” ayon kay Cleve Arguelles, mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ayon naman kay Einstein Recedes ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), hindi na dapat naghihintay ang CHED ng reklamo mula sa mga mag-aaral para umaksiyon dahil kung titignan milyong-milyong piso umano ang kinikita ng maraming pamantasan.

Einstein Recedes (kaliwa) at Sarah Jane Elago (kanan) habang tinatalakay ang mataas na bayarin sa mga pamantasan. <strong>Kontribusyon.NUSP photo</strong>

Einstein Recedes (kaliwa) at Sarah Jane Elago (kanan) habang tinatalakay ang mataas na bayarin sa mga pamantasan. Kontribusyon/NUSP photo

“Mismong datos na ng gobyerno ang nagpapakita ng bilang ng hindi nakakapag-aral sa kolehiyo dahil sa taas ng matrikula. Dito pa lamang dapat naaalarma na ang CHED sa bilang ng mga drop-outs at mga hindi nakakatuntong ng kolehiyo,” ayon kay Recedes.

Ayon naman kay Ilayo, nasa mga regional offices ang pagpapasya kung papayagan nila ang pagtaas ng mga matrikula kung nakasunod ang mga ito sa mga rekisito ng CMO 3. Hindi rin naman daw pinapayagan ang lahat ng pamantasan na magtaas. Kaya sa 451 na pamantasan na may proposal magtaas noong 2013, nasa 354 lamang ang pinayagan.

Tinatanggalan ng karapatan

Ang kawalan ng demokratikong karapatan ng mga mag-aaral sa loob ng mga pamantasan ang isa rin sa itinuturong dahilan ng pagtataas ng matrikula.

Ayon sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP), nakapagtala sila ng mahigit 230 campus press freedom violations noong nakaraang taon sa buong bansa. Karamihan umano sa mga publikasyon, nakakaranas ng harassment mula sa administrasyon kapag nilalaman ng kanilang mga publikasyon ang tungkol sa pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin at mga polisiyang nakakaapekto sa mga mag-aaral sa mga pamantasan.

“Paano magkakaroon ng demokratikong partisipasyon ang mga mag-aaral sa mga pamantasan pagdating sa usapin ng pagtaas ng matrikula kung hindi nila malalaman ang mga panukalang pagtaas dahil hindi sila hinahayaang maglabas ng ganitong mga isyu sa kanilang publikasyon?” ayon kay Mark Lino Abila, pangkalahatang-kalihim ng CEGP.

Ayon kay Recedes, mismong mga student handbook ang ginagamit para sikilin ang karapatan gaya ng karapatan ng mga ito na organisahin ang mga sarili at karapatang makapagpahayag sa mga isyu sa pamantasan.

Marc Lino Abila ng CEGP habang ipinapakita sa CHTE ang files ng mga campus press freedom violations. <strong>Kontribusyon.NUSP photo</strong>

Marc Lino Abila ng CEGP habang ipinapakita sa CHTE ang files ng mga campus press freedom violations. Kontribusyon/NUSP photo

“Maraming mga pamantasan ang hindi pinapayagan ang kanilang mga mag-aaral na magtayo ng mga organisasyon lalo na iyong mga progresibong organisasyon na nagtataguyod ng karapatan ng mga mag-aaral. Bawal silang maging miyembro ng LFS (League of Filipino Students), CEGP o NUSP. Kaya ang tanong natin sa CHED, ano ba ang mas mataas; ang Konstitusyon ng Pilipinas o ang student handbook?” ayon kay Recedes.

Dagdag naman ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero, pawang “do’s and don’ts” ang makikita sa mga student handbook at hindi nakasaad ang mga karapatan ng mga mag-aaral.

Ayon naman kay Ilayo, nakasaad sa bagong CHED Memorandum No. 9 na kanilang inilabas ang karapatan ng mga mag-aaral para magkaroon ng organisasyon.

Para naman kay Ridon hindi sasapat ang CHED Memorandum No.9 para masiguro ang mga demokratikong karapatan ng mga mag-aaral. Kailangang maglabas ng memorandum ang CHED kaugnay ng mga karapatan ng mga mag-aaral habang hinihintay ang kanilang isinumiteng panukalang batas kaugnay nito sa Kongreso.

CMO 3 magpapatuloy

Kaugnay nito, bibigyan umano nila ng panahon ang CHED para maayos ang problema sa CMO 3 kaugnay ng pagtataas ng matrikula, ayon kay Romulo sa panayam ng Pinoy Weekly.

Aniya, nakitang mabagal ang nagiging aksyon ng CHED para alamin kung resonable ba ang pagtaas ng mga matrikula o kung ginamit ba nang tama ang CMO 3.

Ang CMO 3 pa rin ang siyang pagbabatayan ng CHED kaugnay ng mga panukalang pagtaas ng bayarin sa mga pamantasan, ayon naman kay Ilayo sa panayam ng Pinoy Weekly.

Habang wala pang malinaw na gagawing hakbang ang CHED sa panawagan ng mga mag-aaral at dinidinig pa rin sa Kongreso sa kasalukuyan ang mga hinaing ng kabataan, mananatiling milyung kabataan pa rin ang hindi makakapasok sa mga pamantasan at milyung kabataan sa kasalukuyan ang patuloy na pinagkakakitaan.

Pero wala sa mga mag-aaral at kabataan ang makikipagtitigan lamang at hayaang patuloy silang nakawan ng kanilang karapatan na matagal nang naipagkakait sa maraming mamamayan.

Love story sa panahon ng pagsayaw at pag-alsa

$
0
0
Programa ng One Bilion Rising ngayong Pebrero 14.  (Kontribusyon/Gabriela PID)

One Bilion Rising for Justice ngayong Pebrero 14.

Kasama si Joey sa mga aktibidad ng One Billion Rising noong nakaraang taon. Kaiba siya, dahil pangunahing kababaihan ang kalahok sa kampanyang paglaban sa karahasan sa kababaihan. Sabagay, araw naman iyon ng mga puso, araw ng pagmamahalan, maiisip na marahil isinama siya ng kanyang asawa, kasintahan o di kaya nayaya ng mga barkada.

Pero kapansin-pansin na ang kanyang suot na t-shirt ay may nakatatak sa likod na salitang “Diego”. Dignity, Integrity, Equality of Genders Organization daw ang ibig sabihin nito.

Kuwento ni Joey, samahan ito ng mga manggagawa at manininda sa Bgy. Tatalon, Quezon City. Hindi naman daw sila “under de saya” dahil sa ang “Diego” na kanilang organisasyon ay pangunahing binuo ng kababaihang miyembro ng Gabriela sa lugar. “Sumusuporta kami sa laban ng Gabriela, naniniwala kami sa layunin nila,” sabi ni Joey.

Kapansin-pansin noon ang pagiging malapit ni Joey kay Beth, isang aktibong miyembro ng Gabriela na madalas makita sa mga rali at kilos-protesta ng grupo. Maraming biruan na sinusuyo raw ni Joey si Beth. Maaaring isipin na marahil nanliligaw, pero ang alam ng karamihan, may asawa na si Beth: at si Joey nga iyon.

Paghihiwalay at panunuyo

Sa tagal ng kanilang pagsasama  simula pa noong 1987 at pagkakaroon ng dalawang anak, muling nanunuyo si Joey. Hiniwalayan ni Beth ang kanyang asawa noong taong 2010. “Marami na kasi akong naririnig sa komunidad, na kesyo miyembro raw ako ng Gabriela, pero takot naman sa asawa. Magaling lang daw ako sa salita,” kuwento ni Beth.

Kaiba sa ibang babaing bantulot na ikuwento ang nakaraan, maluwag na ikinuwento ni Beth ang masalimuot niyang buhay. “Hindi ko itinago ang pinagdaanan ko kay Joey bago ko siya maging asawa,” kuwento ni Beth. Bago pa kasi magkakilala, biktima  si Beth ng prostitusyon.

Sa edad na 13, mula sa Visayas napadpad si Beth sa Kamaynilaan. Nahikayat na mamasukan sa inaakala niyang bahay, bilang katulong pero, “Sa casa kami dinala ng kumuha sa amin. Sa una serbidora lang ang trabaho ko, pero kalaunan ibinugaw na nila ako,” pagbabalik tanaw ni Beth. Sa isang maliit na kabaret sa Baclaran daw siya unang dinala. Napilitan siyang umalis sa kanilang probinsiya hindi lang dahil sa kahirapan, ginagahasa rin kasi siya ng kanyang nakikilalang lolo sa murang edad na siyam na taon.

“Maaga kasi akong dinatnan ng buwanang dalaw, kaya malaking bulas,” aniya. Sa panahon na nasa kabaret siya, inisip niyang sinadya na siya’y maging isang parausan, hanggang nagpasya siyang umalis at magpalaboy-laboy sa lansangan.

Taong 1987 nang makilala niya si Joey, matapos siyang mamasukan bilang kahera sa isang tindahan sa Sampaloc.

“Nakita ako ng nanay ko na pagala-gala, kaya dinala niya ako una sa Manggahan, Pasig. Katulong ako doon, kaso ginahasa din ako ng amo kong matanda. Umalis ako doon at namasukan sa tindahan diyan sa Espana (Avenue),” ani Beth.

Doon nagsimula ang panliligaw ni Joey, dahil sa tindahang pinasukan ni Beth namimili ng mga paninda ang pamilya ni Joey na may mga pwesto sa Welcome Rotunda at ibang lugar. Nagkapalagayang loob sila at makaraan ang tatlong buwan nagpakasal sa huwes.

“Pursigido siya sa panliligaw, kahit sabihin ko sa kanya na marumi akong babae,” sabi pa ni Beth.  Maalalahanin at di pumapalya sa pagbigay ng mga regalo sa mga okasyon si Joey. “Kahit hanggang ngayon nagreregalo pa rin iyan sa amin ng mga anak ko.”

“Akala ko noong una kaming magsiping na balewala sa kanya ang pinagdaanan ko, inamin ko naman sa kanya ang buong katotohanan,” aniya. Dito na nagsimula ang kalbaryo ni Beth. Kuwento ni Beth, bagamat isang beses lang siyang sinaktan ni Joey, mas masakit ang halos araw-araw na pang-aabusong berbal sa kanya.

“Hindi niya ako pinalalabas ng bahay, kapag umaalis yan ikinakandado niya ang pinto sa labas. Kapag nalalasing, ipinamumukha niya sa akin ang nakaraan ko, minsan kahit sa maraming tao pinapahiya niya,” pagsasalaysay ni Beth.

Saksi rin ang isang pinsan ni Joey sa pang-aabusong berbal nito kay Beth. “Naku, napakaseloso niyan. Parang stalker. Kung mag-iikot kami sa komunidad para mag-organisa, nakabuntot lagi. Ilang beses din niyang inaway yung mga organizer ng Gabriela,” dagdag-kuwento ni Grace.

Hindi rin ipinagkaila ni Beth na ilang beses na rin silang pinag-ayos ng mga opisyal ng barangay at naging bahagi na rin sa counseling session ng Gabriela. “Siyempre, nais naman ng barangay at Gabriela na magka-ayos kami, na hindi basta-basta pinaghihiwalay,” patuloy na kuwento ni Beth.

Pag-amin at pagbabago

Hindi madali para sa isang lalaking tulad ni Joey na aminin ang pagmamalabis nito sa kanyang asawa. Laluna’t napanday ang kanyang kaisipan na mas malakas ang mga lalaki kaysa sa mga babae, kulturang macho pa rin ang umiiral sa kanya. Pero sa kanyang pagkukuwento, inamin niya,  bagamat hindi detalyado, ang kanyang pagkakamali.  “Oo, kapag nalalasing ako minumura ko siya at ipinapahiya,” sabi niya, pero hindi niya inamin na minsan din niyang sinaktan si Beth.

Aminado naman si Beth na may pagbabago kay Joey mula nang maorganisa siya sa Diego. Hindi na raw pinipigilan ni Joey si Beth na sumama sa mga aktibidad ng Gabriela. “Okey lang sa akin na sumama siya sa Gabriela. Kahit naman kami sa Diego sumasama, kung kailangan nila ng tulong sa mga mabibigat na gawain tulad ng pag-set-up ng stage, pag-repack ng mga relief, nakasuporta kami,” sabi niya.  Halata rin na ipinagmamalaki na niya si Beth bilang isang lider-kababaihan ng Gabriela.

Para naman kay Beth, nanatili pa rin ang respeto niya sa dating asawa kahit pa pursigido siyang hindi na makipagbalikan sa kabila ng patuloy na panunuyo ni Joey.

Pero para kay Joey, malayo pa ang kailangang lakbayin para baguhin ang kanyang pagkatao at mahabang panunuyo pa ang kailangang gawin para manumbalik sa kanya si Beth. “Ang masasabi ko lang sa kanya, lagi siyang mag-iingat sa mga pinupuntahan niyang aktibidad at rali,” sabi ni Joey.

At sa okasyon ng araw ng mga puso, magkaiba man nang pananaw sa buhay mag-asawa, kapwa sila iindak sa saliw ng One Billion Rising for Justice.

(Sinadyang baguhin ng author ang mga pangalan sang-ayon sa kanilang kagustuhan)

Dispatches from Leyte: From Ruin to Resilience

$
0
0
Survivors trying to rebuild homes in Leyte, three months after the storm. CJ Chanco

Survivors trying to rebuild homes in Palo, Leyte, three months after the storm. CJ Chanco

Everything seems frozen in place. Every tree, branch, every root sticking out from the ground, stretches out toward an unseen horizon as though reaching for a sun that will never come, or shine as bright as it once did.  The trees are twisted out of true, like the bodies in the bags that used to occupy nearly every intersection of Tacloban City, the ones the disaster’s first responders would have seen as they passed along the way here (and would have seen, in their half-decomposed state, weeks after the storm).

Rows of coconut trees stand eerily in place, their graceful swaying brought to an abrupt halt by gale-force winds that have forced their fronds to face permanently East – or is it West? It’s impossible to say. The wind had come from every possible direction, shifting as it did with the walls of saltwater that came with broken logs and torn roofs of corrugated iron that brought low the homes of some five million families, and tore Eastern Visayas away, for seven days that felt like eternity, from the reckoning of the world and the local energy grid: leaving two provinces in total darkness, as the days turned into weeks that turned into months.

Tacloban itself is a frozen photograph, a silent sentinel on the edge of Nightmare. Or a portent of things to come.  The city has changed beyond recognition, at least physically, yet something beneath its surface-façade seems unchanged, almost permanent. Its economic life, the social conditions of its people, the rigid divisions of class and geography that determine who lives and who dies – none of this has been altered in any profound sense.

Not even by the strongest typhoon to make land-fall in recorded history.

I’d come on this journey with Balsa, an alliance of people’s organisations, churches, and individual volunteers from across the country. This was its third or fourth major deployment in Eastern Visayas, a caravan bringing aid and relief to communities worst affected by supertyphoon Yolanda (international name: Haiyan) that tore Tacloban apart last November.

Balsa has been doing so for close to a decade now, responding to nearly every major natural disaster to hit the country with a unique combination of grassroots mobilisation and long-term, community-led rehabilitation efforts.  Despite its limited resources, Balsa has banked on the power of collective action to match or even exceed in scope the well-funded projects of some of the best aid agencies in the world. Encouraging the full participation of people directly affected by tragedy has ensured its efforts are deeply rooted with their needs on the ground.

In Leyte, Balsa came not with an elite corps of engineers or disaster experts bearing blueprints from on high, but with community organisers, religious missionaries, teachers,  volunteer scientists and medics – “people’s doctors” – even farmers from Luzon and Mindanao who’d saved seeds all year for just this purpose: to donate to fellow farmers in Visayas who’ve lost their crops. These were people with little to share individually but much to share at a collective level.

It was with them that I saw clearest the difference between passive charity and an active, community-driven response to tragedy;  the gap between what governments promise and what they deliver,  and the need for action from ‘below’ amid damning neglect from above.  It was a glimpse into human vulnerability that persists in the face of persistent poverty. It was also a portrait of human resilience and will to life that will come to define Tacloban (and the rest of the country) as the place where a people, leveled by countless storms, rose again.

Balsa People's Relief Caravan at the Port of Matnog, Sorsogon. CJ Chanco

Balsa People’s Relief Caravan at the Port of Matnog, Sorsogon. CJ Chanco

Day 1 – January 24 – Matnog

… Or rather, Day 2.  It’s taken us seven to eight hours by bus to reach Sorsogon from Manila. It would take us another eight hours or so, more than half a day, to get past the port of Matnog, the main entry point to Leyte.

So after hours on the road, my legs are killing me. My friends and I get off for breakfast and a brisk walk.  At the port, vendors sell us hot pandesal, fried buns, sauteed veggies and tiny red native bananas that we eat with relish, before settling for a meal of tomatoes and fish roasted over an open charcoal fire.

There’s little else to do but gorge ourselves, after all, and talk, as we wait for our turn at the barge.  The early morning sun beats down on lush rice fields by the coast. At a bamboo stall next to our bus, a woman shelling mussels eyes us with sympathy, as she spots the truck behind our bus bearing relief goods for Tacloban. It would be a long wait, she says. An endless line of buses and trucks, some stamped in bold-faced letters, “Relief”, crawls its way past us.

In Matnog, a separate route was opened up for relief caravans in an attempt to cut traffic, but this actually slowed things down. Many of the trucks weren’t carrying relief at all but commercial freight, scrambling for a quick opening to drop off goods to sell in Visayas.

After a few more hours, our boat, the Peñafrancia, finally arrives. Boys as young as four climb twelve feet above the deck, diving gracefully into the cerulean blue sea to catch coins tossed by tourists with uncanny accuracy.

We get on the barge and set sail for the Port of Allen. From there, we’d take another bus ride to Tacloban City, arriving there by midnight.

Crossing the narrow channel between Samar and Leyte, San Juanico Bridge is cloaked in darkness, with only the lights from our bus guiding our way.  Even in Tacloban city proper, rotating black-outs are a fact of life and dozens of public hospitals, schools and thousands of homes still depend on diesel generators for electricity at night, months after Yolanda.

Despite this, government reports insist electricity has been restored in at least 60% of affected areas.

An eight-year old storm survivor. CJ Chanco

An eight-year old storm survivor. CJ Chanco

Day 2 – People’s Surge

A boy, around 8, shifts his gaze from the aid trucks outside to the camera I have in my hands.  We’re by the window of the school gym at Eastern Visayas State University, where I strain to find a scene, any scene, to latch on as I adjust my lens to just the right shutter speed.  The early morning sky filters through the gym awning as we peer over the balcony at the courtyard.

I soon find my scene.

Below us, the first few hundred people gather for what would quickly grow into one of the largest demonstrations I’ve ever been a part of: a “People’s Surge”, including at least 12,000 marchers – young and old, farmers and fisher folk families from at least two dozen towns and rural barrios from across Samar and Leyte. They’d come for aid and relief, but above all for solidarity and a collective sharing of grievances, in protest against the government’s scant relief efforts post-Yolanda.

For two days in this school auditorium with a portion of the roof still missing, there had been singing and story-telling and shared meals of canned sardines and rice wrapped in palm leaves, puson-style.

This is what the boy’s family had come here for, assuming he still had one. The boy’s otherwise stoic face contrasts deeply with his eyes, which have perhaps seen too much, far more than his youth deserved.

He looks straight into the lens of my camera, and not without some guilt, I snap a shot. He doesn’t smile.  Pity or shame tugs at me: was I taking advantage of these people?  These “victims” of what is surely the worst natural calamity the country has faced in a century?  What if the boy had lost a sibling in the storm? A cousin? A parent? His whole family?

A volunteer sounds the call for breakfast and the boy rushes past me. I exit the classroom we were in, and make my way through the crowded corridors – dark, dank, and in some places filled up to the ceiling with balikbayan boxes, long since been emptied of used clothes, canned goods and medical supplies.

In the next building is the gym we’d slept in the night before, and here too hundreds of people lay crammed on the upper benches or shuffle to and fro the courtyard below.  Elderly couples sip coffee, their grandchildren play basketball; one mother nurses her daughter, only days-old. A nun thumbs the beads of her rosary.

All are waiting for their cue for the march to begin.

By the university entrance is a blue tent, put up there by the doctors I arrived here with, from Samahang Operasyong Sagip and Health Alliance for Democracy. For a couple of days now they’ve giving free check-ups and medicines to a long line of people that now stretches past the gate to the next block, probably more than half a kilometre away.

Many of the patients – one man crippled from the waist down, one woman blinded by cataracts– are joining the march.

Renato Reyes of Bagong Alyansang Makabayan sounds the call. The march begins.

My camera ranges overhead.

The sun approaches noon and beats down hard on groups of protesters that converge in an intersection just past the university gate. It’s stifling.

Dust from thousands of marching feet form a cloud that rises above us and descends on the city, adding to the surreal scene.   I knew there’d be a lot of people, but not this many.  How many were we? A thousand? 8,000? 12,000?

This was a surge. A surge of humanity on the edge of despair; a surge of relief in a desert flooded by a supertyphoon, a wave of well-meaning if short-lived aid, and months of government neglect. Each one in turn.

I stand on tip-toe. There seems no end to the march. I take my first few, tentative shots.

More than 12,000 storm survivors from different parts of Leyte and Samar march in protest of government's negligence around Tacloban City. CJ Chanco

More than 12,000 storm survivors from different parts of Leyte and Samar march in protest of government’s negligence around Tacloban City. CJ Chanco

Many think I’m from the media, and break into hasty, shy smiles. Others doubt my motives. Soldiers, government officials or policemen in civilian clothes have been known to take photos of the scattered protests which have been taking place here with increasing regularity.

The distrust was understandable: Eastern Visayas had long been the playground of Jovito Palparan, a general held responsible for commanding the torture and arrest of hundreds of activists, and for a suite of other human rights violations, in the early years of the former Arroyo administration.  It was during this period that sections of the military turned into a de facto mercenary defence force for hacienda owners, commercial plantations, and large-scale mines that were pit against communist rebels.

When hundreds of soldiers arrived in Leyte in the weeks following Yolanda – in fact, they arrived before government relief, to ensure security by cracking down on “looters” – they arrived, bringing back memories of fear, dispossession and landlessness that have made their mark on a region that is one of the poorest in the country.

***

In the crowd something catches my eye. Among the marchers is a woman, in front of me, ambling slowly under the noon-day sun. She’s clutching her son’s arm.  A small towel, stained with the sweat and grime of work on the fields, is the only protection the two have from the glare of the sun.

The woman, Teresa, is well into her eighties and has lost sight in both eyes. She was the same woman we’d given a medical check-up this morning.  Her middle-aged son is a fisherman, like many of the marchers. Mother and son inch forward.

Eventually I lose sight of them, with people cramming the road from end to end. We turn a corner and spot Gaisano grocery store, the main target of ‘looting’ binges in the days after the storm. Few of the looters, of course, were the ‘professional criminals’ commonly portrayed by the cops. The victims of the Manila-based media’s smear campaign were in reality families just scrambling to survive (among their ranks: the wife of the mayor, who managed to snag a pair of jeans from a looted department store).

We cross a few more blocs and reach a small clearing by the coast. A small stage in the middle of the road – built with a few crates and an old pick-up truck – rises above a few market stalls.

The first thing that catches my attention are the streamers, banners and placards. They’re everywhere.

Ipadayonan Relief tubtob kina hanglan sa mga Biktima! Speed up relief efforts – aid to the victims!

Ipakigbisog an Pagkaon, Pabalay, Pakabuhi ngan Serbisyo Sosyal! Fight for the Right to Food, Housing, Jobs and Social Services!

40K Subsidiyo, ihatag ha kada Pamilya! Php 40K Subsidy for every family! (the estimated amount needed by a family hit by Yolanda to survive for two months)

NO-BUILD ZONE: Kontra-mamamayan, Land-grabbing! The government has prevented thousands of   displaced families from rebuilding on lands they were originally on, claiming they’re far too dangerous for residential occupation. The catch: despite the alleged risks, many of these neighbourhoods are on public land bought up by private real-estate developers a few years ago. The survivors will have to be relocated to temporary bunkhouses built out of flimsy plywood and corrugated iron, long since criticised by Architect Felinio Palafox and the United Nations for failing to meet international standards for basic safety.

***

Residents along the shoreline are opposed to dislocation by the government's 'No-Build Zone' policy.  CJ Chanco

Residents along the shoreline are opposed to dislocation by the government’s ‘No-Build Zone’ policy. CJ Chanco

Then I hear the voices. Each one – from farmers, community organisers, a student who lost her father in the storm – builds up to a poignant crescendo. Each one speaks of promised aid from the government that simply would not arrive in time, if it would arrive at all.

Each one speaks of death, destruction and loss, but also of hope, resilience and rebuilding, stressing clearly the difference between victim and survivor.

Days 3-4 – Beyond Tacloban

We spend another night at the University of the Philippines-Tacloban, before making our way through the coastal suburbs of Tacloban to the municipality of Alangalang, further inland.

Our rented jeepney drives us through endless fields of rice: many only now throwing up the first tentative shoots of new life after months of. Nearly all the coconut trees that pass us by face East, as though bowing, prostrate, before a distant Mecca.

After a brief stop-over at Palo, our caravan reaches Sitio Bigaa, a small cluster of homes on the outskirts of Barangay Langit, Alang-alang.  We manage to hand over relief goods – clothes, food, medicines, cooking utensils, construction materials – to some two hundred families from Bigaa and neighbouring barangays, but on the way out, our aid truck gets stuck in a mud pit.

Jerry, a local kagawad overseeing local relief operations, rushes to my side. We watch helplessly as more than a dozen villagers push the truck, unloading and reloading goods to lighten the load. The engine shifts to high gear to no avail. It takes us another two hours of heaving and hauling to shake it free.

Jerry considers himself lucky. He and most of his relatives escaped the storm relatively unscathed, apart from a few scratches here and there – and a home completely destroyed. While his family huddled in their tiny bathroom, a single, strong gust of wind tore off their roof and sent it flying to the next barangay. They waited for days before the first signs of contact arrived from Tacloban city. They ate wet palay, inedible under most circumstances, picking through the remains of their crops to survive.

Then the days stretched into weeks, and relief goods came pouring in from people in Manila and around the world eager to reach out… but today  aid  has slowed down to a trickle, even in the city proper.

In Sitio Bigaa, Alangalang, Leyte, the destruction of coconut trees spell hunger for farmers. CJ Chanco

In Sitio Bigaa, Alangalang, Leyte, the destruction of coconut trees spell hunger for farmers. CJ Chanco

A group of survivors awaiting relief goods by people's organisations led by Balsa. CJ Chanco

A group of survivors awaiting relief goods by people’s organisations led by Balsa. CJ Chanco

In Bigaa, the World Food Programme still distributes about a sack of rice per family each week (around two kilos or more for every child) – and a handful of charities still visit them on occasion – but aid from the government itself has been sorely lacking.  A few weeks ago, representatives from the Department of Social Welfare and Development arrived here, asking hundreds of families to move to temporary bunkhouses that are as distant from their livelihoods as they are unsafe.

The plywood shacks on offer have sagging floors and flood after barely half an hour of rain. And rain has been pouring down constantly since Yolanda, like aftershocks from a big quake.

Jerry and his family, among hundreds of others, rejected the offer. People would rather build their own homes near lands they have cultivated for decades.  Give them the resources needed to rebuild, he says, and communities will recover. What people need here more than ever is long-term support, and above all cash, jobs and tools for reconstruction.

***

Bigaa suffered fewer casualties, he tells me, than those in communities along the coast.  Yolanda’s impact on local agriculture, however, has been devastating, wiping out vast tracts of coconut groves and rice fields literally overnight. This has been especially difficult for the majority of small farmers who don’t own the lands they till. Already in debt before the storm, many have taken on even more loans to rebuild their homes and replant their fields.

In Carigara, the next town we visit, Edwardo Bastol and Melecio Llagas, tell me a similar story.

Melecio is Edwardo’s uncle, pushing into his late fifties. Both of their homes were levelled by Yolanda, which saw a whole river redirected from East to West, flooding hundreds of acres of crops.

When I visit them in their half-built home near Carigara elementary school (its roof still plastered with donated UN tarpaulins), Melecio is balancing himself on a single wooden plank, hammering away and eager to share their tale.

Construction materials promised them had not arrived in time. In fact they received nothing in any kind of aid, apart from food. Barangay officials assured them there was no need. They had already begun to rebuild their home, after all.

There’s the catch. Edwardo has indeed managed to carve out a small but sturdy cement shack for his wife, two children, and his uncle who has since moved in with him – but only after taking out a hefty loan from his employer, a local vulcanizing shop owner.

Without it, it would have been impossible to rebuild. Thousands like Edwardo have dug themselves deeper in debt as a result.

Food, seeds, electricity, fuel, clothes, school supplies for their children, yero – corrugated iron roofs – are expensive. Post-disaster inflation, brought on partly by the difficulty of shipping goods to Leyte and the lack of proper public subsidies, has sent prices soaring.

Makeshift houses in Tacloban City. CJ Chanco

Makeshift houses in Tacloban City. CJ Chanco

I arrive at a small grove a few blocks away, hidden by coco palms.  I look around me, and note in passing the austere, almost deceitful, beauty of the place, perhaps concealing more than it reveals.  A mountain on the other side, after all, used to be covered entirely with coconut trees and green shrubs, locals tell us. Now green is the exception, appearing only in isolated patches between emptied-out fields slicked in mud after the storm.

I stumble on a ruined shack.  Tattered curtains are draped on a few walls still standing. Bits and pieces of chicken wire lay scattered about. At first I mistake it for a chicken coop, then realise it’s someone’s home – or used to be. Torn clothes, some still damp, lay, as if to dry, on a bamboo pole.

Sunlight pours in from the emptied-out frame of the roof, like a wooden skeleton.

The place looks abandoned, so I turn to leave, before a woman approaches me from a corner, shyly, cradling a boy in her arms.

Estelita Garantinao is in her sixties and lives alone, with her husband and three-year-old grandson. Like most other families, the child’s parents have moved to Manila, hoping to send money back home.

Her husband is paralysed from the waist down. He would have died in the storm had she not pushed him away in time as the wind heaved a tree from its roots – a kind of pillar in the middle of their nipa hut that had been its foundation – and hurled it down in front of them.

It was a caimito tree that had weathered countless storms for over twenty years – until Yolanda.

It crushed everything from their bedroom to their tiny kitchen.

Estelita has no money to spare to rebuild or even clean up. She washes clothes for her neighbours, and earns just enough for her family to eat. She’s too weak now to rebuild from scratch, all by herself.

So three months after the storm, their tiny home is in shambles. They live in a temporary shack, even smaller than the first, built by her brother next to the ruins.

Estelita stops talking. I realise she opened up to me before she even got my name, before I even got to say a few words in reply. I tell her I’m from the relief caravan and she thanks us for our help. At this I feel more shame than pride. Had I really helped? Had I done any more than report on their grief?  What did we from Manila really know about their plight?

And did I interview the others, she asks? The boy who lost his whole family in the storm; the pregnant young mother, her husband a jeepney barker in Manila?

There were stories. Hundreds of them. But there was simply no time to hear them all.  We would leave for Palo the next morning.

A woman among the ruins in Palo, Leyte. CJ Chanco

A woman among the ruins in Palo, Leyte. CJ Chanco

Day 5 – Palo and Back to Manila

It was like a scene from Titanic. Walls of water rush in as floors give way to a seething ocean. People clamber onto their roofs, and grab anything they can find as the tide surges forth, enveloping everything in its path.   Class D passengers, women and children included, drown in the cabins below, while the aristocrats of the upper decks escape unscathed. The homes of the poor are wiped out. The mansions are left standing, empty for now, their distant occupants safe in Manila.

This is how survivors remember Yolanda at its height, those harrowing moments during the storm. What unfolded in its aftermath is described in terms no less disturbing:

Relief goods bought and paid for, or stolen outright by local officials who have divided the spoils between themselves and their voters.  A ravaged local economy, leaving one of the poorest and most unequal parts of the country with a population even more vulnerable, post-Yolanda.   Rehabilitation efforts being given over to Big Business, courtesy of Panfilo Lacson, the region’s “rehab czar”, who has officially declared his support for a private-sector led initiative.

Already, real estate, construction and commercial investors that run the gamut from Consunji to Ayala to Pangilinan have sunk their teeth into juicy contracts included in the government’s rebuilding and rehousing programmes.  Homes for the survivors of Yolanda will be built by the builders of Manila condominiums. Thousands will never be able to afford them. Tens of thousands more will remain homeless, landless, and jobless in a region that will surely take more than a decade to recover even half of what it has lost, in money and in human life.

But some scenes of recovery are visible.

Communities are picking themselves up from the ruins, mostly thanks to people’s own efforts in the absence of government support. Palo regional hospital is being rebuilt, courtesy of the South Korean military. Crime rates are fairly low, despite sensationalised reports of “mass looting” in the days after Yolanda.  Donations are trickling in, thanks to scattered charity drives that can only do so much without a more comprehensive, pro-active role in the rehab efforts by the state.

And the corpses are gone.

Many, of course, are still missing; others were buried after more than a month in an advanced state of decay.  As of late January, new bodies are being discovered, at a rate of one per day, calling into question the government’s modest estimates of more than 6,700 dead.

***

Smiling children in Palo, Leyte. CJ Chanco

Smiling children in Palo, Leyte. CJ Chanco

In Palo, roofless buildings are perhaps the second most common sight one sees across the town. The first most common?  Smiling children.

From day one, children would huddle around me and my camera –  something I would get used to after a week in Leyte. Indeed, raising the camera to my face to take a shot seemed a cue for someone to smile. And smile people did, with broad grins that stretched up to the wrinkles of their eyes.

What made them smile wasn’t innocence. They had all seen too much for that.

It would be another 24-hour journey before I could finally reach home. In Eastern Visayas, some 15 million people have a much longer journey ahead of them.

It’s difficult for the casual observer to connect any of the horrors its people have faced with the beaming faces you meet in this society of contradictions.  It’s easy to be misled.  Sometimes suffering can be too deeply etched on a person’s face that the sheer weight of their troubles erases all external signs of sorrow or despair, because succumbing to despair is useless when your life is at stake, and you have a family of five to care for.

Whether or not this is a sign of genuine happiness or isolated glimpses of joy – temporary breaks in an otherwise painful existence – is another matter.  What comes out as resilience can be hidden sorrow or   anger, long repressed.  To the greatest tragedies, there are only ever two ways humanity can respond.

Resignation – or rage.

 

CJ Chanco is a freelance writer, photographer, and research officer at the College Editors Guild of the Philippines. In late January, he joined volunteer doctors from Balsa and Samahang Operasyong Sagip as they made their way across Tacloban city and neighbouring barrios in a five-day relief caravan.

Ka Inday Bagasbas: Puso ng maralitang tagalungsod

$
0
0
Si Ka Inday Bagasbas (kanan). (PW File Photo)

Si Ka Inday Bagasbas (kanan). (PW File Photo)

Para sa mga maralitang tagalungsod, mistulang demolisyon pa ang sagot ng administrasyong Aquino sa mga suliranin nila sa buhay. Maililigtas daw ang mahihirap sa tabing-ilog kapag inalis sila sa lugar. Malulutas daw ang trapik kapag nag-road widening. Maraming negosyante at dayuhan ang mahihikayat na mamuhunan sa bansa kapag ang mga gusali ay malinis.

Hindi na ito bago. Ganito rin ang programa ng nagdaang mga gobyerno – nina Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Arroyo.  Iba-iba lang ang katawagan o pagpapakete, pero sa halip na lutasin ang suliranin ng mga maralita, dinidemolis hindi lang ang tirahan nila kundi pati ang kabuhayan at kinabukasan ng kanilang mga anak.

Marami nang napako sa mga pangakong binitiwan ng mga naluklok sa poder. Tuwing sasapit ang eleksiyon, walang ibang sinasabi sila kundi mangakong unahin daw ang interes ng mahihirap, bibigyan sila ng trabaho, pag-aaralin ang kabataan, magbibigay at papaunlarin ang serbisyong panlipunan at magpapatayo ng pabahay. Pagkakuha ng boto tumatalikod na sila sa mga botanteng mahihirap.

Sinasalamin ng buhay ni Estrelita Rubine “Ka Inday” Bagasbas, lider-maralita ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang kalagayan ng mas marami pa nating kababayan.  Sila na kung tawagi’y maralitang tagalungsod ay patuloy na pinagkakaitan ng karapatang mabuhay.

Nagmula sa pamilyang magsasaka

Mapagkumbaba pero iginigiit ang karapatan. (Larawan mula sa Bulatlat.com)

Mapagkumbaba pero iginigiit ang karapatan. (Larawan mula sa Bulatlat.com)

Tubong North Cotabato si Ka Inday, 58. Nagmula siya sa pamilyang magsasaka. Bukod sa drayber ang ama, pagtatanim ang siyang pangunahing kabuhayan ng pamilya. Pangalawa si Ka Inday sa 12 magkakapatid.

“Kasama namin noon ang ina sa malawak na lupa at doon kami natutong magbanat ng buto sa pagtatanim. Hindi kami nakapagtapos ng pag-aaral dahil kelangan naming tumulong sa bukid, aniya.

Hanggang elementarya lang nakaktuntong sa pag-aaral si Ka Inday. Maagang namatay ang apat na kapatid niya dahil sa sakit at may anim  pa sa kanila ang nanatili sa North Cotabato na nagtrabaho sa rubber plantation.  Kalaunan nasunog ang plantasyon kaya marami sa kanila ang nawalan ng hanapbuhay.  Kaya kalakhan ay naging maralitang-tagalunsod  sa Cotabato City, at dalawa sa kanila ang nakipagsapalaran sa Maynila.

Taong 1969, nagpasya si Ka Inday na lumuwas ng Maynila upang tuparin ang kanyang pangarap na makapag-aral at makaabot ng kolehiyo. Isang kaibigan niya ang nagyaya at nagpaunlak na sa kanila siya manuluyan. Kaya tumakas siya at umalis nang hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang. Nasa barko na siya nang malaman ng mga kaanak at wala nang nagawa pa kundi ang bilinan siya na mag-ingat.

Banggit niya, “Namasukan ako sa tinuluyan ko bilang katulong sa bahay ng tatlong taon. Tumatanggap ako ng P30 isang buwan ngunit hindi na nila ako nakayanang pag-aralin pa dahil hirap din sila.

Labing-anim na taon si Ka Inday nang ligawan ng unang asawa.  Isang vulcanizer si Mariano at nanirahan sila sa Marilao, Bulacan, at lumipat sa Obando. Hindi sapat ang kinikita ni Mariano bukod pa sa may bisyo.

“Hindi kami magkasundo,” sabi ni Ka Inday, “kaya pinag-aralan ko ring mag-vulcanize para mapag-aral ang dalawa naming anak.    Kaya siguro ang kapal ng palad ko–puno ng kalyo”.

Taong 1980, lumipat sila sa  Baesa, Novaliches, at makaraan ang limang tao’y napadpad sa North Triangle. “Kabuhayan ang natatanging dahilan kung bakit palipat-lipat kami ng aming tirahan,” pagdidiin ni Ka Inday. “Noong 1986, panahon ng pagpapatalsik kay Marcos, sumama ako sa rally at nagtinda  ng suman. Ito ang naging kabuhayan namin.”

Kasabay nito nagtatanim siya ng petsay, kangkong, talbos ng kamote at gabi na ibinebenta sa Balintawak at Munoz. Noong 1988 ay namatay si Mariano dahil nasaksak sa inuman, at si Ka Inday na ang solong nagtaguyod sa mga anak.

Taliwas sa sinasabi ng iba na tamad, pabandying-bandying at walang pagsisikap ang mga maralita kaya hindi umaasenso sa buhay, sinabi ni Ka Inday na hindi birong magpakain ng buong pamilya, pag-aralin ang mga anak, at mangarap na huwag ng danasin  ng mga anak ang hirap na kanilang kinagisnan.

Minsan, nangarap din si Ka Inday na makaalis ng San Roque, North Triangle at makapagpatayo ng sariling bahay. Kaya taong 1989, namasukan siyang domestic helper (DH) sa Yemen, Middle East. Halos dalawang taon at apat na buwan siya roon, habang naiwan ang dalawang anak sa kamag-anak.

“Kaso ang kinikita ko doon ay $100 lang sa isang buwan.  Maliit ang sahod pero nagtagal ako dahil mabait naman ang amo ko at hindi nananakit. Napauwi na lang ako nang malulong sa drugs ang panganay ko at nasaksak,” sambit niya.

Pagbalik ni Ka Inday sa Pilipinas sa naipong halagang US$1,000 nakapagpagpatayo siya ng bahay pero sa San Roque rin.  “Hindi kakayaning makabili pa ng sariling lupa.  Dahil noon ay hindi pa pinag-iinteresan ang lupa, malaya kaming nanirahan at pinaunlad namin ang aming komunidad,” paliwanag niya.

Nagtrabaho na siya sa imprenta ng mga sako.  Nakilala ang kanyang pangalawang asawa at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalake.  Aniya, “ang naging asawa ko muli ay tubong Sorsogon, pero dalawang taon lang kami nagkasama, at naghiwalay din dahil babaero.”

Matatag na babae at ina si Ka Inday. Hindi niya tinali ang kanyang buhay sa pakikipagrelasyon sa asawang walang pagpapahalaga sa sarili at pagsisikap na baguhin ang kanilang kalagayan.  Muli bumangon siya, at binuhay ang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng ulam—pang almusal at tanghalian–at nagtayo ng sari-sari store sa tapat ng tirahan. Mula 1995 hanggang 2009 ibinuhos niya ang panahon sa paghahanapbuhay. Hanggang ngayon, may dalawang anak pa siyang pinag-aaral sa high school.

Laban ng mga taga-San Roque

Kuwento ni Ka Inday, “Noong 1985 ang mga bahay sa loob ng North Triangle ay mahigit lang sa 20 pamilya, kasama na kami ‘dun.  Pero may mga tagaroon na  nagtatayo ng 4 na kubol,  tapos binebenta ng 500 kapag may naghahanap ng matitirikan.  Yung nakabenta magtatayo muli, kaya noong 1989 nasa higit 200 pamilya, bago pa ako lumabas ng bansa.  Ang lugar namin ay kinilala at napangalang San Roque buhat ng iparada ang patron sa lugar.”

Nahahati sa tatlo ang San Roque: San Roque 1 ang Adelina, likod ng bumbero, San Roque 2 ang lugar ni Ka Inday, at San Roque 3 ang nasa Trinoma at paradahan ng Metromanila Tansit.  Nang bumalik  ng 1992 Si Ka Inday, galing Yemen. Dito siksikan na  parang kabute ang mga residente. Sari-sari ang trabaho ng mga tao: may nagtitinda, pumapasok sa construction, at may nagtatrabaho sa katabing Philippine Science High School at Veterans Hospital bilang janitor.

Taong 2001 nang magkaroon ng malaking sunog na malapit sa EDSA.  May  1,000 bahay ang nasunog at muli ring nagtayo ng mga bahay; kasi di pa pinapansin ang lupa ng gobyerno sa panahon nina Cory Aquino, Ramos at Estrada.

“Mula nang manungkulan si Gloria Arroyo,” ani Ka Inday, “nagkaroon na ng sunugan na umabot sa walong beses. Nag-umpisa na rin kaming magduda sa intensiyon ng ilang nagpapanggap na naninirahan, mangungupahan pero walang gamit. Pagkatapos lamang ng isang linggo, may bigla na lang sunugan. Tumindi pa ito noong 2009.”

Dalawampu’t siyam na taon na ring residente si Ka Inday sa lugar.  Sabi niya nga, kung naisipan niyang magbuwis sa lupa noon pa, siguro ay kanya na ang lupang tinitirikan ng kanyang bahay. Pero hindi na niya naisip iyon dahil abala siya sa pagpapalaki ng mga anak at solong pagtustos sa kanilang ikabubuhay. Relocation site din ang San Roque noon at 10,000 na ang residente. Ngunit nagtulung-tulong ang mga naninirahan doon at sa sariling pagsisikap ay napaunlad ang kanilang lugar. Dati, hirap sila kasi walang tubig at kuryente.

Pero pilit bumabalik sa San Roque ang mga dating naninirahan. Kahit ang mga dati pang relocatees,dahil nandito ang kanilang kabuhayan. “Trabaho ang mahalagang pinangangalagaan naming mga mahihirap,” sabi ni Ka Inday. “Sa relocation areas na nilalaan sa amin ng gobyerno ay problemang malaki at tila di naman talaga kami inuunawa—maglalaan ng off-city relocation pero walang kabuhayan dun o di kaya umaasa silang babayaran namin ito ng 25 taon pero hindi naman din kakayanin. Dahil hindi rin ito sapat ang aming kinikita. Marami din sa mga maralita ang tinaboy rin lang papunta sa mas mapapanganib na lugar.”

Nitong Enero 14, may ordinansa na ang Quezon City Hall na pirmado ni Mayor Herbert “Bistek” Bautista, na nagbabawal ng pagtatayo ng anumang istruktura sa lungsod.  Hindi na kailangan pang kumuha ng court order para magdemolis ang mga barangay kagawad at tanod. Tatagpasin na rin ang anumang istrukturang lagpas sa lupang kinatatayuan ng bahay.

Kaya  noong Enero 27, muling nag-umpisa ang marahas na demolisyon sa San Roque nang walang anumang notice, di katulad nang dati. “Tinambakan kami ng sandamakmak na pulis at naroon din ang security guards ni Ayala na armado lahat,” paglalahad ni Ka Inday. “Umabot sa apat na araw at halos 11.3 metro ang giniba at agaran nilang nilimas. Sa kasalukuyan, may higit 50 pamilya ang nagtayo ng kubol sa central island ng Agham Road. Marami-rami na rin sa kanila ang walang malilipatan dahil hindi nakasama sa listahan ng NHA (National Housing Authority).”

Ang San Roque ay bahagi ng lugar na pagtatayuan ng Quezon City Central Business District. Galit na sinabi ni Ka Inday: “Malinaw sa aming mahihirap na hindi kami kasama sa pag-unlad, o sa matuwid na daang malimit banggitin ni Noynoy Aquino. Walang-ibang pinaglilingkuran niya kundi ang mayayamang kapitalista, at kasabwat ang mga namumuno sa gobyernong Aquino.”

Panahon ng pagkamulat

Nagsimulang magalit si Ka Inday noon pang Setyembre 23, 2010  nang magkaroon ng marahas na demolisyon  sa EDSA.

Naisip niyang pumunta roon para magbigay ng kanyang suporta, at doon niya nakita na wala talagang maaasahan sa gobyerno. Dito siya naugnayan ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) at di nagtagal nahalal bilang chairperson ng September 23 Movement. Dahil naging abala sa organisasyon pati pagtitinda ay panaka-naka na lang. Gumawa na lamang siya ng basahan para may panggastos ang dalawang anak  sa mga project sa eskuwela.

Wika ni Ka Inday: “Malinaw sa akin na kaya may problema kami sa pabahay ay dahil wala kaming disenteng hanapbuhay sa bansa.  Nananatili kaming biktima ng kaapihan at pagsasamantala. Kagaya ko, na nagmula sa pamilyang magsasaka. Ang magtanim ay hindi biro, ngunit aagawin din ang lupang iyong pinaunlad at kung sino pa ang nagpapakain sa mamamayan ay siya pang walang makain at pinagkakaitan sa lupa.”

Mula sa mga karanasan sa Kadamay, lalo siyang nawalan ng tiwala sa gobyerno. Aniya, hangga’t ang gobyerno ay hindi sinsero walang magaganap na pagbabago sa buhay ng mga maralita.

Sa kabila ng kawalan, dinadahas pa rin sila nang lubusan at ito ay maluwag na pinapahintulutan ng gobyerno.  Tanong ni Ka Inday: “Masisisi n’yo ba ang maralita kung sila’y matutong lumaban at ipagtanggol ang kanilang karapatan na mabuhay? Masisisi n’yo ba kaming mga mahihirap na hindi na magtiwala pa sa gobyernong ito? Kung ang langgam nga, kapag sinira mo ang kanilang bahay mangangagat, ang tao pa–lalaban at lalaban para mabuhay para sa kinabukasan.”

Ngunit may namumuo pa ring pag-asa sa puso ni Ka Inday. May liwanag siyang nakikita. Ito ay nang magsimula nang tahakin niya ang landas ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya.  “Sa edad ko ngayon, maaaring nababawasan na ang lakas ng katawan,” pagdidiin niya. “Nauunawaan ko ang galit at poot sa puso ng mga maralitang tagalungsod, pero kailangang ibaling ito sa pusong nagtitiwala, nagmamahal, para sa tunay at ganap na pagbabago.  Mas mahalaga pa rin ang sama-sama nating pagkilos.”

Sigurado siya na hindi lang siya ang nakikibaka para sa disenteng hanapbuhay at kasiguruhan sa paninirahan. Naniniwala si Ka Inday na balang araw ay makakamit din ng mga mamamayan ang pambansang industrialisasyon at tunay na reporma sa lupa na magbibigay ng hanapbuhay sa nakararami.

At kapag nangyari ito, aniya, di na sila tatawagin pang maralitang tagalungsod.


One Billion Rising for Justice | A resounding women’s call for justice

$
0
0
Thousands march from Quezon City Memorial Circle to UP Diliman for the One Billion Rising for Justice on Feb. 14. (Macky Macaspac)

Thousands march and dance from Quezon City Memorial Circle to UP Diliman for the One Billion Rising for Justice on Feb. 14. Macky Macaspac

Upping the ante in its call to action to end violence against women, this year’s One Billion Rising for Justice (OBR4J) in the Philippines called for justice for all women victims under what it calls a “disaster presidency” under Benigno Aquino III.

The whole-day, country-wide affair featured flash mobs near  “places of injustice” such as the Malacanang Palace, the National Housing Authority, schools and other places, as well as creative performances and political speeches condemning various forms of violence against women and children.

In Mendiola near Malacanang in the morning of Feb. 14, women activists and members of community-based women’s groups danced, while others held up placards calling for justice for victims of typhoon Yolanda (Haiyan) and taking the Aquino administration to task for its “criminal negligence” on the ensuing humanitarian crisis.

In the afternoon, thousands of participants held a colorful cultural parade from Quezon City Memorial Circle to University of the Philippines in Diliman, Quezon City, where a huge cultural program was held to culminate this year’s OBR4J campaign.

“After Yolanda hit the country, the Aquino administration has proven itself as a major disaster to the lives of the victims. Instead of acting in response to the need of the victims, (it) has been pushing for public-private partnership to rebuild the affected areas,” said Joms Salvador, Gabriela secretary-general.

The thousands of women and men who participated in the OBR4J events also called to public attention the corruption issues, especially pork barrel and Disbursement Acceleration Program, implicating the Aquino administration, as well as the increasingly high prices of basic commodities and utilities.

As with last year’s “rising,” the protesters noted that the present administration also recorded the highest number of cases of violence against women. They have taken the President to task for the impunity that revails in the country.

OBR4J was led by women’s groups Gabriela and Gabriela Women’s Party, pioneering theater group New Voice Company and participated in by countless grassroots organizations, schools, workers’ unions, government employees’ and teachers’ unions, local government agencies, youth groups,

Women worse off under Aquino

Gabriela, a women organization in the Philippines promoting women’s rights and welfare, said that Filipino women have “suffered more than enough” under the Aquino administration.

For this year’s OBR4J, they were determined to hold this administration accountable for its criminal negligence against the people especially for the victims of super typhoon Yolanda (Haiyan). According to Salvador, under Aquino’s regime, impoverished women have been further victimized with unabated price hikes form power, water, oil, and other services.

Meanwhile, women and men from disaster-stricken areas like Eastern Visayas and Bohol and even Mindanao, have yet to recover. Until now, countless families continue to live off meager relief goods, while services and especially medical help, remain scarce. The people also urgently need jobs and livelihood to help them recover from the tragedy and devastation.

Gabriela Women’s Party’s representative in the Lower House, Rep. Emmi De Jesus, added that the Aquino administration also perpetuates injustice by refusing to stamp out patronage politics that has bedeviled Philippine governance for decades. Specifically, the administration has continued the practice of lump sum appropriation—a practice that breeds corruption and unaccountability.

OBR4J also became occasion to honor women heroes such as Maria Lorena Barros, Carmen “Nanay Mameng” Deunida, Maita Gomez, and even the women farmers at the forefront of struggles for democratic rights such as those of Hacienda Luisita, who have been besieged by violent landgrabbing orchestrated by the Aquino-Cojuangco family’s Tarlac Development Company (Tadeco).

“Women themselves sit in front of bulldozers to prevent it from destroying their crops. Women are the ones facing the armed security guards who want to destroy the land they are tilling. And women
also suffer repression and persecution like Tarlac City Councilor Emy Ladera who sided with the farmers in their struggle for land reform,” according to Angie Ipong, former political prisoner and now part of Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA).

Ladera, who is sister of martyred Tarlac councilor Abelardo Ladera, now faces what UMA calls “harassment suits” because of her steadfast support for farmer beneficiaries’ right to till the land in Hacienda Luisita.

People rising

(Photo by Macky Macaspac)

Photo by Macky Macaspac

Workers have also joined OBR4J, dancing in front of the House of Representatives, as well as Malacanang and even their work places. They bring to the campaign their issue of low wages  and contractualization that have victimized women workers under the Aquino administration, according to Yolly Mabaquiao, 64, from Kilusang Mayo Uno (KMU).

“Even women workers suffer from different abuses in factories like what happened in Advan (a shoe factory with many women workers). Women workers suffer from sexual abuses from the management, aside from facing repression of their labor rights,” according to Mabaquiao.

Women workers are rising for living wage and against contractualization, Mabaquiao added.

“Being contractual means low wage, no or minimal benefits, and no job security which are unjust labor practices especially for women,” Mabaquiao said.

Meanwhile, youth organizations led by Kabataan Party-list also joined the OBR4J in Morayta, Manila in the afternoon and marched to Mendiola. They took the Aquino administration to take for failing to stem tuition and fee increases in public and private universities.

“This year’s One Billion Rising campaign focuses on the concept of justice in all its forms. For us students, justice is putting an end to students’ rights violations perpetrated by school administrations
and ending the cycle of tuition and other fee increases that have vastly affected thousands of students and families throughout the country,” said Sarah Jane Ilago, national president of the National
Union of Students of the Philippines (NUSP) and one of the organizers of OBR4J-University Belt.

After in Morayta, students and youth marched to Mendiola, saying that their call for education and justice must penetrate the guarded walls of Malacanang.

“It is exactly the Aquino administration’s ineptitude that has aggravated the current state of women and the youth sector,” according to Kabataan Rep. Terry Ridon.

Families of overseas Filipino workers (OFWs) also joined the event, calling for justice for abused migrant women. Led by Migrante International, Filipino migrants have also led, or participated in, similar “risings” in countries with large Filipino communities such as Hong Kong, the United States, Middle East countries, among others.

Interconnected struggles

Gabriela’s Salvador stressed that one of OBR4J’s messages is that one cannot separate physical or sexual violence against women from economic and political violence that women and children bear the brunt of.

“There is a need to name what or who are accountable for the poverty and violence against women. These structures are still in place and foreign domination particularly the United States are pushing their
neo-liberal agenda beyond their boarders that lead to the sufferings of women across the globe,” added Salvador.

She said women must unite with the men, and other sectors to confront state-sponsored violence and impunity in the country and around the world. The OBR4J events in the Philippines have proven the interconnectedness of various people’s issues and the need for people’s collective action.

In its second year, the One Billion Rising campaign has been successful in calling for action to end all forms of violence against women. But the battle continues.

Text by Pher Pasion & KR Guda | Photos by Macky Macaspac, Jaze Marco, Pher Pasion & Karla Ujano

 

Photos of events in Mendiola, QC Memorial Circle and UP Diliman, as well as other Filipino-led risings in other places:

Theater artist and One Billion Rising for Justice Global Director Monique Wilson leads the flash mob of hundreds of women activists dancing "Isang Bilyong Babaeng Babangon" in Mendiola, Manila as a protest against Aquino administration's "criminal neglect" in Yolanda (Haiyan)'s wake and other forms of violence against women. (Macky Macaspac)

Theater artist and One Billion Rising for Justice Global Director Monique Wilson leads the flash mob of hundreds of women activists dancing “Isang Bilyong Babaeng Babangon” in Mendiola, Manila as a protest against Aquino administration’s “criminal neglect” in Yolanda (Haiyan)’s wake and other forms of violence against women. Macky Macaspac

Theater artist and One Billion Rising for Justice Global Director Monique Wilson leads the flash mob of hundreds of women activists dancing "Isang Bilyong Babaeng Babangon" in Mendiola, Manila as a protest against Aquino administration's "criminal neglect" in Yolanda (Haiyan)'s wake and other forms of violence against women. (Macky Macaspac)

Monique Wilson with Gabriela dancing the OBR Philippines dance. Macky Macaspac

Women workers from Kilusang Mayo Uno join the flash mob. (Macky Macaspac)

Women workers from Kilusang Mayo Uno join the flash mob. Macky Macaspac

(Photo by Pher Pasion)

Photo by Pher Pasion

Dancing at Mendiola. <strong>Jaze Marco</strong>

Dancing at Mendiola. Jaze Marco

<strong>Macky Macaspac</strong>

Macky Macaspac

<strong>Macky Macaspac</strong>

Macky Macaspac

Grassroots women joining the One Billion Rising read a special print issue of Pinoy Weekly that came out Feb. 14. (Pher Pasion)

Grassroots women joining the One Billion Rising read a special print issue of Pinoy Weekly that came out Feb. 14. Pher Pasion

Women and men from People Surge, alliance of survivors of typhoon Yolanda (Haiyan), joins the afternoon march. (Macky Macaspac)

Women and men from People Surge, alliance of survivors of typhoon Yolanda (Haiyan), joins the afternoon march. Macky Macaspac

Start of the afternoon march in Quezon City. (Macky Macaspac)

Start of the afternoon march in Quezon City. Macky Macaspac

"Aquino: Disaster President" <strong>Macky Macaspac</strong>

“Aquino: Disaster President” Macky Macaspac

Foreigners join in the parade. <strong>Macky Macaspac</strong>

Foreigners join in the parade. Macky Macaspac

<strong>Photo by Macky Macaspac</strong>

Photo by Macky Macaspac

The award-winning UP Pep Squad before the OBR4J crowd in UP Diliman. <strong>Pher Pasion</strong>

The award-winning UP Pep Squad before the OBR4J crowd in UP Diliman. Pher Pasion

Flashiing the OBR sign. <strong>Karla Ujano</strong>

Flashing the OBR hand sign. Karla Ujano

Monique Wilson opens the program in UP Diliman. <strong>Macky Macaspac</strong>

Monique Wilson opens the program in UP Diliman. Macky Macaspac

Monique Wilson joins V-Men, fellow theater artists, singers and other women leaders in singing "I Am Rising". <strong>Pher Pasion</strong>

Monique Wilson joins V-Men, fellow theater artists, singers and other women leaders in singing “I Am Rising”. Pher Pasion

With Bayan Chair Carol Araullo and Sr. Mary John Mananzan, among others. Monique Wilson joins V-Men, fellow theater artists, singers and other women leaders in singing "I Am Rising". <strong>Macky Macaspac</strong>

With Bayan Chair Carol Araullo and Sr. Mary John Mananzan, Gabriela Reps. Emmi de Jesus and Luz Ilagan, among others. Monique Wilson joins V-Men, fellow theater artists, singers and other women leaders in singing “I Am Rising”. Macky Macaspac 

Monique Wilson sings "I Am Rising" with one of Yolanda survivor. With Bayan Chair Carol Araullo and Sr. Mary John Mananzan, among others. Monique Wilson joins V-Men, fellow theater artists, singers and other women leaders in singing "I Am Rising". <strong>Macky Macaspac</strong>

Monique Wilson sings “I Am Rising” with one of Yolanda survivors.  Macky Macaspac

Fire dancers. <strong>Macky Macaspac</strong>

Fire dancers. Macky Macaspac

Bayang Barrios. <strong>Macky Macaspac</strong>

Bayang Barrios. Macky Macaspac

Legendary folk musician Lolita Carbon. <strong>Macky Macaspac</strong>

Legendary folk musician Lolita Carbon. Macky Macaspac 

Community dancing to close the program. <strong>Macky Macaspac</strong>

Community dancing to close the program. Macky Macaspac

Youth organizations as well as people's groups in Manila gathered in Moryata Avenue, Manila for their own OBR4J event. <strong>Jun Santiago/Tudla Productions</strong>

Youth organizations as well as people’s groups in Manila gathered in Moryata Avenue, Manila for their own OBR4J event. Jun Santiago/Tudla Productions 

Women and youth leaders lead the One Billion Rising for Justice event in Manila. <strong>Tudla Productions</strong>

Women and youth leaders lead the One Billion Rising for Justice event in Manila. Tudla Productions

Marching to Mendiola. <strong>Jun Santiago/Tudla Productions</strong>

Marching to Mendiola. Jun Santiago/Tudla Productions 

<strong>Tudla Productions</strong>

Tudla Productions

Risings in different provinces/regions in the Philippines:

OBR4J dancing in UP Los Banos, Laguna. <strong>Southern Tagalog Exposure</strong>

OBR4J dancing in UP Los Banos, Laguna. Southern Tagalog Exposure 

OBR4J in Southern Tagalog. <strong>Photo courtesy: Gabriela-Southern Tagalog</strong>

OBR4J in Rizal province. Photo courtesy: Gabriela-Southern Tagalog

OBR4J in Legazpi City, Albay. <strong>Contribution/Rico de Mesa Manallo</strong>

OBR4J in Legazpi City, Albay. Contribution/Rico de Mesa Manallo

OBR dancing in Legazpi City. <strong>Rico de Mesa Manallo</strong>

OBR dancing in Legazpi City. Rico de Mesa Manallo 

Baguio City and Cordillera. <strong>Contributed Photo/Audrey Beltran</strong>

Baguio City and Cordillera. Contributed Photo/Audrey Beltran

OBR4J in Capiz. <strong>Photo courtesy Gabriela Capiz</strong>

OBR4J in Capiz. Photo courtesy: Gabriela Capiz

Around 3,000 participated in OBR4J event in Capiz, according to Gabriela-Capiz. <strong>Photo courtesy: Gabriela-Capiz</strong>

Around 3,000 participated in OBR4J event in Capiz, according to Gabriela-Capiz. Photo courtesy: Gabriela-Capiz

Dancing in Cotabato City. <strong>Photo courtesy: Gabriela-Cotabato</strong>

Dancing in Cotabato City. Photo courtesy: Gabriela-Cotabato

OBR4J in Cotabato. <strong>Photo courtesy: Gabriela Cotabato</strong>

OBR4J in Cotabato. Photo courtesy: Gabriela Cotabato 

Color-coordinated attires in Davao City. <strong>Kilab Multimedia</strong>

Color-coordinated attires in Davao City. Kilab Multimedia

OBR4J dancing in Davao. <strong>Kilab Multimedia</strong>

OBR4J dancing in Davao. Kilab Multimedia

Risings led or participated in by Filipinos in different countries:

Amid the rain, thousands of Filipinos and other people from different nationalities danced for OBR4J in Hong Kong, SAR. <strong>Carlos Piocos</strong>

Amid the rain, thousands of Filipinos and other people from different nationalities danced for OBR4J in Hong Kong, SAR. Carlos Piocos

OBR4J dancing in Riyadh, Saudi Arabia. <strong>Photo courtesy: Migrante-Riyadh</strong>

OBR4J dancing in Riyadh, Saudi Arabia. Photo courtesy: Gabriela-Riyadh

Gabriela Australia, Anakbayan Melbourne and Migrante Melbourne participated in OBR4J in Federation Square in Melbourne, Australia. <strong>Roni Oracion</strong>

Gabriela Australia, Anakbayan Melbourne and Migrante Melbourne participated in OBR4J in Federation Square in Melbourne, Australia. Roni Oracion

Members of Gabriela New York in NY, USA participated in OBR4J event there where V-Day and OBR founder Eve Ensler spoke glowingly about Gabriela. <strong>Candice Sering</strong>

Members of Gabriela New York in NY, USA participated in OBR4J event there where V-Day and OBR founder Eve Ensler spoke glowingly about Gabriela. Photo courtesy: Candice Sering

Wala pa ring hustisya ang mga Pinoy na biktima ng human trafficking sa US

$
0
0
Mga Pinoy na guro sa Washington DC, USA na nangangampanya para sa hustisya sa mga nabiktima ng human trafficking sa naturang lugar. <strong>Kontribusyon</strong>

Mga Pinoy na guro sa Washington DC, USA na nangangampanya para sa hustisya sa mga nabiktima ng human trafficking sa naturang lugar. Kontribusyon

Pangkaraniwang guro si Ginang Loel Naparato, 48. Nagtuturo siya sa Old Balara Elementary School sa Quezon City. Pero tulad ng maraming guro, lalo na sa pampublikong mga paaralan, hindi sumasapat ang suweldo niya para sa pamilya.

Isang araw, habang nag-i-Internet, natisod siya sa isang patalastas na nag-eenganyo sa mga tulad niya na magtrabaho sa Amerika bilang guro.

“Nag-online ako at nakita ko sa JobStreet.com ang Rennaisance, kaya na-encourage ako na mag-aplay,” kuwento ni Naparato. “Loving Care” daw ang pangalan ng paaralan na kanyang mapapasukan. Kaya naghanda na siya para makuha ang trabaho, at napangakuan nga siyang makakaalis sa loob ng 90 araw. Hunyo 18, 2013 nang ayusin niya ang kanyang aplikasyon at magbayad ng US$6,500 bilang processing fee.

“Naghintay ako nang tatlong buwan. Pero sabi nila tumatagal nang 10 to 12 months ito para maayos, kaya naghintay na naman ako,” aniya. Noong Abril 2013 siya naabisuhan na dumating na ang kanyang mga dokumento, at pinagbayad siya ng iba’t ibang service fee. “Pinangakuan ako na makakaalis by the end of August [ng 2013],” ani Naparato. Pinagbayad na naman siya.

Kailangan na naman daw niya magbayad para sa housing, sa embahada. Nagbayad naman siya, at naghanda nang umalis.

“Nag-leave na ako sa school. Hinihingi ko sa kanila (Rennaisance) kung kailan talaga ako makakaalis. Kaya lang, from time to time sinasabi nila na na-postpone,” dagdag pa ni Naparato. Hanggang sa sinabihan siyang aalis daw siya noong Nobyembre 20.

Pero hindi pa rin ito nangyari. Nagtaka na siya. Unti-unti, luminaw ang lahat. Dumulog siya at iba pang guro sa Migrante International para magpatulong. Marami, umaabot sa 100, ang nakarating ng US, para lamang malaman na walang naghihintay na teaching position doon, at napilitan silang magtrabaho ng kung anu-ano. Unti-unti, napag-alaman nila ang panloloko ng Renaissance, at ang sistema ng human trafficking sa mga tulad nito—na tila kinukunsinti ng, o nagkikibit-balikat ang, gobyerno ng Pilipinas.

Iskema ng pandarambong

Pilipinong guro sa Washington DC na naghahangad ng hustisya para sa mga nabiktima ng human trafficking. <strong>Kontribusyon</strong>

Pilipinong guro sa Washington DC na naghahangad ng hustisya para sa mga nabiktima ng human trafficking. Kontribusyon

Si Isidro Rodriguez ang tagapangulo ng Renaissance Staffing Support Center. Naunang nakilala ang naturang kompanya sa pangalang Great Provider. Ayon pa sa nakalap na datos ng Migrante International, pakikipagtulungan ang kompanya ni Rodriguez sa Green Life Care International, LLC (Limited Liability Company) sa Estados Unidos.

Ipinaliwanag ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante International, ang aniya’y modus operandi ni Rodriguez. Nangangako umano si Rodriduez na kaya niyang magpapunta ng mga guro sa US dahil public school teacher din daw siya sa naturang bansa.

“Ang modus operandi niya ay ito: Ang mga seminar niya, sa malalaking mga five-star hotel; ang mga ginagawa niyang pagkumbinsi ay kapani-paniwala dahil istilo niya talagang may pinatutuluyan siyang opisina sa Makati, at yung mga symposium ay talagang magarbo,” paliwanag ni Martinez.

Sa naturang seminar, hinihimok ni Rodriguez ang mga guro na magmadali sa pag-aplay. “Hurry or miss the opportunity of being hired for a lucrative teaching job in the US,” sabi diumano ni Rodriguez. Limitado lamang daw kasi sa 20 ang slots na pupunuin. Dagdag ito sa presyur sa mga nagpunta sa seminar upang asikasuhin ang kanilang aplikasyon.

May nakaabot pa na ulat sa grupong pangkababaihan na Gabriela na nanghaharas at humihingi ng seksuwal na mga pabor umano si Rodriguez sa mga guro para mapabilis ang pag-asikaso raw ng kanilang trabaho.

Noong Nobyembre 2013, napag-alaman ng Gabriela na may mga nakaalis na pala sa mga inaareglo ni Rodriguez. Ang marami sa kanila, pagdating sa Washington DC ay napilitang magtrabaho sa day care centers. Nagulat ang mga employer sa walk-in na pag-aplay ng mga Pilipinong guro na pinangakuan ng trabaho roon.

“Marami sa kanila, naatasang magpalit ng mga diaper, magpakain ng mga bata, maglinis ng mga laruan, mesa, higaan, gumawa ng lesson plans, magdokumento ng mga obserbasyon, maglinis ng malalaking CR na may maraming sink at toilet, mag-mop ng sahig, maghugas ng pinggan, magtapon ng basura at iba pang trabaho na iniuutos sa kanila ng kanilang mga employer,” ayon sa fact-sheet ng Migrante na inilabas noong Disyembre 2013.

Marami pa umano sa kanila ay nagkakasakit dahil sa mga kemikal na ginagamit sa trabaho at sa mabigat na trabaho. Lantarang nalabag ang mga kontrata nila at karapatan sa paggawa–sa sahod na $10-12 kada ora na suweldo. Marami ang nagtrabaho nang 10 oras pero nababayaran lang ng 8 oras, walang overtime pay at benepisyo, sabi pa ng Migrante.

Ani Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela, nakakalap daw sila ng impormasyon sa tulong ng kanilang mga miyembro at kaibigan sa Seattle, Washington at Washington DC sa US. Ayon kay Salvador, nasa Washington DC na ang mga guro pero wala namang inabutang trabaho roon. Hawak ng Gabriela at Migrante ang mga sworn affidavit nila.

Noong Nobyembre 13, 2013, nadakip si Rodriguez ng mga awtoridad, kasama sina Karen Liao Lee, Manilyn Flores Guerrero at Rosanna Magtangay, sa isang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Group sa tulong ng potensiyal na biktima nila.

Para sa Migrante, may direktang pananagutan si Pangulong Aquino sa mga kaso ng human trafficking dahil sa Labor Export Policy ng gobyerno. <strong>Kontribusyon</strong>

Para sa Migrante, may direktang pananagutan si Pangulong Aquino sa mga kaso ng human trafficking dahil sa Labor Export Policy ng gobyerno. Kontribusyon

Kibit-balikat lang

Noong Disyembre 18, 2013, nakipag-usap ang ilang miyembro ng tinaguriang “DC Teachers” (mga guro na na-traffic patungong Washington DC) kasama ang Migrante International at Gabriela sa National Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa Department of Justice (DOJ).

Dito nila inihayag kay Raymond Jonathan Lledo, senior assistant city prosecutor ng IACAT, ang sinapit ng mga tulad ni Ginang Naparato. Tanggap ng ahensiya na malakas ang kaso na ito laban kay Rodriguez.

We’re happy that it was put to attention,” sabi ni Lledo. “We’ve already filed the case to the CIDG and we will coordinate with them to fast-track the investigation, and they informed us that the suspect ay nakakulong na. The next step dito ay to file formally the case. And we will assist the CIDG in the case build-up.”

Sa diyalogo, sinabi ni Martinez na positibo ang aksiyong ito. Pero iginiit niya na dapat sampahan ng kasong human trafficking ang akusadong si Rodriguez kahit may nakasampa na na kaso ng illegal recruitment at estafa. Iginiit din ng mga biktima ni Rodriguez na dapat mabawi ang kanilang binayad. Sinabi ni Martinez na kung talagang gugustuhin ito ng gobyerno, maaaring ma-trace ang assets ng kompanya ni Rodriguez gamit ang Anti-Money Laundering Act o AMLA. Sa hakbang na ito lamang umano masisimulang mapawi ang takot ng mga biktima.

Para sa Migrante, pagkakataon na sana ng administrasyong Aquino na masubukan ang Republic Act 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012. Malakas ang kaso ng kauna-unahang kaso ng human trafficking na ihahapag sa korte, dahil na rin umusad na ang counterpart na kaso nito sa US. Malayung-malayo ito sa unang nahawakang mga kaso ng Migrante na kasong estafa at illegal recruitment lamang ang naisasampang reklamo.

Ang problema, tila minamaliit daw ng DOJ ang kaso laban kay Rodriguez. Hindi pa itinuturing ng gobyerno na human trafficking ang kaso ng DC Teachers. “Nalalagay na naman tayo ng sentro ng katatawanan—’Yung mga napapalis na nasa US na may 50 teachers ay dinidinig na yung kaso nila sa human trafficking. (Pero) kapag dito (sa Pilipinas), hindi nila kinonsider na trafficking ito, kahit may mahigit 100 na complainant,” sabi pa ni Martinez.

Ipinaliwanag pa niya na sa kaso ng DC Teachers at iba pang kaso ng human trafficking, makikitang may pananagutan ang gobyerno sa pagpapatuloy ng praktikang ito. Sa polisiya ng pag-eksport ng lakas-paggawa ng mga Pilipino (Labor Export Policy), inaapruba umano ng mismong Philippine Overseas Employment Agency o POEA ang lahat ng kontrata para sa direct- at agency-hires na napupunta ng US. Nabigyan din ng gobyerno ang Renaissance ni Rodriguez ng lisensiya para sa mga operasyon nito.

Wala ring mekanismo ang gobyerno ng Pilipinas, pati ang sa US, para umaksiyon laban sa mga kakutsaba sa Pilipinas ng mga kompanyang ito na nagrerekluta para sa human trafficking sa US.

Ngayong Marso 17, sa ika-19 anibersaryo ng pagbitay sa Pilipinong domestic helper sa Singapore na si Flor Contemplacion, nagdeklara ang Migrante at Gabriela sa US, gayundin ang iba pang tagasuporta ng mga gurong na-traffic, ng National Day of Action for Trafficked Teachers. Magsasampa rin ng kasong trafficking in persons sa ilalim ng RA 10364 ang Migrante sa DOJ.

Magpoprotesta sila, kasama ang mismong mga guro, kasama si Ginang Loel Naparato at maraming iba pa, hangga’t hindi sila nabibigyang katarungan, hangga’t napipilitan ang mga tulad nila na mangibang-bayan para lang mabuhay.

 

VIDEO | Mga estudyante, guro lumiban sa klase para magprotesta vs taas-bayarin sa mga pamantasan

$
0
0

Sa pangunguna ng progresibong mga organisasyon ng kabataan tulad ng Anakbayan, League of Filipino Students, Student Christian Movement of the Philippines, College Editors’ Guild of the Philippines at National Union of Students in the Philippines, gayundin ang progresibong grupo ng mga guro, Alliance of Concerned Teachers, nagsagawa ng walk-out sa kanilang mga pamantasan at eskuwelahan ang mga estudyante at guro noong Marso 14. Nagmartsa sila patungo sa paanan ng Malakanyang sa Mendiola para iprotesta ang nagpapatuloy na taas-bayarin sa mga pamantasan at sistematikong pagkaltas ng administrasyong Aquino sa badyet ng sektor ng edukasyon. Kuha ni Pher Pasion / inedit nina Pher Pasion at Ilang-Ilang Quijano / Audio recording ni Valle Gaspe

Panayam kay Nora Aunor: ‘Ako na ang magkukusa’

$
0
0
Ang walang-kupas at prinsipyadong si Nora Aunor, sa rali noong ika-20 death anniversary ni Flor Contemplacion. <b>KR  Guda</b>

Ang walang-kupas at prinsipyadong si Nora Aunor, sa rali noong ika-20 death anniversary ni Flor Contemplacion. KR Guda

Matapos ang rali ng Migrante International sa Mendiola bilang paggunita sa ika-20 taon ng pagbitay kay Flor Contemplacion, eksklusibong nakapanayam ng Pinoy Weekly si Nora Aunor, beteranong aktres at tinaguriang Superstar.

Maaalalang si Nora Aunor ang gumanap na bida sa premyadong The Flor Contemplacion Story.

Suot ang maong at itim na t-shirt na may markang “Proud to be Filipino, Ashamed of my Government,” inilahad ni Aunor ang kanyang dahilan kung bakit nais niyang magbitiw si Pangulong Aquino.

PW: Ano ang nagtulak sa iyo na ipahayag ang saloobin na magbitiw na si Pangulong Aquino? May kinalaman ba rito ang hindi pagkilala sa iyo bilang National Artist?

Nora Aunor: Matagal ko na pong kinikimkim ito. Walang sinumang nagtulak sa akin. Ako na po ang magkukusa na magsalita dahil hindi ko na rin po gusto ang nangyayari sa bayan natin. Marami ang mga panyayaring iyan. Nakita ko po ang pagpapabaya ng gobyerno sa Tacloban nang mag-shooting ako nang dalawang linggo sa lugar. Tapos itong nangyari sa Mamasapano.

Hindi po ako naghangad na maging National Artist. Nagulat nga po ako. Alam kong mayroon pang mas mahuhusay kaysa akin.

PW: Ayon sa mga taga-Migrante, kayo mismo ang tumawag sa kanila na lalahok sa rali, at magsasalita. Bakit sa rali ng Migrante mo itinaon ang pagpapahayag na magbitiw na si Aquino?

Nora Aunor: Walong taon po akong naging migrante. Naghirap din ako sa Amerika. Dumanas din po ako ng gutom at pang-aalipusta. Hindi rin po bago sa akin ang pagiging mahirap.

Kaya mahal ko po ang mga migrante, at hindi lamang dahil sa isinabuhay ko si Flor Contemplacion sa pelikula. Naging caregiver din po ako, at minsan ay inalagaan ko pa po nang libre ang matanda at naghihirap nang si Sajid Khan, isang Indianong aktor, na naka-love team ko sa pelikula noong kami’y mga bata pa.

Tapos, noong may boses pa po ako at nagkokonsiyerto sa iba’t ibang bansa, nalalantad ako sa katayuan ng mga kababayan natin doon. Kita rin naman po na sa kaso ni Flor Contemplacion, hindi niya daranasin ang kamatayan kung hindi nagpabaya ang ating gobyerno.

Talumpati ni La Aunor sa Mendiola: Pagpapahayag ng kanyang matagal nang saloobin. <b>KR Guda</b>

Talumpati ni La Aunor sa Mendiola: Pagpapahayag ng kanyang matagal nang saloobin. KR Guda

PW: Hindi ka ba nag-aalala na maaaring makaapekto sa career mo ang pagposisyong ito laban kay Aquino?

Nora Aunor: Hindi ko na po iniisip yun. Basta’t pinanindigan ko na po, yun na yun. Hindi rin ako nagsisisi na nag-“oust Erap” ako. Nagkabatian kami ni dating pangulong Erap sa isang pagtitipon; pero hindi ibig sabihin po noon na nagkabalikan kami o binali ko ang aking prinsipyo.

PW: Ano naman ang masasabi mo sa maaaring sabihin ng iba na kaya mo lang ginagawa ito ay may bago kang pelikula o kakandidato kang muli sa pulitika?

Nora Aunor: Ay, hinding hindi po. Wala naman akong ginagawang pelikulang pang-komersiyal ngayon kundi puro “indie” (independent films) na sa mga film festival dinadala. (May tatlong pelikulang indie films si Aunor na hindi pa lumalabas – ang Padre de Familia na kasama si Coco Martin, Whistleblower, at Taclob. Itong huli ay tungkol sa Yolanda at malamang na ipalabas sa Cannes Film Festival—Ed.).

Kung pagtakbo naman sa pulitika, ayoko na po. Minsan na akong nagamit diyan. Mayroon diumanong nag-donate ng P3 Milyon sa kampanya ko noon, pero ang nakarating lang sa akin ay P200,000.

PW: May pag-asa pa bang maibalik ang boses mo?

Nora Aunor: Idinadalangin ko po. Magpapa-opera akong muli sa Hulyo, at pupunta sa US para rito. Sabik na sabik na po akong kumanta.

PW: Ano ang inaasahan mo kung sakaling magbitiw si Aquino?

Nora Aunor: Sana’y magkaroon na talaga po ng tunay na pagbabago sa bayan natin.

Viewing all 59 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>